Chapter 41

43 8 15
                                    

ANDY yawned again. Mas nauna pa silang gumising sa tinalaok ng manok at ngayon nga ay sakay sila ng umaandar na jeep patungo sa kanilang destinasyon. Inaantok pa siya at halos hindi pa dumudungaw ang araw sa silangan kaya mas pinili niya ang pumikit at iandig ang kaniyang ulo sa balikat ni Ion.

Hindi katulad niya, ang kaniyang mga kasama sa jeep ay buhay na buhay na at panay ang daldalan. How could she fall asleep on that state? Si Shonak na katabi niya rin sa upuan ay sige lang sa pagkalabit sa kaniya at ayaw talaga siyang patulugin.

"Stop, Shawn!" saway niya sa bakla na pinipisil ang pisngi niya. "Masakit na," reklamo niya rito. Dumilat siya at pinukol ito ng masamang tingin.

"Malapit na tayo," sabi nito sabay kindat kay Ion na ngumisi lang dito.

"Ilang oras ba ang biyahe papunta sa private island?" tanong ni Mitch na katabi ni Kaloy sa unahan na siyang nagd-drive ng sinasakyan nilang jeep.

"Tanungin mo si Ion," sagot ng binata.

Binalingan nilang lahat si Ion. Tumikhim ito.

"Mga twenty five minutes tayong sasakay ng motor boat para marating ang isla," sagot nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya alam na sa private island pala sila pupunta. Ang akala niya ay sa beach resort lang na nirenta ng mga ito.

"Boss Ion, marami ba doon chics?" tanong ni Bert. Nag-ingay din ang iba pang kalalakihan na kasama nila.

Kumamot si Ion sa noo nito. "Uhm. Actually, tayo-tayo lang ang tao roon."

"Private nga, eh. . ." bagot na saad ni Pita. Pinilit ito ni Pelita na sumama kahit ayaw.

Hinapit ni Andy sa katawan niya ang suot na cardigan saka bumuntong-hininga. Unlike dati, marami na sila ngayon na magkakasama. They were over one dozen in one jeepney. Ang totoo ay siksikan na sila dahil sa mga gamit nilang dala-dala. Pagdating nila sa pantalan kung saan naghihintay sa kanila ang dalawang bangkang de motor ay may araw na. Biglang nawala ang kaniyang antok nang nasa kalagitnaan na sila ng dagat patungo sa pribadong isla kung saan sila magpapalipas ng gabi.

Oh, how she loved the sea breeze hugging her warmly. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw dahil masiyado pang maaga. Sobrang linaw din ng tubig dagat at may nakikita pa siyang mga isda na tumatalon sa tubig. It was very fascinating and she couldn't stop her amazement on everything she sees. Nilingon niya si Ion na nakangiti habang minamasid siya. She raised the side of her shoulder for a shrug then caught several amount of her hair that was flown by the soft zephyr. She looked at Ion's direction again whose eyes danced with adoration.

Pagdating nila sa isla lahat sila ay namangha. Pinung-pinu ang puting buhangin at malinaw pa ang tubig. Marami ring puno ng niyog ang nakatanim, karamihan ay pakurba. Malaki rin ang beach house na tutuluyan nila ngunit karamihan sa kanilang kasamahan ay mas pinili ang magpalipas ng gabi sa tabi ng pangpang.

"Sama-sama na lang tayo sa iisang kuwarto, mga panget," excited na sabi ni Pelita habang isa-isa nilang binubuksan ang tatlong silid ng beach house. They all agreed at the suggestion bukod kay Shonak dahil mas gusto raw ng bakla nilang kaibigan ang makasama ang mga barako. Mas mabuti na rin iyon kaysa naman maging awkward ang buong gabi dahil kay Ching na hindi papasupil.

"Mas gusto ko rito," wika ni Mitch habang hinahawi ang puting kurtina ng bukas na bintana na gawa sa sawali. Nakaharap iyon na asul na tanawin ng karagatan.

"Okay, then. We're settled," aniya saka nagpasyang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin. Sumunod rin sa kaniya ang iba.

Nagtungo sila sa baybayin dahil naroon pa rin ang karamihan sa mga kasama nila.

The Depth WithinWhere stories live. Discover now