Chapter 38

49 7 0
                                    

"HELLO po, Ate."

Nilingon ni Andy ang pinanggalingan ng malalim na tinig. Kakalabas pa lang niya sa mababang gate ng bahay nina Mitch para sana tawagin ang nakababatang kapatid ng matalik na kaibigan nang lapitan siya ng isang lalaki na namumukhaan niya. It was Miguel, her younger sibling. Matangkad ito at mature na kung pakatitigan kaya hindi mapagkakamalhang sixteen years old pa lang. Her brother got their father's good looks, though the latter was more brooding.

Alanganin itong ngumiti nang nanatili siyang nakamasid dito. Umupo ito sa wooden bench at naghintay. She sighed before taking a seat beside him which put a soft smile on his lips.

"Kumusta ho kayo?" tanong nito pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.

"Good," maikli niyang sagot. She clicked her tongue. "You?"

"I'm great." A line was drawn on the sides of his deep set eyes when he smiled. Lumitaw din ang biloy nito sa kabilang pisngi.

Cute. . . she cleared her throat. Kinaskas niya ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa magkabila niyang hita.

"I was so excited to meet you. First time kitang makita in person noong gabi sa engagement party nina Ate Jane kaya natulala talaga ako sa 'yo. You were beautiful that night." Tumingin ito sa kaniya at hindi niya inasahan ang lungkot na nabanaag niya sa mga mata nito. "I'm sorry, ate. Sometimes iniisip ko na dapat ay hindi na lang ako pinanganak para nabawasan man lang ang hirap na pinagdaanan mo. We're a selfish family and we are truly sorry to you. Forgive us, please."

Her lips parted. Kumurap siya at umiwas dito ng tingin. Parang may tumusok na karayom sa dibdib niya nang marinig ang pagsusumamo sa boses nito.

"Alam ba ng parents mo na nandito ka ngayon?" tanong niya rito.

Umiling ito. "No. Gusto lang talaga kitang makita kaya tumakas ako sa amin."

"Bakit?" aniya sa pabulong na paraan.

"Dahil kapatid kita." Umusog ito palapit sa kaniya at nabigla siya nang bumaba ito at humiga sa bench. Ginawang unan ang hita niya. "Can you please pat my head and caress my hair?" parang bata na pakiusap nito sa kaniya.

Naiilang na inangat niya ang kaniyang kamay at dinala iyon sa buhok nito. So soft. . . Banayad sa kamay ang bawat hibla ng buhok nito.

"I'm planning to color my hair red. Okay lang ba?" tanong nito sa kaniya mayamaya.

Tumikhim siya. "Bakit ako ang tinatanong mo? Nand'yan naman sina Tita Vickie. Sa kanila ka magpaalam."

"They won't let me. Talk to them." Bigla itong bumangon at umayos ng upo. Pinakatitigan niya ito sa mga mata. She could sense something but she was unable put a name on it.

Tinaasan niya ito ng kilay. "I can't talk to them."

Lumabi ito. "Bakit naman, ate?"

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ito. Bakit ba ang agan ng pakiramdam niya rito at hindi niya magawang lumayo?

"Mommy loves you. Ang totoo ay mas naglaan pa siya ng panahon sa iyo kaysa sa akin." Did she just sensed bitterness in his voice?

"Miguel. . ."

"Let us be with you, Ate Andy. Sabik na sabik na sa 'yo si Daddy ganoon din ako at si Ate Danica. Please. . ." Hinawakan nito ang kamay niya at malungkot siyang tinitigan. "It's their fault. Mommy had no choice but to obey them."

Binawi niya ang kamay mula kay Miguel at dinala iyon sa ulo ng half-brother niya saka ginulo ang buhok nito. "Give me time."

Miguel's face brightened. Nanubig din ang mga mata nito bago siya niyakap. He buried his face on the hollow of her shoulder and silently whimpered like a child. She raised her hand hesitantly and caressed his back.

The Depth WithinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora