Chapter 9

124 53 23
                                    

HINILA ni Andy ang manipis na tela ng sarong pataas sa kaniyang hita habang nakasalampak siya sa pinung buhangin. Tinutok niya ang kaniyang mga mata sa apoy na nagliliyab na pinalilibutan nila sa gitna. Iyon ang nagsilbing init nila sa malamig na gabi at tanglaw na rin bukod sa maliwanag na sinag ng buwan sa madilim na kalangitan. Binawi niya mula sa bon fire ang kaniyang paningin nang magtawanan ang mga kasama niya. Nagbitaw kasi ng nakakatawang biro si Kaloy.

Niyakap niya ang kaniyang tuhod habang nakikinig sa walang humpay na asaran nina Mitch, kung minsan ay dinadamay siya ng mga ito sa kalokohan. Dumako naman ang paningin niya sa magkasintahang sina Marco at Shelly na nakakatuwa ring kasama.

Inabutan siya ng katabi niyang si Ching ng isang bote ng beer na malugod naman niyang tinanggap. Iinom na sana siya mula sa bote nang maramdaman niyang may kumalabit sa kaniya mula sa likuran. Nalingunan niya si Mimi na hawak na plastic cup, kasama rin nito si Pita. Inilihis niya ang paningin mula sa mga ito bago kinuha ang plastic cup mula sa kamay ni Mimi para salinan ng kaunting alak saka pasimple iyong binalik sa dalawa. Narinig niya ang pag-alis ng mga ito palayo sa kanila. Sa kaniyang isip ay lihim siyang nananalangin na sana'y walang nakakita sa ginawa niya kung hindi ay lagot siya kay Mitch at Pelita.

"Andy," tawag sa kaniya ni Shonak. Halos hindi na niya ito marinig dahil pabulong kung magsalita. Saka lang din niya namalayan na napapagitnaan pala siya nito at ni Ching.

"A-Andy. Ice cream ka ba?" tanong nito na halatang lasing na dahil sa pamumula ng mukha. Suminok pa ito.

"Hindi," sagot niya. "Bakit?"

Humagikgik ito bago sumagot. "Baka kasi matunaw ka sa mga titig niya."

Sinundan niya ng tingin ang nginuso nito. Si Ion ang nakita niya at totoo ngang nakatingin ang lalaki sa kaniya.

Ilang segundo ring naghinang ang kanilang mga mata saka ito umiwas ng tingin at nakipagkuwentuhan kay Marco at sa pinsan nito na may taglay ng kakaibang ganda. Sa tingin niya ay half Ukrainian ang babae, samantalang pure Australian naman ang nobyo nito.

"Mabuti na lang hindi ka ice cream para matunaw sa hotness ni Fafa Ion," dugtong pa ni Shonak. Narinig niya rin ang mahinang hagikgik ni Ching.

Tumingin ulit sa kaniya si Ion at naramdaman na lamang niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Dahil siguro sa alak.

"O-okay. . . Guys!" tawag atensyon sa kanilang lahat ni Pelita na tumayo pa at pumalakpak. Sa paraan ng pagtindig nito ay parang mabubuwal na dahil sa kalasingan. "Ito shi Kaloy. . . May announcement sa lahat! Especiallly kay Bitchy Witchy Mitch!" Tinuro nito si Kaloy na pipikit-pikit na dahil sa sobrang nainom na alak. "Ano na? Kaloy. . . Shabihin mo na." Sinipa nito ang lalaki dahilan para masubsub ito sa buhangin.

"'Wag. . .!" sabi nito kay Pelita bago umupo ng maayos. Pero gumigewang pa rin ito. "A-ano. . . K-kasi. . . Kasi. . ."

Nang hindi ito nagpatuloy ay sinipa ulit ito ni Pelita.

"P-pepita! Tama na. . ." saway nito sa babae saka hinila paupo. Tumingin ito sa direksyon ni Mitch. "Alam naman na shiguro ninyo na matagal na kaming magkakilala niyang si Bitch. Since elementary. W-wala lang. . ." Suminok ito. "Gusto ko lang shabihin na matagal na akong may gusto sa kanya." Ngumisi ito habang nakapikit na ang mga mata. "Gusto ko siya. Gusto kita, Mitch!" Tumigil ito pagkatapos ay pabagsak na humiga sa buhanginan. Tulog na.

Natahimik silang lahat. Si Mitch na dati nang namumula dahil sa alak ay mas lalo pang namula dahil sa pag-amin ni Kaloy.

"Owww, baby. How sweet. . ." Basag ni Shelly sa katahimikan. Nakaupo ito sa kandungan ng nobyo habang nakayakap naman ang dalawang braso sa leeg ng lalaki. "That was the sweetest confession I've ever witnessed."

The Depth WithinWhere stories live. Discover now