Chapter Four: Girlfriend

Magsimula sa umpisa
                                    

Biglang nanahimik si Damon. "Hindi ako natuloy sa pagtatapat sa kanya, Mei-Mei," malungkot na sabi nito. "Na-duwag ako, e. At nagpapasalamat ako na hindi ko sinabi sa kanya ang totoo."

Napatitig siya maigi sa kuya niya. Hindi siya makahanap ng salita na maaring makapagpagaan sa kalooban nito.

"May nagugustuhan ng iba si Shaine. Sa akin pa siya nagtanong kanina kung ano ang pakiramdam ng ma-in love. Sinabi lang niya na kunwari ay para sa kaibigan niya iyong tanong na 'yun pero alam ko, na-i-in love na siya sa iba."

Ramdam ni Damon na nagsisinungaling si Shaine kanina. Totoong natuwa siya noong dumalaw ito sa kanila Sino bang hindi matutuwa na makita mo ang babaeng gus-tong-gusto mo na kumakatok sa pintuan ng bahay ninyo? Sa pakiwari ni Damon kanina, sa puso niya kumakatok si Shaine, kaya halos umabot hanggang langit ang sayang nar-aramdaman niya. Subalit, nang magsimula nang magkuwen-to si Shaine, bawat salitang lumalabas sa bibig nito, parang snow na tumatama sa balat niya hanggang sa mga ugat niya. Walang kulay. Masakit. Malamig. Mas malamig kaysa sa la-mig na mararamdaman sa Antartika. Gayunpaman, ayos lang sa kanya, pinakinggan pa rin niya kahit ang sakit-sakit sa puso na halos hindi niya maigalaw ang sarili niya.

Huminga siya ng malalim. "Alam mo ba, kung ano ang pakiramdam ng isang taong nagmamahal ng palihim sa taong gusto niya?" Hindi umimik si Mei-Mei. "Parang kang tumalon sa isang ilog na hindi mo alam kung gaano kalalim o kababaw. Ang malala, hindi mo alam kung saan ka dadalhin." Dama niya ang lungkot sa boses ng kuya niya. Ngunit alam ni Damon hindi naman gugustuhin ni Shaine na masaktan siya kaya mas maigi pa siguro na sarilinin na lang muna niya ang sakit. Tama nang siya ang masaktan kaysa ito.

Pinagkatitigan ni Mei-Mei ang kapatid niya, pinang-ingilidan pa ng luha ang mga mata nito na hindi pa niya na-kita kahit na kailan.

Sa nakikita niyang lungkot sa mga mata ng Damon, walang bahid ng kasinungalian na mahal nga nito si Shaine. Pero gaya ng inaasahan niya ay hindi nga ito magugustu-han ni Shaine. Naitanong tuloy niya sa sarili niya, bakit kasi masyadong mataas ang antas ng babaeng nagustuhan ng kuya niya, e. Nababasted tuloy ito.

"Hayaan mo na lang siguro si Ate Shaine, Kuya. Marami pa namang babae riyan," maikling suhestiyon niya sa kapatid. Hindi niya alam kung ang nasabi ba niya ay maka-pagpapagaan ng kalooban ng kuya niya o hindi pero mas okay na rin iyong may sabihin siya kaysa naman wala.

"Hindi, Mei-Mei. Alam ko na may tinatago sa akin si Shaine. Nararamdaman ko na mayroon siyang hindi masabi sa akin kanina," masamang kutob nito.

"E, ano naman 'yun?" tanong niya sa kapatid. Ngunit bigla siyang nagulat nang hawakan ni Damon ang dalawa ni-yang kamay nang napakahigpit.

"Iyon ang dapat mong alamin, Mei-Mei. Alam ko na may hindi masabi sa akin si Shaine. Magkaklase naman kayo 'di ba? I-close mo siya at kunin mo ang tiwala niya. Parehas kayong babae kaya baka sa 'yo ay masabi niya iyong tinata-go niya sa akin. Alamin mo kung sino 'yung lalaking mahal niya," pakiusap nito.

Napasimangot siya. Inis na binawi niya ang mga ka-may sa pagkakahawak nito. "Ayoko nga!" tahasang pagtanggi niya. Parang hindi yata niya kayang gawing best friend ang babaeng kinaiinisan niya.

"Please, Mei-Mei? Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako may inasam na isang tao at si Shaine lang iyon. Parang hindi ko yata kaya na makita siyang may kasamang ibang lal-aki, e. Maisip ko pa lang 'yun, e parang gusto ko nang mama-tay."

"Kung ayaw mo siyang makitang may kasamang lal-aki, sa babae, papayag ka? Ha-ha-ha!" pang-aasar niya sabay tawa ng malakas.

Seryoso siyang tiningnan ni Damon. Iyong tingin na tila hindi ito papayag na hindi nito makuha ang gusto. Malamnam ang mga mata nitong nakatingin ng diretso sa kanya. Nagsusumamo at tila nagmamakaawa. "Please, Mei-Mei, ikaw na lang ang pag-asa ko..." pakiusap muli ni Damon.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon