Chapter 31 Darkest Hours

Start from the beginning
                                    

"Sure." Tugon ko.

Umalis na ito pagkatapos. Lumapit naman sa akin ang isang waiter at binigyan niya ako ng isang glass ng wine. Napapatingin-tingin ako sa paligid habang sumisimsim sa wine. Hindi ko kilala ang mga naririto.

Hindi naman sa marami akong kilalang high profile people. Pero mostly kasi ng mga nagpapa-booked ay mga mayayaman at kabilang sa alta siyudad. Mga business tycoons, usually.

Wala sa sariling napangiti ako ng malungkot. Syempre, mami-miss ko din kahit papaano ang trabaho ko. It took me to places, met new faces... and because of my job, I've met Winter... hindi ko siya makikilala kung hindi dahil sa trabaho ko. It's like... destiny. We're destined to meet each other. And look us at now?

Huminga ako ng malalim habang may payapang ngiti sa labi. Napatingin ako sa suot na relo tsaka napatingin ulit sa paligid. Ba't parang ang tagal naman ni Claudia? I gave her another minute. Baka kako nagre-retouch pa.

Pero naubos ko na at lahat ang wine na ibinigay sa akin at tipong magsisimula na ang programa pero wala pa ring Claudia na bumabalik. Parang hindi na maganda ang kutob ko.

Dala ang purse ay nagtungo ako sa powder room. May mangilan-ngilan akong nakakasalubong na bisita. Saktong kalalabas lang ni Claudia mula sa isa sa mga cubicles na naroon ng pumasok ako sa loob.

"Akala ko iniwan mo na ako." Para akong nakahinga ng maluwag ng makita siya.

"Why would I do that?" May tipid na ngiting sagot niya. "Beside's hindi pa tapos ang party."

"Hey -"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin sana sa kanya ng maramdaman ang tila karayom na tumusok sa leeg ko. Nang magbaling ako ng tingin sa pinanggalingan nito ay isang matangkad na lalake ang nakita ko. Nakangisi ito.

"What the fuck?" Nabigkas ko pa bago ako biglang nawalan ng malay...

*****

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ng magkamalay. Saglit akong na disorient sa kung anong nangyari at kung nasaan ako. Parang ang sakit ng ulo ko at groggy pa sa kung anong gamot ang itinurok sa akin.

Hahawakan ko na sana ang ulo ng kumirot ito ngunit hindi ko nagawa dahil parang may pumipigil sa braso ko.

"What the hell?" May kalakasang tanong ko ng mapansing naka-posas ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng kamang kinahihigaan ko. Napatingin ako sa bandang baba ng kama, maging ang mga paa ko ay nakatali rin sa magkabilang bahagi.

Bigla akong sinalakay ng kaba. Pilit kong hinihila ang mga kamay at paa, nagbabaka-sakaling makawala ako.

"Fuck!" Naiuntog ko ang ulo sa unan ng mapagtanto ang mga nangyari.

Claudia was a trapped! That's for sure. At parang may hint na ako sa kung sino ang may pakana nito.

"Damn it!" Panay ang mura ko habang pilit pa ring kumakawala sa pagkaka-posas.

Noon ko naalala ang purse ko. Nandoon ang tracking device. Where is it?

Iginala ko ang paningin sa loob ng kuwarto ngunit wala akong makita na kahit anuman sa mga gamit ko.

"Shit!" Malakas na mura ko ng maisip na baka itinapon na nila ito sa kung saan.

Now I'm hopeless!

Nasa ganoon akong estado ng bumukas ang pinto. At kagaya ng inasahan ko, siya nga ang may pakana ng lahat ng ito.

"Katherine." May naglalarong ngisi sa kanyang mukha ng mabagal na naglakad palapit sa kama.

"Ramon." Puno ng pagkasuklam na bigkas ko.

Virgin at 30Where stories live. Discover now