That year was my happiest year. First of all first. Wala akong problema kay Nick. Mahal niya ko. Mahal ko siya. Hindi siya bulakbol na estudyante. May mga barkada man siya pero hindi siya ganun sumasama sa kanila. May pangarap si Nick, at yun ang gusto ko sa isang lalaki.

Taga bulacan si Nick. Last year nagbalak kaming pumunta sa kanila. Sabi niya ipapakilala niya na daw ako sa parents niya kayalang hindi natuloy kasi may problem na dumating sa family nila na inintindi ko naman. Yung feeling na alam mong proud na proud yung boyfriend mong ipakilala ka sa family niya eh masaya na sa pakiramdam.

Nagplano kami this coming sembreak, pupunta kami samin para ipakilala ko siya sa family ko which is good. Kasi siya ang nag iinsist. Alam ko hindi pa masyadong payag sila Mama sa pag bo-boyfriend ko especially kay Papa pero malakas ang loob ko na pag nakilala nila si Nick magugustuhan nila.

Pero ngayon, malapit na mag sembreak at umalis pa si Nick. Hindi niya ko tinatawagan, hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Nag- aalala na ko para sa kanya. Hindi kailanman nakalimutan ni Nick na sabihin sakin ang mga balak niya. Lalo na ngayong kailangan kong sabihin sa kanya ang kalagayan ko.

“ Ree. Ok ka lang? “

Bumalik lang ako sa wisyo ng magsalita si Baste. Kanina pa pala ako nag-iisip masyado. Tiningnan ko siya sabay ngiti. Nag- aalala yung reaksyon ng mukha niya. Siguro kanina niya pa ko tinatawag pero hindi ko siya naririnig.

“ Ok ka lang? Masama ba pakiramdam mo? “ tuloy tuloy na tanong niya.

Inalalayan niya kong umupo sa upuan sa isang vacant table. Nasa canteen na pala kami hindi ko namalayan.

“ Uh? O-oo. May naisip lang ako. “ nginitian ko siya habang pinatong ko yung gamit ko sa kabilang silya.

Pinatong niya yung plastic bag na dala dala niya sa table sabay labas ng tatlong container. Red, yellow, green. Tinanggal niya yung takip nung green na container. Mainit na kanin yung nakalagay tapos binuksan na din niya yung natirang dalawang container. May lamang hotdog, scrambled egg, ham at may gulay sa gilid.

Bigla akong nagutom sa nakita ko. Ginawa niya ba to? Dahil kung oo, sana lagi na lang siyang andyan para pakainin ako.

May kinuha siya sa back pack niya na mini thermos yung silver. Inabutan niya din ako ng kutsara at tinidor.

“ Kain na. “ utos niya sakin.

Tiningnan ko lang siya habang hawak yung kutsara’t tinidor sa magkabila kong kamay.

“ Huy. Kain na. Ayaw mo ba? “

“ uh? H-hindi. I-ikaw? Kumain ka na ba? Ikaw ba nagluto nito?” mautal –utal kong tanong sa kanya.

“ Kumain na ko bago umalis sa dorm ko.” nagkamot siya sa likod ng ulo niya bago magpatuloy sa pagsasalita. Mannerism na ata niya yun pero ang cute. Black na black kasi yung buhok niya na medyo may hairstyle. Hairstyle nga ba niya yan o wala lang, parang hindi siya nagsusuklay pero maayos pa din tingnan. Nag co-contrast yung buhok niya sa mata niya. May pag ka brown kasi yung mata niya, medyo makapal yung kilay niya pero hindi naman ganun kakapal at yung eyelashes niya tama lang sa mata niya. Matangos yung ilong niya tapos meron siyang labi na hindi manipis hindi rin makapal tama lang tapos may natural na kulay. Hindi maitim. Mas maputi yung complexion niya kumpara kay Nick. All in all, gwapo siya. Bakit ngayon ko lang siya napansin? Hahaha. Joke lang! Nababaliw na naman ako.

 “ Oo. Yan lang naluto ko. Tinanghali kasi ako ng gising. “ pagpapaliwanag niya.

“ Nagluluto ka? Marunong ka magluto? “ tanong ko sa kanya habang nagsimula na kong kumain. Baby, busog ka na naman nito dahil sa lalaking to at masarap yung luto niya hindi katulad ng luto ni Mommy, nasunog ko pa yung itlog na niluto ko kagabi.

Tumango tango lang siya habang pinagmamasdan niya kong kumain, hinayaan ko lang naman siya. Gutom na kasi ako. Pinagtyagaan ko lang yung niluto ko kagabi. Tostadong itlog.

Binuksan niya yung thermos at sinalinan niya ko ng maiinom. Gatas. Mainit na gatas yung laman. Talagang pinaghandaan niya pa ko. Napakabait ng lalaking to! hindi naman niya ko lubos na kilala, ni kaibigan hindi naman. Pero sa ginagawa niya, parang matagal na kaming magkakilala.

“ Salamat. “ ininom ko yung gatas pagka abot niya sakin. Nahihiya na ko sa kanya. Ang dami na niyang naitulong sakin.

“ Ah. Baste. Bumalik na ba si Nick? “ mahinang tanong ko sa kanya.

Napatigil siya sa pagsasara ng thermos. Parang nabigla siya sa tinanong ko.

“ Hindi pa. “ matipid na sagot niya.

Ano na ba kasing nangyari kay Nick. Hindi man lang niya ko itxt kung buhay pa ba siya. Bakit may masama akong pakiramdam na wala talagang balak si Nick na sabihin sakin kung ano ng nangyayari sa kanya.

“ Ah. ganun ba. “ nawalan ako ng ganang kumain. Ayaw ko mang isiping umalis talaga si Nick ng walang balak ipaalam sakin pero yun ang pumapasok sa isip ko. Iniwan na lang ako bigla ni Nick. Iniwan niya kong mag-isa na haharap sa parating na bagong buhay na to na dapat kasama ko siya ngayon kasi parehas namin ginustong gawin yun!

“ Ree. Sinabi mo na ba kay Nick ang tungkol dyan sa kalagayan mo? “ mahinahon na tanong niya sakin.

Umiling iling lang ako bilang sagot. Ayokong sabihin kay Nick sa txt lang, ang gusto ko sa personal para makita ko kung anong magiging reaksyon niya. Kung gusto niya ba o ayaw niya.

Napabuntong hininga siya bago magsalita ulit. “ Ree. Tungkol kay Nick. . . . nag drop na siya. Hindi na siya babalik dito. “

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Bigla ko na lang nabitawan yung hawak hawak kong kutsara at kinuha lahat ng gamit ko. Tumakbo ako palabas ng canteen. Palayo kay Baste kahit na narinig kong tinawag niya ko.

Hindi totoo yun. Nagsisinungaling lang si Baste! pano naman niya malalaman yun! eh hindi niya nga kaibigan si Nick! Sinungaling siya! Hindi na ko lalapit sa kanya! Ayoko na siyang makita!

“ Oi. Reena. Anong problema? “ narinig kong salubong sakin ng isang babae. Hindi ko na nakita kung sino yung nagtanong basta nagmadali lang ako umalis sa University.

Niyakap ko yung tyan ko habang pinipigilang tumulo yung mga luha ko.

“ Baby. Sinungaling ang lalaking yun. Wag kang maniniwala sa sinabi niya! Babalik si Nick. Babalik ang Daddy mo... Nagsisinungaling lang siya. Sinungaling siya. . .”

 

xoxoxoxoxoxox

<3 Yanie

Let me love youWhere stories live. Discover now