Tinakpan ko ang tenga ko habang nakangiti. "Oh my God! Grabe!" impit ko habang nakangiti. Tingin ko ay hindi talaga ako masasanay sa ganito.

Dalawang oras na kaming nagkikwentuhan at halos wala kaming nainom dahil si Crystal mas madami pa pulutan kaysa beer. Halos siya na lahat kumain ng pulutan.

"Duh? Kahit naman ganito ako independent ako. Hindi ako umaasa sa parents ko para sa pag aaral ko. Nag iinvest ako at mataas ang grades ko-" susubo na naman siya sana ng pulutan ng pinigilan na siya ni Tala.

"Huwag mong gawing hapunan ang pulutan!"

Halos maubo naman si Nica kakatawa.
Ramdam ko rin ang pamumula ng pisngi ko dahil sa aking tawa ng biglang may anino akong naramdam at nakita sa aking gilid. Nasa harapan ko kasi si Crystal at Nica at sa gilid ay si Tala at ako naman sa kabila, na nag iisang umuupo.

Natigil ako sa pagtawa dahil nagtinginan ang tatlo kong kaibigan. Nakaramdam rin ako ng kaba lalo na nang...

"Goodevening." malalim ang boses na pagbati ni Frosto. Halos mapapikit na ako ng umupo na siya sa tabi ko.

"Uh...Ano..." nagsikuhan silang tatlo. "Goodevening!" sabay nilang bati.

Habang ako naman ay natulala nalang sa aking inumin at nilaro laruan iyon.

"Kakalapag ko lang galing airport. Sabi ni lola wala ka doon kaya dumiretso na ako dito."

Alam niya talaga agad kung nasaan ako.

Tumango lang ako sa kanya. At dahil nga madaldal ang mga kaibigan ko ay hindi na naman sila nagpapigil.

"Oo nga e!" malakas ang boses ni Nica. "Dati ako kasi crush ni sir Castro kaso ngayon si Soledad ata-"

"Pssht! Huy! Bunganga mo!" saway sa kanya ni Crystal. Halos wala naman sa akin iyon sana ngunit naagaw nun ang pansin ko.

Si Frosto naman ay humalik sa aking buhok at ang kanyang nakaakabay na kamay kanina ay bumaba sa aking baywang. Humihimas iyon sa gilid ng hita ko.

"Nica, humingi rin ba si sir Castro sainyo ng pictures niyo para raw sa year book? May ganoon ba?"

Nangunot ang noo nila. Buti nalang at malayo kami sa dance floor kaya medyo hindi maingay.

"Wala ah! Bakit?" si Nica. Tumango tango naman si Crystal tila may alam.

"Hm! Naku! Baka dumidiskarte lang si sir Castro! Halos naman lahat ng lalaki sa school ay may stolen photo mo Sol e! Nasa isang page ka nga nakapost ka at stolen pa!"

"Huh?"

Hindi ko iyon alam! Hindi ko alam tuloy ang mararamdaman ko!

Narinig ko ang mabibigat na paghinga ni Frosto sa gilid ko at ang kanyang bulong sa akin na gusto niya akong makausap ngunit hindi ko siya pinapansin.

"Hindi ko alam. Tsaka, classroom at uwi naman ako agad. Wala akong masyadong kilala bukod sa ibang classmate natin."

"I'll talk to him." paos ang boses ni Frosto ng sabihin iyon. Hindi ko namalayan na nakaorder na pala siyang sarili niyang inumin.

Nagpadagdag rin siya ng pulutan na inuubos na ni Crystal.

"Para ano? Gugulo lang." sinubukan ko na babaan ang boses ko para hindi marinig ng mga kaibigan ko.

"Gugulo talaga Sol. It bothered me. Naiisip ko palang na-"

Matalim ko siyang tinitigan. Nakahalukipkip rin ako na nakahilig sa sandalan ng sofa.

Nakita ko kung paano siya nagulat sa titig ko sa kanya pero kalaunan ay naging malamlam rin.

"Baby..." malambing ang boses niya na sinubukan na hawakan ang pisngi ko ngunit umiwas ako. Akala ko magugulat siya tulad kanina pero may ngiti na sa labi niya. Tila aliw na aliw siya sakin.

"Paano naman pala ako? Nakita kitang may babaeng kasama sa Taiwan. Tinawagan kita at siya ang sumagot." madiin ang boses ko at ayokong iparinig sa iba.

Pumikit siyang mariin at umiling. "You don't understand. Okay. I am wrong-"

"Oo naman!"

Narinig ko ang pag ubo ni Crystal dahil sa pagkain niya.  "Tubig!"

"Bubo wala! Alak lang!" si Tala at binigyan siyang alak.

"M-Mali ka talaga!" pumiyok na ang boses ko at halos manginig dahil alam ko na segundo nalang at papatak na ang luha ko!

"Shit!" mura ni Frosto.

Tumayo ako agad. "E-Excuse me.." mabilis akong tumayo at napapikit dahil naabutan niya agad. Ramdam ko ang pagsangga niya para hindi ako mabangga ng mga tao.

Dahil nga sa sobrang daming tao ay napilitan pa akong itulak sila ng konti para makadaan ako. Hindi na ako nag aantay pa kay Frosto para makadaan ako.

"Oh!" nagulat ang lalaking hinawi ko. "Damn...You are pretty-"

Agad na kinwelyuhan ni Frosto ang lalaking iyon dahilan ng pagsigaw ng mga babae. Nanlaki agad ang mga mata ko.

"You...Shut up!" nanginginig ang kamay niya at halos mamuti ang lalaki sa kakasakal niya!

Halos matulos ako sa kinatatayuan ko.

Alam ko na may hindi kami pinagkakaintindihan at mainit ang ulo niya kaya siya ganito.

"B-Bro..." kahit ang umaawat ay nagdadalawang isip pa.

Malaking lalaki si Frosto at matangkad kaya nagdadalawang isip ang iba kung aawat ba.

"F-Frost!" pigil ko sa kanya at may luha na sa aking mga mata.

Ni hindi niya ako nilingon at masama ang tingin niya sa lalaking sinasakal at buti nalang may bouncer agad!

"Huwag ka nang dumagdag sa mga pinagseselosan ko! Gago!" padarag siyang binitawan ni Frosto at nilingon ako. Kitang kita ko pa kung gaano siya namumula at galit.

Umiling nalang ako at naluluhang umiwas.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon