I heard my papa softly laugh. "You don't know how much We miss you, my only princess. And as for your question... nasa airplane kami ngayon and few hours from now nanjan na kami sa bahay kaya huwag kang matu--"

"Talaga?! Really really, Papa?" Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung tatalon ba ako sa saya o sisigaw ako o magpipigil nalang ng excitement sa nalaman. But nonetheless, I'm super duper much happy!

"Hahaha.. opo prinsesa, really really. So, I'll end this phone call and wait for us later, princess.."

"Opo, pa! See you later~"

"Yeah, see you." Then narinig ko na yung 'beep' sound.

"Ang saya mo kayla, uuwi na parents mo no?" I just nodded at Mami's question. Nakalapit na pala sila sa akin hindi ko pa namalayan. Ganun ako ka-excited na hindi ko na naaalala na may mahalaga pala kaming ginagawa.

"Maybe we should continue this tomorrow dahil alam naming excited ang isang jan para makapag-concentrate ngayon.." Berry straight looking at me while saying those. Natawa sila pero ako napa-pout. Hindi naman ako ganun kasaya di ba? Halata ba? Hehe.

Nagsitayuan na sila at nagpaalam isa-isa hanggang sa may maiwang isa dito sa tabi ko habang nasa harap ng gate. Sino pa ba?

"Bakit hindi ka pa sumunod sa kanila? Bahala ka wala kang kasabay pag-uwi mo mamaya." Pananakot ko. Pero hindi naman halatang natakot siya, ngumiti pa nga eh. Kakaloko 'to.

"Hindi naman ako bata para sabayan pa sila sa pag-uwi.. at tsaka pinaaalis mo ba ako?" Sus, nagtatampo daw siya. Natatawa ako at marahang hinampas ko siya sa balikat.

"Aray! Ang sakit nun ah? Kayo talagang mga babae mga sadista. Pati ate ko ganyan din eh." Nagtatampo pa siya habang hinihimas yung balikat niya na 'nasaktan ko raw'. Ang hina kaya nun!

"Mahina lang yon at tsaka hindi kami sadista. Masama bang mamalo?"

"Oh tignan mo, kanina kung makatawa tapos ngayon biglang nagsusungit. Bipolar ka talaga-- aray! Oh see? Asar-talo--"

"Hindi kita sasagutin sige asarin mo 'ko." Inirapan ko lang siya nung hinawakan niya ako sa balikat at nagpapaawang tumingin sa akin. You know that huge cat sa 'shrek'? Si puss n' boots? Ganun yung pagpapa-cute niya.. and I'm afraid na mauuto na naman niya ako.

Sinusundot-sundot niya naman ngayon ang tagiliran ko which makes me flinch big time since may kiliti ako doon. "Ano ba, isa!" Pagsuway ko pero hindi naman siya nagpapatinag at pati kabila sinusundot niya rin. I bit my lower lip to suppress my laughter, pinipilit kong mainis at hinarap ko na nga siya with my colorless emotion.

Effective naman kasi napatigil siya. "Okay, joke lang po.. huwag ka nang magalit, sorry na po.. uuwi na ako.." Tinalikuran niya ako. Hindi ko alam kung tatawa ako o susundan ko siya kasi halata namang exaggerated yung slow ng lakad niya.. parang nagpapahabol na ewan. I did laughed.

"Hahahahaha.. stop that Rod, swear ang baklang tignan.." Tuloy lang ako sa pagtawa. "Okay hindi ako galit, bumalik ka na dito... uy ano ba, halika na--HUK!!" Bigla nalang akong nasubsob sa dibdib niya na hindi ko namalayan dahil sa sobrang pagtawa ko nakalapit na pala siya. He's hugging me tight but not suffocating. It's actually comforting.

We've been like that for a moment kaya ako na ang unang humiwalay pero sapat lang para makita ko siya. He's smiling wide.. it still amazes me everytime I see him like this. Compared to when we first met, talagang hindi ko ito inaasahan. "Done checking me out, babe?" Pinalo ko yung dibdib niya. "Aray.. asar talo ka na naman eh."

"Hindi no. At hindi kita chine-check out, manigas ka!" I chuckled and he is too.

Nag-usap pa kami ng mga wala namang katuturan na topic tapos nagpaalam na rin siya dahil 9pm na ng gabi. Ako naman dumiretso na sa room ko and took a shower then bumaba lang ako for dinner tapos balik ulit dito sa kwarto. Dito ko nalang hihintayin sina Mommy at Papa.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now