Chapter 12 Boiling Point

Start from the beginning
                                    

I looked at her nonchalantly. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya ng hindi ko tinatanggal ang tingin sa kanyang mga mata. "Fuck you, Winter." Gigil na bulong ko bago pumasok sa loob ng banyo.

Abala siyang nag-aayos na sa sarili ng lumabas ako ng banyo. Hindi kami nagpapansinan at walang nangahas na umimik sa aming dalawa. Ako galit ako, hindi ko alam sa kanya. I'm silently reminding myself to call Malqui later and make some arrangements for me. Ipapabalik ko sa kanya ang lahat ng ibinayad ni Winter sa akin. Damn her.

Nasaktan ako sa ginawa ni daddy. Pero mas nasaktan ako sa ginawa ni Winterfell. Akala ko kasi may something kami e. Akala ko lang pala. Bwisit!

Tapos na akong magbihis ng may kumatok sa pinto. Si Winter ang nagbukas no'n. Isa sa mga maids. Pinapatawag yata siya ng daddy niya.

"Bakit daw po?" Tanong niya dito.

"Hindi ko po alam. Basta ho ang bilin sa akin tawagin daw po kayo ng girlfriend niyo at magtungo sa library ngayon na." Tugon ng may katandaan ng babae.

Napakunot-noo ako ng marinig na pati ako ay kasali.

"S-sige ho. Salamat po." Magalang niyang tugon dito bago nagpaalam ang maid. Kapagkuwa'y pumihit siya paharap sa akin. "K-kailangan daw tayong makausap ni dad sa library."

Walang imik na nagpatiuna na akong lumabas ng silid. Hinintay ko siyang maunang maglakad patungo sa library nila. Malay ko ba kung saan 'yon?

Ilang kuwarto muna ang dinaanan namin sa hallway bago siya tumigil sa harapan ng pinto malapit sa balcony ng second floor. Kumatok muna siya dito ng dalawang beses bago niya binuksan.

Tumambad sa amin ang mga aburidong mukha ng kanyang daddy, si Candice at ang ina nito. Hindi naman nakaligtas sa aking pansin ang masamang titig na ibinigay ng kanyang stepmom kay Winterfell na ikinataas ng kilay ko.

"Please take a seat." Sabi ni tito Albert sa amin sabay mosyon sa mahabang couch sa gilid.

"Ba't kasi kailangan pa siya dito?" Masungit na komento ni Lorena. Yes, and I don't fucking respect her. "Family issue natin 'to -"

"Stop it, Lorena!" Mabilis na kontra ni tito Albert dito na ikinairap niya. "She's a family too!"

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa malawak na silid na iyon. Ngunit kapansin-pansin ang makapal na tensyon sa ere. Hindi mapakali ang mga kamay ni Winter na nasa ibaba ng kanyang mga hita. Idinantay ko ang palad ko sa mga kamay niya na ikinatingin niya sa akin.

Huminga ng malalim si tito Albert bago ito nagsalita. "Hindi na matutuloy ang kasal sa Sabado." Hayag niya na ikinagulat namin ni Winter.

"What?!" Hindi makapaniwalang bigkas ni Winter. "W-why?"

"Umalis si Patrick at sinabing hindi na siya magpapakasal pa sa akin. To what reason? Hindi niya sinabi!" Si Candice ang sumagot. Halata ang galit sa katawan nito.

Lihim akong napapangisi sa itsura nito. Kulang na lang ay sabihin kong buti nga sa kanya pero nagpigil ako.

"Calm down, hija." Sabi ng mama nito sa anak.

"Mom, how can I calm down?!" Naging hysterical na ito. "Ano na lang ang sasabihin ng mga bisita natin? Ng mga kaibigan ko? Nakakahiya!"

Mas iyon pa ang inisip niya? Ang gaga talaga! Napaka-utak talangka!

"Paano na 'yong mga handa natin? 'Yong mga nagastos?" Patuloy niya na ikinakunot-noo ko. "Hindi ko na maisusuot 'yong gown ko! Anong mukha ang maihaharap ko sa ibang tao?!"

Napahawak ako sa sentido at lihim na napapailing-iling. Malayong-malayo si Winterfell sa kanya. Di man lang yata umabot sa kalingkingan nitong katabi ko. I mean, in all aspect.

"Why don't we call him over the phone?" Suhestiyon ni Winter na halata naman ang sincerity para sa kapatid. "Baka naman pwede pa natin siyang mapakiusapan."

"I don't think so." Napatitig si Candice sa kanya. "O baka naman kasi ikaw ang dahilan kung bakit hindi na niya ako pakakasalan pa?" Direktang akusa niya kay Winter.

"W-what?" Hindi makapaniwalang bigkas ni Winter.

Lumapit si Candice sa amin. "Baka inakit mo siya kaya bigla na lang hindi ako gustong pakasalan? Alam mo na desperada ka!"

Napatayo si Winter mula sa kinauupuan. "Hindi 'yan totoo!" Sagot niya. "Kung tutuusin, ikaw ang mang-aagaw sa ating dalawa."

Napansin ko ang pagdilim ng paningin ni Candice. Napatayo ako agad ng mahulahan kung ano ang susunod niyang gagawin. Itinaas niya ang kamay at akmang sasampalin si Winter pero maagap ko siyang napigilan sa braso.

"Not on my watch, bitch." Pabalang kong binitawan ang braso niya saka ko siya sinampal ng malakas sa kaliwang pisngi. It's long overdue actually. "That's for Winter."

Shock na shock siyang napatitig sa akin habang nakahawak sa nasaktang pisngi. Narinig ko din ang pagsinghap ni Winter sa ginawa ko.

Hinawakan ko sa kamay si Winter. "Let's go." Saka siya hinila palabas ng library.

Parang hindi pa rin siya nakakahuma sa mga nangyari dahil nagpapatianod lang siya sa akin. Sinabi ko sa kanyang mag-impake na at aalis na kami dito bago pa man sumabog sa galit ang kanyang stepmom at bruha nitong kapatid sa ama.

Nagpahatid kami kay Mang Berting sa airport pagkatapos. Wala pa ring imik si Winter. Buti at pumayag ang airline company na i-move ng mas maaga ang flight. May konting charges lang kaming binayaran.

Unlike sa unang flight na hindi kami magkatabi, ngayon ay nakaupo na kami sa iisang linya. Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng bintana at nakatanaw doon. Kahit naman na galit pa ako sa kanya, my heart still goes out for her.

Hindi ako nakatiis at kinuha ang kamay niya tsaka marahan itong pinisil. Malungkot siyang nagbaling ng tingin sa akin. Marahas akong napabuntong-hininga tsaka kinabig siya para yakapin. Maya-maya ay naririnig ko na siyang humihikbi.

Haist, Winter... I don't know what to do with you. Ngayon pa lang nami-miss na kita...



-Unedited.

Virgin at 30Where stories live. Discover now