Chapter 12 Boiling Point

Start from the beginning
                                    

"I don't fucking care!" Sumisigaw na siya mula sa kabilang linya. "Ano bang mapapala mo diyan? Kate, kung ginagawa mo 'to para magrebelde, well, very good sweetheart, 'cause you're getting into my nerves!"

Napapikit ako at napahilot-hilot sa sentido. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

"You have to abort your mission now." Utos niya.

"Dad, I can't do that!" Maang kong bulalas. "Why don't you ask Malqui for another girl available instead?!"

"I will fire Malqui -"

"No!" Mabilis kong kontra.

"I can do whatever I want, Katherine Marie Seinfeld!" He warned. "I can even strip off everything you have right now, including your goddamn position! So try me!"

Napakuyom ang mga palad ko sa sinabi niya.

"Don't make me wait, Katherine." He continues. "I'm going to book you to Ramon with or without your consent." Tsaka ibinaba na ang tawag.

"Fuck!" Inis na inis na sigaw ko. Buti na lang at mukhang sound proof itong gym nila.

Napapikit ako at eksaheradang napa-inhale exhale para kalmahin ang sarili. Noon tumunog ang message alert tone ko. Hindi ko na sana ito titignan ngunit baka si daddy na naman kako iyon.

Napakunot-noo ako ng makita ang notification mula sa bangko, confirmation ito ng pag-transfer ni Winterfell Deogracia ng one hundred thousand pesos sa account ko. 'Yong inis ko umabot na siguro hanggang sa bunbunan!

Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang kuwartong ginagamit namin. Wala na siya sa kama ng pumasok ako doon ngunit narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower room kaya pinuntahan ko siya doon. Gulat na gulat siya.

"What the -"

"Buti naman at gising ka na!" Singhal ko. "We need to talk."

"P-pwede bang patapusin mo muna ako?" Naguguluhang sagot niya.

"Here." Pabalang na ipinakita ko sa kanya ang cellphone ko. "Nakikita mo 'yan?"

Napansin ko ang ginawa niyang paglunok at bahagyang napaawang ang kanyang mga labi ng mabasa ang confirmation ng bangko.

"Ano 'to?!" Kumpronta ko sa kanya.

Naiinsulto ako sa totoo lang! Gano'n ba kababa ang tingin niya sa akin? Ni hindi ko na nga tinanggap ang full payment niya because I want what I'm doing! I want to be with her! And fuck her for that!

Hindi siya makasagot habang nakayakap sa sarili para takpan ang kanyang mga dibdib. Well, hindi na niya kailangan pang mag-abalang takpan ang sarili dahil nakita ko na ang lahat ng 'yon. And if we're on a different situation, maybe I'm fucking her already right now! 

Magkasalubong ang mga kilay habang matiim akong nakatitig sa kanyang mukha. "Just so you know," Masungit na sabi ko. "You are fifty thousand pesos short." Tsaka tumalikod. "Hindi gano'n kamura ang bayad ko! I'm not that cheap!"

She rubs salt into my already wounded soul. E kung pag-umpugin ko na lang kaya sila ng daddy ko?!

Nagpupuyos ang damdamin na lumabas ako ng banyo. Naibato ko ang cellphone ko sa kama tsaka pabagsak na nahiga doon ng patihaya. Napapikit ako at pinigilan ang sariling maiyak sa sobrang stress!

Ilang sandali pa ay lumabas na mula sa banyo si Winter. Nakasuot lang ito ng bathrobe at may nakapulupot na towel sa kanyang buhok.

"K-kate..." Mahinang bigkas niya parang bigla pa itong natakot sa akin. "I'm sorry."

Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. "Saan ka nagso-sorry? Sa ginawa mo o sa kulang mo?" Sarkastikong tanong ko.

Hindi niya malaman kung ano ang isasagot. Napangiwi siya. "B-both, I think?" Hindi siguradong sagot niya.

Virgin at 30Where stories live. Discover now