"Ate Avy. Saan ka pupunta?" agad na tanong sa akin ni Majesty pagkakita niya sa akin na nakabihis at nakaayos. Nginitian ko siya.

"Just a date with Terrence," ngiting sagot ko. Tumango-tango siya.

"Kayo na ba? Dapat si kuya Theo na lang," nakasimangot na aniya.

"Come on, Majesty. Worth it din naman mahalin si Terrence," sambit ko.

"That's not what I mean, ate. I know naman 'yon kaya lang...nevermind. Take care on your way home, ate," kamot niyang sabi.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, kinuha ko na ang sling bag ko saka lumabas na ng bahay. Nagpaalam muna ako kay Majesty bago nagmaneho na paalis. Magkikita kasi kami sa isang restaurant. Doon ko na lang siya hintayin katulad ng usapan namin. May gagawin pa kasi siya bago siya dumeretso sa date namin. Nakangiti kong ipinarada ang sasakyan ko pagkarating ko do'n at inayos ang sarili.

Pagkapasok ko pa lang, nakatingin na ang lahat sa akin. Masyadong mamahalin ang restaurant na pinili ni Terrence. Naghanap ako ng pwesto para sa amin dalawa. Pagkaraan ay nilapitan ako ng waiter pero sinabi kong hihintayin ko muna ang kadate ko. Nagtext ako sa kanya makalipas ang ilang minuto pero walang reply. Napahinga na lang ako nang malalim. Baka busy pa nga 'yon ngayon.

Ilang oras ang lumipas, nakailang kustomer na ang restaurant na ito pero wala pa rin siya. Iilan na lang ang mga naiwan pero heto ako, naghihintay pa rin sa boyfriend ko. Tiningnan ko ang orasan at malapit na mag-ala sais ng gabi. Tinadtad ko na ng text at tawag pero wala pa rin talaga. Naiiyak na ako. Tumayo na ako saka nilapitan ang waiter. Sinabi kong pasensya na dahil mukhang hindi na makakarating ang dapat na kadate ko. Pilit akong ngumiti at kinalma ang sarili ko. Kung alam ko lang na paghihintayin niya ako ng gano'n katagal, sana sinabi niya man lang sa akin kung makakapunta pa ba siya o hindi na. Pinaghintay niya ako mula alas otso ng umaga hanggang ala-sais ng gabi.

Tuluy-tuloy na nagsibaksakan ang luha ko. Hindi niya man lang ako sinipot. Tapos first date pa namin. Umiiyak akong sumakay ng kotse ko saka pinatakbo 'yon pauwi. Gusto ko na lang matulog. Pagkauwi ko, agad akong tumakbo sa kwarto ko tsaka nagkulong doon. Nagtataka naman ang kapatid ko pero hinayaan ko na lang siya. Sinubsob ko ang sarili ko sa unan tsaka umiyak.

Nakatulog ako dahil do'n. Mugto ang mga mata ko pagkagising. Ilang minuto bago ko tiningnan at umaasang may text at missed calls na galing kay Terrence. I was right. He kept on apologizing because of what happened but I didn't reply to him. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kanya matapos n'ong ginawa niyang hindi pagsipot.

Kinabukasan, pagkababa pa lang namin ng kotse ni Majesty sa parking lot ng campus, tanaw ko na kaagad sa malayo pa lang si Terrence. Halatang may hinihintay. Mabigat ang naging paghinga ko nang malalim. Agad ko siyang nilagpasan pagkalapit pa lang namin sa kanya.

"Avy, Avy. Let's talk. Don't be like this. Hindi ko naman intensyon na hindi ka sumiputin kahapon sa date natin. Nagkaemergency lang sa company ni Dad," sambit niya at sinubukang hawakan ang kamay ko pero mabilis ko 'yon iniwas sa kanya.

"Pwede ba? I'm not in the mood to talk to you right now, Terrence. And I don't wanna hear your explanations for now. Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay sa'yo na dumating sa restaurant na pinag-usapan natin? Alam mo bang nagmukha akong tanga habang naghihintay sa'yo? Bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag sa'kin? Naghintay ako, Terrence. Hinintay kita! Sana man lang nagsabi ka para hindi nakakahiya sa mga tao na buong maghapon akong nandoon," madiing sambit ko sa kanya.

"Kaya nga gusto kong ipaliwanag sa'yo ang dahilan kung bakit---" gigil kong pinutol ang sunod na sasabihin niya.

"Sa'yo na 'yang paliwanag mo. It's useless because I don't wanna hear it. Just stop, okay? Nawawalan ako nang gana sa'yo kapag ganyan ka ngayon pa lang. Kaya please lang, huwag mo muna akong kausapin. Trust me, mapapahiya ka lang," cold kong ani sa kanya saka siya inalisan.

BEHIND THAT HOODIE IS HIM(DREAM SERIES 1-2)Where stories live. Discover now