CHAPTER 6

40 4 4
                                    

The Mysterious Guy Wearing A Black Hoodie


Avy's POV


----->Flashback<------

Gabi na ng mga oras na 'yon. Malakas ang pagbuhos ng ulan. Nasa isang mall ako dahil kakatapos ko lang mamili ng ilang gamit ko para sa darating na pasukan. Nasiraan ng sasakyan ang driver ko kaya wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang humanap ng masasakyan. Ilang oras na akong nag-aabang subalit walang masyadong dumadaan na sasakyan. At nasaktuhan pang wala akong dalang payong tapos nangangatog pa binti ko sa sobrang lamig. Maya-maya pa, may naramdaman akong naglagay ng jacket sa balikat ko. Nilingon ko ang taong naglagay n'on subalit naglalakad na siya papalayo.

Nais ko sana siyang tawagin kaya lang, lalong lumakas ang ulan. Tila ba lumakas ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa kanya na papalayo sa'kin. Huminga ako nang malalim saka sinuot ang jacket na 'yon. Ang bango. Kung sino man ang taong 'yon, nagpapasalamat ako sa kanya. Ilang minuto ang lumipas, may taxi na dumaan kaya nagpara na ako para makauwi. Napangiti ako sa kawalan. Nang isinuot ko ang aking kamay sa bulsa ng jacket, may nakapa ako na sa tingin ko'y isang papel. Kunot-noo ko 'yon tiningnan at binasa.

"I hope next time, you'll take care of yourself. It's freezing outside and you didn't bring your sister with you. Thank goodness I saw you lately. Just take care on your way home."

-Just Someone Who's Loving You For Many Years

Who is this person? Is he stalking me or what? Did he know me? And how did he know I have a younger sister? Hanggang sa makauwi ako ng mga oras na 'yon, iniisip ko pa rin kung sino ang nagbigay ng jacket. Pero kailangan ko 'yon maisauli sa kanya. Should I just keep it? No. I have to know who he is.

Lumipas ang ilang araw, bago ako maglabing-anim taong gulang, may sunud-sunod na nagpadala ng mga bulaklak at imported na tsokolate sa tapat ng bahay namin. May malalaking teddy bear at infinity na pendant. I wonder who sent those gifts. Tinatanong na rin ako ng parents ko kung sino ba ang misteryosong nagpapadala ng mga 'yon. Kahit naman ako, walang ideya kung sino. Hanggang sa may nagtext sa'kin. Nais niyang makipagkita dahil alam niyang balak kong isauli ang jacket. Doon ko lang napagtanto na baka siya ang nagbigay sa'kin ng jacket na 'yon. Sa isang parke daw kami magkita mamayang alas-otso ng gabi. Nagtataka man, inaayos ko ang aking sarili dala-dala ang jacket na pinahiram niya.

Nang makarating ako sa parke, may lalaking nakatalikod at nakaupo sa swing. Nakasuot siya ng itim na hoodie. Gan'on na lang ang lakas ng pintig ng puso ko ng humarap siya. Pero hindi ko siya maaninag dahil madilim. Mula sa bituin at buwan lang ang tanging ilaw ko. Lumapit siya sa'kin ng bahagya ngunit huminto n'ong ilang tipa na lang ang layo niya sa'kin.

"You don't remember this place where we've met, do you? And you don't remember who I am?" he asked. Tila ba may pangungulila ang paraan ng pagsasalita niya. Bahagya akong umiling pero kaagad akong napaatras nang maramdaman ko ang paghakbang niya papalapit.

"I-I don't even know who you are. Teka, sino ka ba?" takang-tanong ko sa kanya. Saglit siyang tumikhim bago muling nagsalita.

"You easily forgot about me, huh? We'd promised back then that we'll meet here once again. Even before we died that same day, right?" Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong naalala na may pinangakuan ako sa isang tao.

"Wait. What are you talking about? I'm just here to bring back this jacket to you," I said confused.

"You should keep that jacket and bring it back to me once you remember who I was to you and the promised we've made in the past, Avyanna," mahina akong napatawa at suminghal.

"Look, I don't even understand what you were saying---" he cut me off using his mouth and kissed me! What the heck!? Agad akong humilay sa kanya pero natigilan ako nang makita ko ang mga mata niya na may namumuong luha. Bakit nasasaktan ako sa paraan ng tingin niya? Bakit sobrang bigat sa pakiramdam? Naramdaman kong pinulupot niya ang kanyang mga bisig sa'kin. At that moment, I felt so safe and warmed. Para bang ayaw ko nang humiwalay sa pagkakayakap niya.

"I-I love you, my Queen. Just always remember that I'll just watch you from afar til the day you remember my name. And if I never stop loving you even how many decades may come, that means my love for you never fades,"huling rinig kong sambit niya bago siya naglakad papaalis.

Tuluy-tuloy na nagsibaksakan ang luha ko nang maalala ko ang gabing 'yon. Para bang isang panaginip na bigla na lamang nagkatotoo. Simula n'on, natigil na rin ang pagpapadala ng mga regalo na madalas kong natatanggap mula sa kung sino. Nagkaroon ako nang hinala na maaari kayang siya ang nagpapadala ng mga bagay na 'yon? Pero ang hindi ko pa rin maintindihan, bakit niya sinabi sa'kin ang mga salitang 'yon? Bakit gano'n na lang ang nakita kong labis na pangungulila sa mga mata niya? Did I just die in my past life? My Queen...wait, what? I just still don't get it.

And since that night, when I turned sixteen years of age, I started to dream about the same guy I've met in that park. Maybe that's the reason why his voice in my dream was seemed familiar. It was like I heard it from someone. Even his physical appearance and the way he talked. But the thing is, why is it so familiar with someone I just seeing in Morpheus University? The guy who was holding a book that sunny day in the garden?

Napahinga ako nang malalim sa aking naisip. Inaatake na naman ako ng ilusyon ko. Masyadong malawak ang imahinasyon ko kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Sana nga hindi lang ilusyon ang lahat ng 'yon dahil sa totoo lang, umaasa akong may ibig sabihin ang lahat ng sinabi niya sa'kin.

"All the students in their respective classrooms, kindly come out and watch a special performance of Wild Paradise and Mr. Theodore Ash Montecillo." biglang announced ng taong nasa stage kaya naglabasan kaming mga estudyante at halos magkagulo na n'ong mapatapat na sa stage. Naghiyawan ang lahat ng lumabas ang sikat na banda at kasunod ang taong kinababaliwan ng lahat. Napatingin ako sa kanya. Sa taong hindi ko maalala pero sa tingin ko, naaalala siya ng puso ko.

Nang magsimula na silang tumugtog, doon na nagsimulang tumigil ang mundo ko habang umaawit siya. Nakapikit ang kanyang mga mata at tila ba dinadama ang pagkanta. Habang kumakanta siya, ang direksyon niya'y nakatingin sa kung saan ako nakatayo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Dahil hindi ako maaaring magkamali na siya ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko nang gabing 'yon.

BEHIND THAT HOODIE IS HIM(DREAM SERIES 1-2)Where stories live. Discover now