Chapter 4.2

229 37 3
                                    


Sa isang tago ngunit napakalaking puno nakakubli ang binatang si Wong Ming na mayroong pinsalang natamo dulot ng walang awang pag-atake sa kaniya ng nakaitim na balabal na nilalang.

Alam niyang pamilyar ang nilalang na iyon at kung hindi siya nagkakamali ay miyembro iyon ng Black Clover Tribe at gustong ipaghigante ang kapatid nitong tinalo niya.

Agad na inilabas ni Wong Ming ang kamay niyang tinago niya kani-kanina pa at kitang-kita niya na unti-unting nawawala ang kulay itim na mga ugat na tila parte ng pagkatao niya.

Hindi niya alam na habang papatagal ng papatagal ay natatakot na siya sa maaaring gawin niya lalo pa't hindi ordinaryo ang nagagawa ng kakaibang penomena ng kamay niya.

Nang hinawakan niya kanina ang isang kuneho ay bigla na lamang itong namatay at parang nabulok kaagad sa madaling panahon matapos ang insidenteng iyon. Nakakagimbal iyon lalo pa't ramdam niyang nakatulong iyon upang unti-unting bumilis ang pagkamawala ng sakit na nararamdaman niya sa kanang kamay niya.

Kung ano'ng klaseng kapangyarihan man meron ang nasabing mga kamay niya ay hindi niya gugustuhing hawakan ang sinumang nilalang na may isip lalo na ang kapwa niya tao o Cultivator man. Masyadong mapanganib ito at ayaw niyang matuklasan ng sinuman ang pinakatatago niyang sikreto.

Ramdam niya ang pag-alpas ng negatibong enerhiya sa kanang kamay niya habang unti-unting bumabalik ito sa normal. Hangga't hindi pa humuhupa ang negatibong enerhiya sa kanang kamay niya ay mananatili siya sa lugar na ito, malayo sa kung sinuman.

Ngunit makalipas lamang ang ilang mga minutong pagpapahinga ni Wong Ming ay nakaramdam siya ng kakaibang tunog mula sa hindi kalayuan mula sa kaniyang sariling pwesto.

CROOORRRRR! CROOORRRRR! CROOORRRRR!

Habang tumatagal ay lumalakas ang nasabing tunog ng kung anuman o sinumang nilalang na pinagmumulan nito.

Naging alerto naman si Wong Ming dahil ramdam niya ang kakaiba ngunit negatibong enerhiyang umaalpas sa kung saan man.

Mabilis na naglaho ang pigura ni Wong Ming sa kinaroroonan niya habang mabilis na ikinubli ang sarili niya sa hangin.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Nakita ni Wong Ming ang dalawang kakaibang aninong tila mabilis na naglalakbay sa mga lugar na ito na parang may hinahanap.

BANG! BANG! BANG!

Malakas na paunang atake ang pinakawalan ng dalawang nilalang sa hangin ang isinagawa ng mga ito dahilan upang sumabog ang mga kabatuhan na nasa gilid-gilid lamang.

"Wag ka ng magtago mababang nilalang. Hinding-hindi mo kami matatakasan!" Sambit ng isang babaeng nakasuot ng maiksing pananamit. Moderno ang istilo ng kasuotan nito habang may mapupulang mata at buhok itong tila bumagay sa buong kaanyuan nito. Ito ay walang iba kundi si Venissa ng Fire Demon Tribe.

"Tama siya hangal. Kung ako sa'yo ay magpakita ka ng mabuti dahil kahit saan ka man magpunta ay masusundan ka pa rin namin!" Sambit ng isang lalaking nakasuot ng pulang damit habang may mga hikaw-hikaw ito sa paligid ng mga tenga nito. Siya si Fernodo ng Fire Demon Tribe.

Hindi naman nagtagal ay mabilis na ipinakita ni Wong Ming ang sarili niya sa mga ito. Nakalutang siya sa ere na may kalayuan sa mga nilalang na gusto siyang tugisin base na rin sa pinagsasabi ng mga ito.

"Too bad, mukhang hindi niyo pa gamay ang kapangyarihang hiram niyo hahaha... Masasabi kong natunton niyo man ay hinding-hindi niyo ko matatalo hehehe!" Nakangising demonyong sagot ni Wong Ming habang kitang-kita na nanlilisik din ang mga mata nitong nakatingin ng salitan sa dalawang nilalang na gusto siyang tugisin.

Mabilis namang pumangit ang ekspresyon ng dalawang nilalang na animo'y nakarinig ng hindi maganda mula sa bibig ng hinahanap nilang nilalang.

"Pangahas ka binata! Base sa iyong pananalita at pananamit ay isa ka lamang nilalang mula sa labas. Hindi ko aakalaing ang tapang mo sa lagay na iyan ngunit may kalalagyan ka rin sakin!" Mapait na turan ni Venissa habang nakakuyom ang mga kamay nito na gustong-gusto ng sabunutan ang pesteng nilalang na nanghahamak sa kanila.

"Ano naman kung hiram lamang ang kapangyarihang meron kami taga-labas! Baka nakakalimutan mo teritoryo namin ang Ashfall Forest kaya manahimik ka!" Seryosong sambit ni Fernodo na animo'y hindi na rin makapaghintay na turuan ng leksyon ang pesteng nilalang na nakalutang sa hindi kalayuan mula sa kanila.

"Taga-labas man ako o hindi ay nakadepende pa rin ang lahat sa lakas na meron kayo upang talunin ako. Hindi ako mangingiming paslangin kayo sa mga oras na ito!" Nakangising wika ni Wong Ming habang kitang-kita ang labis na kagalakan sa mga mata nito.

Sa isang iglap ay biglang lumitaw ang itim na plawta sa kamay ni Wong Ming. Walang pag-aalinlangan nitong itinapat sa bibig nito at hinipan ng pagkalakas-lakas.

Isang nakapangingilabot na hangin ang bigla na lamang inilabas nito at naging isang malakas na ipo-ipong subrang itim na itim.

Nagulantang naman ang dalawang nilalang na sina Venissa at Fernodo sa nasaksihan nila. There's no way na ordinaryong nilalang lamang ang nakaharap nila. Ramdam nila ang lakas ng ipo-ipong kulay itim na inilabas ng plawtang hawak-hawak ng binatang taga-labas. Ramdam nila ang kasamaan ng ipo-ipong ngayon lang nila nasaksihan sa kamay ng binatang ito.

Iyan lang ba ang magagawa mo binatang taga-labas?! Heh! Tingnan mong maigi ang gagawin ko hehehe!" Sambit ni Venissa at mabilis nitong ibinato ang tatlong mga buto ng kung anumang halaman sa hangin patungo sa harapan nila.

Nangunot naman ang noo ni Wong Ming lalo na at wala man lang siyang napansing kakaiba rito ngunit doon siya nagkamali.

Pagkalapag na pagkalapag pa lamang ng mga butong nasa lupa ay mabilis na kumanta o umusal ng kakaibang lengwahe ang nasabing babaeng gustong tugisin si Wong Ming.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong mabilis na nagkaroon ng pagbabago sa tatlong butong nakalapag sa lupa.

Mabilis na tumubo at lumaki ang tila mala-baging na mga buhay na halamang pinatubo ng nasabing babaeng nilalang na kalaban ni Wong Ming.

Ang ipo-ipo ay mabilis na pumunta sa direksyon ng dalawang kalaban ni Wong Ming at walang pag-aalinlangan nitong winasak ang mga naglalakihang mga punong nadaraan ng papalaki ng papalaking dambuhalang ipo-ipo.

Ngunit hindi inaasahan ni Wong Ming na bigla na lamang yakapin ng dambuhalang mga baging ng kanina'y buto lamang at sa isang iglap lamang ay unti-unting tumigil ang paggalaw ng ipo-ipong inilabas kanina ng plawta ni Wong Ming at naglaho na parang bula lamang.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now