Chapter 1.5

312 46 5
                                    

Ngunit mabilis silang maglingon mag-ama ng may maramdaman silang presensya mula sa malayo. Kapwa nagulat pa ang mag-ama dahilan upang hindi makakibo ang mga ito.

"Ano na naman ang ginawa ng anak mo Wong Jianguo? Hindi ko aakalaing ganito ang maabutan ko sa lupaing aking tinitirhan!" Seryosong saad ng isang matipunong lalaking tila medyo pa ang balat at mukha nito ngunit makikitang hindi na rin ito bata dahil na rin sa bigote at balbas sa mukha nito. Ito ay walang iba kundi si Wong Bengwin na nakasuot ng kulay puting roba habang naniningkit ang mata nitong nakatingin ng palipat-lipat sa mag-amang palagi na lamang sakit sa ulo niya at sa kanilang Wong Family.

"Mukhang nahuli kami ng dating at nauna ka pa dito Wong Jianguo. Ano ba ang kaguluhang nangyayari dito? Tama pala ang sinasabi ni Head Chief Bengwin na napakapasaway ng anak mo Jianguo!" Sambit ng matandang lalaki na kilala bilang si Elder Huiqing na nasa panig ni Wong Bingwen noon pa man.

Hindi lamang sila ang naririto kundi maging ang apat pa na elder na kapwa nagbulong-bulungan na rin dahil sa naabutan nila.

Mabilis namang nagbigay-galang si Wong Jianguo sa limang elders na naririto. He knows that this elders is dangerous lalo na kung magalit ang mga ito. Hindi niya kakayaning sa kaniya bumagsak ang mga negatibong bagay o emosyong maaaring ibato sa kanila.  Alam niya kung gaano kalakas ang bawat isa sa mga ito.

"Paumanhin sa inasal ng aking anak mga kagalang-galang na mga elders lalo na sa iyo Head Chief Bengwin. Sana ay palalampasin niyo ang pangyayaring ito lalo na at hindi ko siya naturuan ng magandang pag-uugali."Hinging-paumanhin ni Wong Jianguo habang nakayuko pa ito upang hingin ang desisyon ng mga nakakataas ng posisyon sa kanila. He doesn't dare to offend these powerful people.

Mabilis niyang nilingon ang anak niyang si Wong Xianliang habang binigyan niya ito ng masamang tingin.

Mabilis namang nakuha ni Wong Xianliang ang gustong ipahiwatig sa kaniya ng sarili niyang ama dahilan upang napayuko na rin ito katabi ng ama niya.

"Mukha ngang hindi naturuan ng mabuting leksyon ang anak mo Wong Jianguo ngunit mukhang hindi ko mapapalampas ang ginawa ng anak mo sa anak ko!" Galit na pagkakasabi ni Wong Bengwin habang nakatingin ng masakit sa mag-amang Wong Xianliang at Wong Jianguo.

Kitang-kita niya kasi kung paano dinala ng mga ekspertong manggagamot ang anak-anakan niyang  si Wong Ming na walang malay na nakahiga sa puting tela habang bitbit-bitbit ito ng mga ito. Seeing this kind of situation make him raise his voice lalo na sa anak ni Wong Jianguo na si Wong Xianliang.

Ngunit mabilis na nagseryoso ang mukha niya. Alam niyang hindi siya maaaring maging emosyunal lalo na at siya ang tinaguriang head chief ng Wong Family, hindi maaaring magpakita siya ng emosyon dahil isa siyang kagalang-galang at respetadong pinuno ng isa sa mga royal families dito sa Golden Crane City. Maaaring ito ang gamitin ng ibang mga royal families upang pabagsakin ang kanilang pamilya na hindi naman niya gugustuhing mangyari ang kinatatakutan niya maging ng malaking pamilyang napasailalim sa kaniyang sariling pamumuno.

Hindi naman nagbalak na sumagot si Wong Jianguo lalo na at mukhang maling sagot niya lamang ay siya lamang ang matatalo. He can't face Wong Bingwen's anger lalo na at nandito pa ang mga elders.

Hindi siya takot na maglaban sila ni Wong Bingwen upang magsukatan ng lakas bagkus ay ayaw niyang palalain ang sitwasyong maling-mali ang ginawa ng anak niyang si Wong Xianliang

"Bakit namumula ang kanang pisngi ng anak mo Wong Jianguo? Wag mong sabihing sinaktan mo siya bago pa kami makarating dito?!" Nag-aalalang sambit naman ng isang elder na animo'y hindi makapaniwala sa nagawa ni Wong Jianguo sa sarili nitong anak.

"Kagalang-galang na elder, nais ko lamang turuan na magtino itong anak ko. Hindi ko ipagpipilitan na ako'y inyong paniwalaan ngunit gusto ko lamang sabihin na palampasin ang kaganapang ito para na rin sa ikatatahimik ng lahat. Hindi ko ipagtatanggol ang aking anak sa maaaring parusang maaari niyong ipataw sa kaniya." Magalang na wika ni Wong Jianguo na makikitaaang nirerespeto nito ang maaaring desisyon ng mga elders lalo na at talagang nahuli sa akto ang anak niya. Talagang wala na siya sa pinto ng kahihinatnan ng anak niya kung mabigat ang parusang ipapataw rito.

Nag-usap ng masinsinan ang mga elders upang mabigyan agad ng aksyon at desisyon ang nasabing kaganapang ito. Hindi kasi magandang tingnan kung lalabas pa ang pangyayaring ito na mas lalong pag-uusapan at ikababahala pa ng iilang mamamayan ng Golden Crane City. Hindi rin naman kasi na ipasapubliko pa ang ganitong klaseng senaryo dahil baka mapasama pa silang lahat.

Alam din kasi nila ang alitan ng kanilang pamilya sa iba pang mga royal families and they don't want to misinterpreted it by those evil people at magamit pa ito upang mapatalsik sila sa malaking siyudad na ito dahil sa kahihiyan.

"Bago kami magpataw ng parusa ay kailangan ko munang hingin ang panig ng anak mo sapagkat hindi namin tino-tolerate ant ganitong klaseng karahasan. Sa ginawa kasi ng anak mo ay para na rin niyang hinamon at kinwestyon ang lakas ng Head Chief ng Wong Family. Tama ba ko?!" Seryosong tanong ni Elder Huiqing habang mistulang iniintindi nito ang problema at hindi niya gustong magdesisyon o gumawa ng hindi naayon na desisyon sa sitwasyong hindi nila alam ang sanhi ng problema sa kaganapang ito na kanilang naabutan.

"Tama po kayo ng sinasabi Elder Huiqing. Hindi ko ipagtatanggol ang aking anak bagkus ay mabigyang linaw ang lahat kung bakit niya ito ginawa." Seryosong sambit naman ni Wong Jianguo habang mabilis nitong tiningnan ang anak nito matapos nitong sabihin ang mga katagang ito.

Nakayukong nagsalita si Wong Xianliang habang nakaharap sa direksyon ng mga elders at ni Head Chief Bengwin.

"Nagsusubukan lang po kami ng lakas at hindi ko naman sinasadya na mapuruhan siya. Ito po ang dahilan kung bakit ako palaging nandirito dahil ginusto rin naman ng anak ni Head Chief Bengwin." Magalang na sambit ni Wong Xianliang habang makikitang seryoso ang tono ng pananalita nito na diretsong-duretso.

Halos kumulo naman ang dugo ni Head Chief Bengwin sa kaniyang narinig mula sa anak ni Wong Jianguo na kababata niya ito at magkasing edad lang sika nito.

Hindi niya aakalaing ganito ang maabutan niya at alam niyang nagsisinungaling ang anak ni Wong Jianguo na si Wong Xianliang.

Huling mensaheng ipinadala ng anak niyang si Wong Ming na natanggap niya ay dahil sa panggugulo palagi ng binatang si Wong Xianliang sa malaking mansyon nila na minsanan niya lamang mabisita lalo na at marami siyang obligasyon sa buong lupain Wong Family na  siyang nasasakupan nila.

Magkagayon man ay itinikom niya na lamang ang bibig niya sa seryosong sitwasyong ito dahil wala siyang alam sa maaaring tumatakbo sa isip ni Wong Jianguo na isang mapanlinlang din kagaya ng anak nitong napakasinungaling. Ayaw niyang siya naman ang pag-initan ng mga council dahil sa paggmait niya ng kapangyarihan at titulong meron siya.

He wants to secure Wong Ming future at kinabukasan rin ng lahat ng miyembro ng Wong Family. Hindi niya hahayaang ang emosyon niya ang magdidikta ng lahat na sisira sa magandang hangarin niya para sa lahat.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now