Chapter 2.9

240 37 5
                                    


BANG! BANG! BANG!

Isang malakas na pagsabog ang naganap nang tumama ang napakalakas na atake ng nakamaskarang demonic tamer sa kinaroroonan ni Wong Ming habang kitang-kita nitong tila walang natamaan ang nasabing atake.

Wong Ming hide himself in darkness. Masasabing hindi niya man mapapawala ang nasabing kadiliman ngunit nakikita niya na ang lahat ng mga bagay sa kapaligiran niya.

Gamit ang nasabing pambihirang skill na Asura Eyes ay naging malinaw ang mga bagay sa paningin niya. Ang nasabing atakeng ito ng kalaban niya ay mabilis niyang naiwasan dahil nakikita niya ang mga ito.

Ang kalaban niyang isang demonic tamer ay nandoon lamang sa malayo habang malaya itong nagpapakawala ng mga atake nitong tila gusto siyang paslangin ng tuluyan.

Isa sa kakaibang nakikita ni Wong Ming ay nakabukas ang mga mata ng nasabing nakamaskarang demonic tamer ngunit wala man lang itong mga eyeballs. Tanging kakaibang kulay itim na tinta lamang ang laman ng mga mata nito.

Ang ganitong klaseng senaryo ay talaga nga namang nagpapakita lamang na sa madaliang pagpapaunlad ng sarili ng isang demonic path cultivator ay kailangan nilang isakripisyo ang mga bagay na maaari nilang ipagpalit sa lakas at kapangyarihang naaangkop sa kanila.

Sa lagay na ito ng demonic tamer ay isinakripisyo nito ang sariling mata alang-alang sa dark domain nito na  mismong ang mga mata nito ang may gawa.

Kung gayon ay nauunawaan na ni Wong Ming kung bakit nagagamit ng nilalang na ito ang dark domain nito ay dahil sa Eye of Darkness nito ng nasabing demonic tamer at ang mga atake nito gamit ang plawta ay naglalaman ng dark element na naglalakbay gamit ang hangin.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Tatlong magkakasunod na pagwasiwas ng espada ang ginamit ng binatang si Wong Ming habang kitang kita ang kulay pulang enerhiyang ginamit nito na inilalabas ng espadang hawak-hawak niya.

Naging alerto man si Wong Ming sa kaniyang mabilisang pag-atake ay gayon na lamang ang gulat niya ng isang kakaibang pangyayari ang bigla na lamang naganap.

POOOF! POOOFFF! POOOFFF!

Bigla na lamang nahati ang imahe ng nasabing nakamaskarang demonic tamer na parang isang makapal na usok habang makikitang tila wala ito sa kasalukuyan nitong pwesto.

Nanatiling misteryo pa rin sa isipan ni Wong Ming ang nasabing lokasyon ng nakamaskarang demonic tamer. Sinong mag-aakalang hindi niya pala ito matamaan o mamataan ang eksaktong lokasyon nito.

"Hmmm... Hindi ko aakalaing makikita mo ang aking sariling katawan sa malayo ngunit palaisipan pa rin kung paano mo nahanap ang aking lokasyon ngunit nagkamali ka ng inaakala hahaha!" Malademonyong wika ng nasabing demonic tamer habang bakas sa boses nito ang pang-uuyam sa ginawang atake ng binatang si Wong Ming.

Hindi naman nagpatinag ang binatang si Wong Ming nang marinig niya ang sinabi ng kalaban niyang isang demonic tamer. Kitang-kita sa abilidad nitong malakas talaga ito at hindi basta-bastang matatalo lamang.

Nakaramdam naman ng panganib si Wong Ming lalo na at hindi niya inaasahang may malakas na martial arts expert siyang masasagupa sa unang pagpunta niya sa loob ng Ashfall Forest ngunit ang unang prayoridad niya ay makalagpas sa kalaban niyang ito
Kahit na anuman ang mangyari.

Mabilis na nagliwanag ang noo ni Wong Ming dahilan upang ipakita nito ang kaniyang sarili sa kalaban niya.

Ngunit hindi lamang iyon ang nangyari dahil mula sa noo niya ay lumabas ang isang mahabang espadang ginintuan habang naglalabas ito ng nakapangingilabot na enerhiyang ngayon lamang nito ipinamalas sa lahat.

"Katapusan mo na demonic tamer. Hindi kailanman magtatagumpay ang plano mong paslangin ang katulad ko!" Seryosong saad ni Wong Ming sa malakas nitong boses. Kitang-kita sa mukha nito ang determinasyong protektahan ang sarili laban sa kalaban niyang nakasakay sa ibabaw ng isang Diamond Scorpion.

"Kagulat-gulat man ang iyong mabilis na paglabas ng kaanyuan mo maging ang espadang pinalabas mo ngunit hindi mo ako matatalo taga-labas!" Inis na wika ng misteryosong nakamaskarang nilalang habang makikitang hindi ito natatakot sa katulad ni Wong Ming. Ang tingin niya sa taga-labas ay isa lamang mahinang nilalang.

Ngunit unti-unting napalitan ng malademonyong pagngisi ang mukha ng binatang si Wong Ming habang mabilis nitong hinawakan ang kaniyang sariling espadang pinalabas bago lamang matapos nitong marinig ang sinabi ng demonic tamer dahilan upang magsalita ito ng tuwiran.

"Hahaha... Isa kang hangal, ngayong nasa loob na tayo ng sarili mong domain ay maaari na kitang paslangin gamit ang spiritual weapon na hawak-hawak ko!" Sambit ni Wong Ming habang hinawakang maigi ang spiritual weapon na tinutukoy nito.

Nagulat naman bigla ang nasabing demonic tamer ngunit hindi ito nagpatinag sa sinabi ng binatang mula sa labas ng Ashfall Forest. Hindi na ito nakapagpigil pa at mabilis na kinontra ang sinabi ng binatang si Wong Ming.

"Isa kang hangal binatang taga-labas! Spiritual weapon? Sa pangangatawan mo lamang maging sa abilidad mo ay mukhang nangangarap ka ata ng gising. Isang alamat lamang ang pagkakaroon ng spiritual weapon. No one will ever believe you at yan ang dapat na itatak mo sa kukute mo!" Walang pag-aalinlangang sambit ng misteryosong nakamaskarang demonic tamer habang kitang-kita ang labis na inis nito sa sinasabi ng binatang taga-labas.

Spiritual weapon? Isang alamat lamang ang pagkakaroon ng ganitong klaseng sandatang kayang puksain o paslangin ang mga spiritual users at isa na roon ang mga demonic tamer maging ang mga beast tamers. Minsan na ring natukoy sa alamat na pasalin-salin maging sa tribong kinabibilangan niya ang pag-exist ng isang nilalang na mayroong spiritual weapon kaya walang nagbalak na kontrahin siya ng mga tamers maging ang mga ekspertong umaasa sa spiritual abilities nila dahil marami ng napaslang ang nasabing nilalang dahil higit na malakas ang kakayahan nito kumpara sa kanila. There spiritual attacks are formidable capable of killing spiritual based users in a brutal way.

Aware siya sa ganitong klaseng kwento-kwento at itinuturing na nakatataas sa kanila ang nasabing nilalang na may spiritual weapon dahil nanganganib ang buhay nila rito pero ngayong kaharap niya ang nilalang na magsasabi ng kabalbalan patungkol sa sarili nitong mayroong isang spiritual weapon ay isang kabaliwan ito. Isa pa ay mula ito sa labas ng Ashfall Forest at naligaw pa ito sa malawak na kagubatan ay mahihirapan siyang ikonekta ang sinasabi nitong isa itong nilalang mula na nagtataglay ng spiritual weapon, isang Spiritual Sword Master.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3Donde viven las historias. Descúbrelo ahora