Chapter 2.7

293 39 5
                                    

Bago pa man tuluyang magbago ang anyo ng nasabing dambuhalang halimaw na Double Headed Fire Snake ay isang pangyayari ang hindi inaasahang maganap.

SLASH! SLASH! SLASH!

SA isang iglap ay sunod-sunod na nagkandaputol ang bawat parte ng katawan ng Double Headed Fire Snake sa tatlong pagwasiwas ng espadang hawak-hawak ni Wong Ming.

Napangisi naman si Wong Ming dahil sa pangyayaring ito ngunit kasabay ng pagkamatay at pagpaslang niya sa Double Headed Fire Snake ay isang nilalang ang nakita niyang nakatayong sumasakay sa ibabaw ng dambuhalang alakdan na kung di siya nagkakamali ay isang Diamond Scorpion dahil sa mala-diyamanteng pangangatawan ng nasabing dambuhalang halimaw.

"Sino ka pangahas na nilalang? Ano'ng ginawa mo sa alaga kong Double Headed Fire Snake?!" Galit na galit na wika ng nasabing nilalang na nakatayo sa ibabaw ng Diamond Scorpion. Nakasuot ito ng kulay kayumangging maskara na mayroong kakaibang disenyo habang mayroon itong mga hikaw sa tenga nito na gawa sa pambihirang mga kahoy kung hindi nagkakamali si Wong Ming.

Napakunot ng noo si Wong Ming dahil mukhang ang nilalang na nasa hindi kalayuan mula sa kaniya at ng napaslang niyang nilalang ay miyembro ng isa sa mga tribong nakatira sa loob ng mismong Ashfall Forest.

Tiningnang maigi ni Wong Ming ang buong kaanyuan ng nasabing nilalang na nasa hindi kalayuan mula sa kaniya. Kakaiba talaga ang kasuotan nito kumpara sa kanilang nakatira mismo sa labas ng malawak na kagubatang ito. Hindi niya aakalaing sa maikling oras niyang naririto ay makakatagpo siya kaagad ng isang miyembro ng tribo.

Hindi alam ni Wong Ming ngunit mayroong nagsasabi sa kaniyang sariling isipan na mag-ingat at hindi niya dapat balewalain ang presensya ng nasabing nilalang na ito. Hindi siya dapat magpadalos-dalos lamang na gumawa ng bagay na ikapapahamak niya.

"Pangahas? Kasalanan ko bang sinugod ako ng kakaibang halimaw na ito. Isa pa ay wala ka ng pakialam kung napaslang ang Double Headed Fire Snake ito dahil sinugod ako ng walang pag-aalinlangan." Sambit ni Wong Ming habang makikitang gusto niyang ipagtatanggol ang sarili niya sa pambibintang ng nilalang na ito dahil wala siyang dahilan upang magbigay respeto sa nilalang na ito.

Sino ba naman kasi ang gustong rumespeto sa nilalang na galit na galit pa ito kung magtanong. Nakakawalang ganang kumausap sa mga aroganteng nilalang na wala man lang kaalam-alam sa buong pangyayari at gusto na lamang mambintang.

"Hindi ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko na alaga ko ang pinaslang mo! Hindi ko aakalaing ikaw pa ang papaslang sa mga ito! Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" Galit na galit na wika ng nasabing nilalang habang kitang-kita sa mukha nito na labis itong napopoot sa presensya ni Wong Ming.

Hindi na ito nagpaawat pa at mabilis nitong inilabas ang kakaibang espadang pagmamay-ari nito. Gusto niyang ipaghigante ang pagpaslang ng alaga niya.

"Wala rin naman akong magagawa kundi ang labanan ka!" Seryosong saad naman ni Wong Ming dahil ayaw na ayaw niyang ipagtatanggol ang sarili niya sa mga taong sarado ang isip sa mga paliwanag na gusto niyang sabihin sana dahil wala rin naman itong saysay sa mga ito. Nakakalungkot lang isipin na siya pa ay napagbintangan na hindi naman niya intensyong gawin ito.

Mabilis na hinawakan ng mahigpit ni Wong Ming ang hawak-hawak niyang espadang  may bahid pa ng malagkit na dugong galing pa mismo sa napaslang niyang dambuhalang halimaw na Double Headed Fire Snake.

Hindi siya natatakot makipagbuno sa mga nilalang na katulad nito. May nagsasabi din sa utak niya na gusto niyang labanan at hamunin sa isang laban ang mga nilalang na nakatira sa loob ng Ashfall Forest.  Tamang-tama dahil kating-kati na siyang subukan ang lakas ng mga nilalang na malayo sa kabihasnan.

Ngunit mabilis na nagtaka si Wong Ming nang mabilis na iwinasiwas ng misteryosong nilalang ang hawak nitong espada at naging isang plawta.

Nakaramdam ng ibayong panganib si Wong Ming dahil sa nasaksihan niya. Alam na alam niya kung anong klaseng nilalang ang kaharap niya at kung paano ito lumaban.

Mabilis na napaatras si Wong Ming dahil sa natuklasan niya. Mabilis na kumunot ang noo niya at masakit na tiningnan ang nilalang na nasa hindi kalayuan mula sa kaniya.

"Hahaha... Bakit bigla kang napaatras binata? Ayaw mo ba kong labanan? Handang-handa akong labanan ka kung iyon ang ikinabahala mo hehe..." Nakangising demonyong sambit ng misteryosong nilalang na nakamaskara habang hindi pa rin ito umaalis sa pwesto nito habang nakasakay pa rin sa likod ng Diamond Scorpion na animo'y hindi din gumagalaw at parang estatwa ito.

"Hindi ko aakalaing isa kang beast tamer ngunit hindi. Isa kang demonic tamer! Hindi ko inaasahan na ikaw ang gagawa ng karumal-dumal na bagay sa Double Headed Fire Snake na iyan!" Galit na wika ni Wong Ming habang makikitang naniningkit ang mga mata niya dahil hindi niya aakalaing sa unang nilalang na makakasalamuha niya galing sa kung saan mang tribo ito ay napakasama. 

Alam niyang sa pamamagitan ng paghigop ng spiritual energies na mga nilalang na gustuhin nito ay magiging malakas ito lalo na sa mga buhay na nilalang. Sa pamamagitan ng ganito ay mas napapabilis ang pagcucultivate nito at mas napapalakas nito ang abilidad o mga kakayahan nito. Ganito ang pamamaraan ng mga demonic tamer dahil kayang-kaya nilang puminsala ng maraming mga nilalang lalo na ang mga magical beast na nasa paligid-ligid lamang.

Isa din ito sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng malawakang beast hoard ngunit hindi pa rin malaman-laman kung sino ang may gawa nito.

Ngayon ay napatunayan na ni Wong Ming na tunay ngang may lakas ding tinatago ang mga nilalang na nakatira dito sa loob ng Ashfall Forest. Ngunit hindi niya aakalaing isa sa mga makakaharap niya ay ang isa pa sa mga may propesyong katulad nito, ang pagiging demonic tamer.

Bahagyang natigilan naman ang nasabing nilalang na nakasakay sa ibabaw ng dambuhalang halimaw na Diamond Scorpion ngunit mabilis din itong nagwika.

"Magaling, magaling. Hindi ko aakalaing natukoy mo ang kakayahang minana ko pa sa mga katribo ko. Ngunit wag kang mag-aalala dahil mamamatay ka rin taga-labas! Ang katulad mong mula sa labas ng malawak na kagubatang ito ay hindi nararapat na tumapak sa teritoryo namin!" Galit na galit na wika ng nasabing misteryosong nilalang na isang demonic tamer.

Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at mabilis itong umihip sa kulay itim na plawtang hawak-hawak nito.

♪♫♩ ♪♫♪♫♩ ♪♫♬ ♭♮♯♬ ♭♮♯ ♪♫♩ ♪♫♬ ♭♮♯

Isang napakatinis at napakapangit na tunog ang bigla na lamang narinig ni Wong Ming na inilalabas na musika ng kakaibang plawtang hawak-hawak ng demonic tamer. Hindi maipagkakailang nakaramdam ng ibayong panganib si Wong Ming dahil hindi ordinaryong nilalang ang makakalaban niya sa mga oras na ito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now