Chapter 2.10

251 45 4
                                    

"Hindi ko nais na magkasakitan tayong dalawa rito ngunit patutunayan kong isang spiritual weapon ang espadang pagmamay-ari ko. Tingnan mong mabuti ito!" Seryosong saad ni Wong Ming habang mabilis nitong hinagis sa ere ang hawak-hawak nitong espadang galing sa noo nito kanina.

Wooohhhh! Whooohhhh! Whooohhhh!

Sa isang iglap ay hinigop ng espadang nasa gitna ng ere ang napakakapal na kulay itim na usok dahilan upang bumalik ang kapaligiran sa dati nitong aliwalas at kitang-kita ang kagandahan ng kapaligiran.

Gulat na gulat man ang nasabing demonic tamer ay mabilis itong tumalon sa sinasakyan nitong diamond scorpion at mabilis na lumuhod sa lupa.

"Paumanhin sa aking inasal kanina Spiritual Weapon Master. Sana ay mapatawad niyo ang kapangahasang ginawa ng isang katulad ko na isang hamak lamang na demonic tamer." Puno ng pagsusumamong sambit ng misteryosong nakamaskarang nilalang na ngayon ay nakayuko ang ulo nito sa lupa tandang sumusuko na ito ng tuluyan sa ipinakitang lakas ng binatang si Wong Ming.

Sa kakayahan nitong ipinakita gamit ang spiritual weapon nito ay walang dudang isa itong spiritual weapon master. Isang atake lamang na maaaring matamo ng demonic tamer o kahit ng beast tamer ay maaaring mabura ang existence nila sa mundong ito. Ganon kalakas amg spiritual weapon master na nasa harap niya.

"Gustuhin ko mang patulan ang katulad mo ngunit wala rin naman akong mapapala kung papaslangin kita. Maaari ko bang matanong kung ano'ng tribo ka nabibilang?!" Seryosong saad ni Wong Ming sa malumanay na boses. Magkaganon man ay bakas sa tono ng pananalita nito na may kaunting inis pa rin siya sa misteryosong nilalang na nakasuot ng maskara sa hindi kalayuan. Sa totoo nga niyan ay wala siyang balak na paslangin ang nasabing demonic tamer dahil wala rin naman talaga itong saysay kung gagawin niya.

Ang tanging kasalanan niya lamang ay pinaglaruan niya lamang ito sa buong takbo ng pangyayari. Isa siyang spiritual weapon master kaya walang silbi ang mga atakeng natamo niya sa atake ng kalaban niya.

Sa isang iglap ay mabilis na nawala ang mga pinsalang natamo ni Wong Ming at kitang-kita sa mukha ng nakatunghay na nakamaskarang demonic tamer ang pagkabigla.

"Isa akong demonic tamer na mula sa tribo ng Black Clover Tribe. Isa ang tribo namin sa sinaunang tribong matagal ng nag-eexist sa kaloob-looban ng Ashfall Forest ngunit ngayon ay nanganganib na mapuksa dahil sa malalakas na pwersang gusto kaming puksain." Puno ng kaseryusohang turan ng misteryosong nakamaskarang nilalang na isang demonic tamer habang makikita ang lungkot sa mga mata nito.

Mabilis namang natigalgal si Wong Ming sa isiniwalat ng demonic tamer na galing daw sa sinaunang tribo ng Black Clover Tribe. Paanong nangyari na mapupuksa ito eh isa itong sinaunang tribong nag-eexist na noong una pa lamang.

"Black Clover Tribe? Kung gayon ay walang dudang malakas ka at gamay mo ang propesyong nananalaytay sa dugo ng tribong iyong kinabibilangan. Ngunit sino naman ang tinutukoy mong kalaban niyo na gusto kayong puksain?!" Nagtatakang tanong ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga nito na tila naguguluhan siya. Those ancient tribes are quite strong. Alam niyang ang ibang ancient tribes ay naging mahina dahil sa mga pagbabago sa mundong ito dahil sa delubyomg kinakaharap ng mga ito para makaligtas sa mga digmaan at mga labanan paroon-parito.

"Malakas man ang tribong kinalakihan ko ay hindi naman ibig sabihin noo'y sobrang lakas ko na o ng tribong kinabibilangan ko kung mayroon namang banta mula sa mga taga-labas. Itinatak na sa puso't isipan namin ang pagiging mapagmatyag sa kapaligiran namin dahil maraming espiyang mula sa taga-labas ang gustong angkinin ang mga lupaing pagmamay-ari namin sa hindi malamang mga dahilan." Seryosong sagot naman ng nakamaskarang demonic tamer habang nakayuko pa rin ito habang makikitang mistulang magalang ito sa harap ng spiritual weapon master katulad ni Wong Ming.

"Kung gayon ay isa rin pala akong taga-labas. Hindi ka ba nangangambang maging malaking banta ako sa tribo mo at sa iba?" Seryosong wika ni Wong Ming habang kitang-kita na parang hindi ito nagbibiro.

"Naniniwala akong hindi mo gagawin iyon kagalang-galang na spiritual weapon master. Walang silbi ang aming angkan sa maaaring hagupit na maihahatid mo sa mga spiritual based users na mga martial arts families, clans o mga tribong nakatira sa loob ng Ashfall Forest. Ang katulad mo ay itinuturing na alamat lamang na ikinikwento sa mga batang henerasyon." Seryosong saad ng demonic tamer habang makikitang medyo nag-aalangalan pa ito sa sinasabi niya.

"Hahaha... Tama ka sa iyong sinasabi. Isa pa ay hindi ko balak na maminsala ng mga nilalang dito. Gusto ko lamang hanapin ang aking ama dahil meron siyang  gustong hanapin dito." Seryosong turan ng binatang si Wong Ming habang makikitang sumasang-ayom ito sa sinasabi ni Wong Ming.

"Sino ba ang ama mo? Bakit kayo pumunta rito na alam niyo namang bawal ang taga-labas rito. Maaaring ikapahamak niyo ang pagpunta rito." Seryosong saad ng demonic tamer habang kitang-kita na nag-aalala ito lalo na sa ama ni Wong Ming.

"Isa siyang Head Chief ng aming pamilyang kinabibilangan. Ang kaniyang pinunta rito ay upang hingin ang kamay ng babaeng pinakamamahal niya. Hindi na ito nagpatinag pa ngunit wala akong alam kung magtagumpay ito o hindi ngunit susuportahan ko ito hanggang kaya." Sinserong pagkakasabi ni Wong Ming na makikitang gusto niyang mangyari ang pinakaminimithi ng ama niyang si Head Chief Bengwin.

Bago pa man magsalitang muli ang misteryosong nakamaskarang nilalang na demonic tamer ay mabilis na lumitaw sa hindi kalayuan ang ankaitim na balabal na nilalang at sa isang iglap lamang ay mabilis na nawala ang presensya ng demonic tamer.

"Sino ka? Bakit mo kinuha ang isa sa miyembro ng Black Clover Tribe?!" Pagbabantang sambit ni Wong Ming habang makikitang gusto nitong itanong ang kakaibang nilalang na tumangay sa demonic tamer na hindi niya pa kilala.

Umalingawngaw ang tinig ni Wong Ming sa kapaligiran ngunit hindi niya inaasahang may isasagot sa kaniya ang kakaibang nilalang na tumangay sa malakas na demonic tamer.

"Isa kang mangmang. Isa ka lamang ordinaryong nilalang na gustong utakan ang aking kapatid. Hinding-hindi ko hahayaang bilugin mo ang utak niya!" Malakas na wika ng isang nilalang na tumangay sa demonic tamer habang umalingawngaw nt malalakas ang boses nito sa kapaligiran.

Makikitang parang nagulat naman si Wong Ming sa sinabi nito dahil ramdam niyang mas malakas ang nasabing nilalang na ito kumpara sa demonic tamer. Ramdam niya ito dahil masasabi niyang walang nagawa ang demonic tamer upang turulan ang kapangahasang ginagawa ng kapatid nito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now