Chapter 3.5

241 38 6
                                    

Dedicated to lourdhyperion

...

BANG! BANG! BANG!

Dumagundong muli ang napakalakas na pagsabog kung saan naramdaman ni Wong Ming ang sarili niyang tila pagod na pagod habang nilalabanan ang laksa-laksang mga Illusion Weaving Arachnid patungo sa direksyon niya na halatang hindi niya aakalaing ganito ang kahihinatnan ng sitwasyon niya sa kasalukuyan.

"Kailan ko pa kaya mauubos ang hindi mabilang na mga Illusion Weaving Arachnid na ito. Kahit ano'ng gawin ko ay tila ba hindi sila maubos-ubos." Sambit ni Wong Ming sa kaniyang sarili lamang habang mabilis niyang hingal na hingal at basang-basa ng pawis na animo'y naligo siya sa mga katubigan ngunit malabo iyong mangyari dahil walang tubig rito.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod lalo na at sa tantiya ni Wong Ming ay ilang mga oras na rin ang nakalilipas matapos ang wlaang humpay niyang pakikipaglaban sa nasabing mga laksa-laksang mga halimaw na hindi maubos-ubos kahit anong gawin niya.

Kitang-kita muli ni Wong Ming kung paanong unti-unting dumami na naman ang mga Illusion Weaving Arachnid habang tila lumalabas na naman ang mga ito sa madilim na parte ng lugar sa hindi kalayuan kung saan tanaw na tanaw niya kung saan nagmumula ang mga ito. Kada paslang niya sa dumarating ay tila may lalabas na namang mga laksa-laksang mga Illusion Weaving Arachnid sa madilim na parteng pinagmulan ng mga nasabing halimaw na ito.

Litong-lito man si Wong Ming ay ayaw naman niyang pabayaan na lamang ang sarili niyang mapaslang o makain ng mga grupo ng mga halimaw na Illusion Weaving Arachnid dahil lamang sa kaiisip ngunit wala man lang siyang gagawin.

Ngayon lamang naipit si Wong Ming sa sitwasyong katulad nito at alam niyang hindi maganda ito lalo na ang maipit sa sitwasyong wala siyang pagpipilian kundi ang lumaban at patuloy na lumaban kahit talo na.

Sword Needle Clones> Sword Needle Strikes!

Sa maraming pagkakataon ng pagcast ng skill niya ay mabilis na nagliwanag ang isang  sword needle at nagkaroon ng maraming mga kopya nito. Muling nag-vibrate ang mga sword needles at bumulusok ito ng napakabilis patungo sa direksyon ng sumusugod at tila walang katapusang pagtakbo ng mabilis ng mga Illusion Weaving Arachnid na gustong sugurin ang nasabing binata.

BANG! BANG! BANG!

Umalingawngaw muli ang napakalakas na mga pagsabog ng mga lugar na tinatamaan ng atake ni Wong Ming maging ang pagsabog ng hindi mabilang na mga dambuhalang halimaw na Illusion Weaving Arachnid sa Hindi kalayuan mula sa direksyon ni Wong Ming.

Makikitang hindi nakapagpigil si Wong Ming at hindi na tama ang mga naiisip nito ngunit patuloy pa rin sa pagsagawa ng napakalakas na atake nito na siyang naabot na niya ang limitasyon niya.

Kasabay nito ay naramdaman ni Wong Ming ang tila pagsakit ng ulo niya maging ang panlalabo ng mga mata niyang tila ba nagpapahiwatig na naibuhos na niya ang lahat-lahat para sa atakeng iyon.

Hindi na napigilan ni Wong Ming ang sarili niya kung saan ay naramdaman niya na lamang ang paninikip ng dibdib niya maging ng pagkawala ng kaniyang pakiramdam sa kaniyang paligid.

Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata tandang pagod na pagod na siya sa tila walang katapusang labanan sa pagitan niya at ng laksa-laksang mga halimaw na Illusion Weaving Arachnid bago siya nilamon ng walang hanggang kadiliman.

...

Makikitang nakahandusay ang nasabing binata sa isang damuhan tila mahimbing itong natutulog na animo'y pagod na pagod.

Kasabay nito ang tila pagkakaroon ng kakaibang penomena sa nasabing beast ring na hanggang ngayon ay nakalutang pa rin.

Masasabing ang mabagal na pag-ikot nito ay tila naging pabilis ng pabilis sa hindi malamang dahilan hanggang sa mapapansin na tila nawawala ang mga demonic aura sa paligid ng beast ring ng Illusion Weaving Arachnid.

Nagpapahiwatig lamang ito na tuluyan ng nawala at napawalang-bisa ang koneksyon ng beast ring sa mismong orihinal na nagmamay-aring halimaw na ngayon ay ganap na pagmamay-ari na ni Wong Ming.

Mabilis itong lumiit ng lumiit hanggang sa naglaho na ito sa ere at lumitaw na lamang sa kaliwang daliri ni Wong Ming.

Hindi alintana ng nasabing binata ang kakatwang pangyayaring naganap matapos nitong mawalan ng malay sa loob ng inner space ng Beast Ring. Tunay ngang kakaiba ngunit nakakamangha ang pangyayaring nangyari sa binatang si Wong Ming.

Ang mga bagay na hindi niya inaasahang maganap ay tila naging reyalidad na hindi nito aakalaing mangyayari.

...

Nagising na lamang si Wong Ming nang maramdaman niya ang tila paggising sa kaniya ng kung sinuman.

Agad na iniinat niya ang kaniyang sariling kamay at mabilis na kinusot ang kaniyang mga mata. Ramdam niya ang pagod at pananakit ng katawan niya ngunit agad niya ring binuksan ang mga mata niya upang tingnan kung sino ang gumigising sa kaniya.

Nakita na lamang niya ang bulto ng isang pamilyar na pigura na malabo pa sa una niyang tingin ngunit unti-unti niyang namukhaan kung sino ito.

"Ama, ikaw ba yan?! Hindi ko aakalaing nandirito ka sa aking harapan!" Tila gulat ngunit may sayang pagkakawika ni Wong Ming sa nilalang na nasa harapan niya.

Hindi niya aakalaing sa ganitong klaseng sitwasyon at senaryo pa niya makikita ang sarili niyang ama-amahan na si Head Chief Bengwin, ang kasalukuyang pinuno ng Wong Family sa loob ng Golden Crane City.

"Oo ako ito anak. Bakit ganito ang sitwasyong naabutan ko. Wala bang napinsala sa iyo anak?!" May pag-aalalang sambit ni Head Chief Bengwin sa anak-anakan nitong si Wong Ming habang sunod-sunod itong nagtanong ng mga katanungang tila ba naging ugali na nito sa ganitong klaseng kaganapan.

Makikita sa boses ni Head Chief Bengwin na nagtataka ito sa naabutan niyang sitwasyon ni Wong Ming ngunit naroroon pa rin ang labis na pag-aalala dahil sa nangyari sa binatang itinuturing biyyang sarili niyang anak.

Nahabag siya sa naabutan niya kani-kanina pa ngunit medyo matagal na silang namalagi rito at kailangan na nilang umalis ngayon dahil masama ang pakiramdam niya kung magtatagal pa sila rito ng ilan pang mga oras.

Hindi niya pa kabisado ang buong lugar rito ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay hindi niya mapag-aaralan ang direksyong nais tahakin dito.

Ramdam ni Head Chief Bengwin na mayroon pa siyang bagay na nais na itanong kay Wong Ming. Kung bakit umabot sa ganitong sitwasyon ang nasabing binata dahil mukhang galing pa ito sa matinding labanan.

Kitang-kita niya nga rin ang isang dambuhalang halimaw na gagamba sa hindi kalayuan at alam ni Head Chief Bengwin na napakalakas ng nasabing halimaw na ito na tinatawag na Illusion Weaving Arachnid dahil sa mapanlinlang nitong mga atake.

Isa din ito sa mas nagpagulo sa isipan niya kung baiit napaslang ito at kung sino ang pumaslang. Hindi naman sa pangmamaliit ngunit imposibleng si Wong Ming ang may gawa nito sa nasabing dambuhalang halimaw dahil higit na malakas ito sa binatang nakalaban ni Wong Ming sa labas ng mansyon nila na si Wong Xianliang na anak ni Wong Jianguo.

Magkagayon pa man ay kailangan niyang itanong ang importanteng mga bagay-bagay bago tumalon sa mga personal na mga katanungang naiisip niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now