Chapter 3.3

231 42 8
                                    

Matapos nag matinding labanan sa pagitan ni Wong Ming at ng dambuhalang halimaw na Illusion Weaving Arachnid ay kasabay nitong namayani ang nakakabinging katahimikan.

Walang kakikitaan ng kaayusan ang kapaligiran lalo na at halos magulo o wala sa ayos ang mga punong nagtumbahan maging ng lupang tila dinaanan ng matinding bagyo.

Kitang-kita pa ni Wong Ming kung gaano kalala ang pinsalang naidulot niya sa halimaw lalo na at nahiwa niya ang  mga parte ng katawan nito na tila naging lason sa mga damuhang nalapagan nito.

Pansin ni Wong ang tila nakabukas na bagay sa ere na kulay itim habang nakabukas pa ito sa ere maya-maya pa ay mabilis itong umiikot-ikot hanggang sa nagbago anyo nito at lumiit ng lumiit.

Walang pag-aalinlangan itong sinalo ni Wong Ming bago pa ito malaglag sa kalupaan lalo na at nakuha nito ang kuryusidad niya.

Hindi kasi niya aakalaing matapos ng mga naging atake miyang sobrang lakas ay nagawa pa rin itong bagay na makasurvive sa pinslaang maaaring tamuhin nito.

At ang mas nakakapagtaka pa rito ay hindi man lang nagawang depensahan ng Illusion Weaving Arachnid ang sarili nito matapos niyang i-activate ang bagay na ito. Hindi naman kasi siya tanga upang isiping may buhay ang nasabing bagay na meron ang Illusion Weaving Arachnid na ito. Hindi niya lubos maisip na imbis na ipawalangbisa ng bagay na ito ang atake niya ay tumama ang mga atake niya sa Illusion Weaving Arachnid mismo.

Agad na binuksan ni Wong Ming ang kaniyang sariling palad at tiningnang maigi nito ang nasabing pabilog na bagay na pagmamay-ari ng Illusion Weaving Arachnid.

Habang sinipat-sipat ni Wong Ming ang nasabing maliit ngunit pabilog na hugis na nasabing bagay ay tila nanlaki ang mga mata niya habang nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa nasabing bagay.

"B-beast R-rings ba to? To-totoo ba 'to?!" Tila pautal-utal na sambit ni Wong Ming habang tila hindi pa rin ito makauma sa naging reaksyon niya sa nasabing tila singsing sa kamay niya.

Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha at manlalaki ang mga mata sa malalaman nila kung ang nasa kamay niya ay gustong-gustong kunin at mapasakamay ng halos lahat ng mga naglalakasang mga indibidwal lalo na ang mga nasa matataas na posisyon.

Ano nga ba ang Beast Rings?! Ito lang naman ang isa sa mga pinaka-kakaiba at napakapambihirang bagay na magagawa ng isang magical beast. Tanging isa sa ilang milyon-milyong species ng mga magcial beasts ang maaaring magproduce nito o maaaring wala talaga.

Sinasabi ngang isang alamat na lamang ang beast rings dahil sa napakahirap nitong hanapin. Kahit nga sa buong Golden Crane City ay masasabi ni Wong Ming na walang kahit na isang nilalang o indibidwal na nagmamay-ari ng beast rings.

Beast Rings are the rarest of the rarest kaya imposible talagang  hindi mamangha o masindak si Wong Ming sa nasabing bagay na ngayon ay pagmamay-ari niya na.

Marami mang beast rings na naibebenta sa mga black market sa loob at labas ng Golden Crane City ngunit pawang mga artificial lamang at kung anong kakayahan lang ang nakapaloob rito ay yun lang yun. Samantalang ang beast rings ay kakaiba at lubhang nakakamangha dahil maaari itong paunlarin ng sinuman lalo na sa lagay ng mga martial arts experts na meron nito. Walang eksaktong halaga ang bagay na ito ngunit ayon sa kasaysayan na nabasa at natandaan ni Wong Ming ay mayroong isang nilalang na meron nito ngunit nauwi lamang sa walang katapusang digmaan ang nasabing bagay na iyon. Beast ring will be one of the things na maaaring ikapahamak niya at ng malalapit sa kaniya.

Nanginginig man ang mga kamay ni Wong Ming habang sinisipat nito ang bagong pag-aari niya na beast ring. Walang eksaktong pamamaraan kung paano ito nagagawa ng isang nilalang kagaya ng nakalaban niyang isang Illusion Weaving Arachnid ngunit aalamin niya ito pagdating ng panahon. Ngayon ay malabong mangyari iyon dahil Kailangan niya munang unahing makaligtas sa panganib na kinakaharap niya bago siya gumawa ng hakbang sa susunod niyang gagawin.

Mabilis na hiniwaan ni Wong Ming ang palad niya at sumirit ang masaganang dugo rito.

Tap! Tap! Tap!

Tatlong sunod-sunod na Patak ng kaniyang dugo sa mismong Beast Rings ngunit hindi man lang nagawa ni Wong Ming na mapagana ito.

Tap!

Ngunit sa ikasampong pagpatak ng dugo niya ay nagulat na lamang si Wong Ming nang mabilis na uminit ang nasabing beast ring ng Illusion Weaving Arachnid at walang pag-aalinlangan niya itong ibinato sa ere ng napakalakas.

BANG! BANG! BANG!

Nagkaroon ng malalakas na pagputok ng mga enerhiyang tila kulay itim na senyales na naipon ng matagal ng Illusion Weaving Arachnid sa nasabing singsing. Kitang-kita ni Wong Ming ang paglabas ng mga demonic aura at mga negatibong enerhiya rito ngunit napangiti na lamang siya nang mapansing nawala na ang presensya ng mga ito at naramdaman niya ang koneksyon niya sa Beast Ring na pagmamay-ari niya ngayon.

Kasabay nito ay naramdaman ni Wong Ming ang labis na pagkahilo at napansin niya ang sarili niyang lumalabo ang paningin niya dahil sa tila mabilis na paghigop o pagkawala ng enerhiya niya sa loob ng Kaniyang sariling katawan.

Mabilis na umupo ng pa-lotus position si Wong Ming sa kinaroroonan niyang damuhan at agad niyang ipinikit ang kaniyang sariling mata.

Isang mahabang meditasyon ang ginawa ni Wong Ming lalo na at nilalabanan niya ang matinding pagkawala ng enerhiya niya. He really knows na bago lamang ang lahat sa kaniya lalo na ang pagmamay-ari ng pambihirang beast ring na ito. Hindi niya hahayaan ang sarili niyang mawala sa sarili at kontrolin siya ng pambihirang bagay na ito.

Over the years ay alam niyang matanda na ang Illusion Weaving Arachnid at marami na itong karanasan sa pagpatay ng biktima nito. Alam niyang ang demonic essence na naiwan nito sa mismong beast rings ay kailangan niya itong alisin o tunawin para magamit niya ito ng walang pag-aalinlangan. Gustuhin niya mang lisanin kaagad ang lugar na ito ngunit hindi maaari kung gusto niyang mabuhay pa siya at maangking buo ang beast ring ng Illusion Weaving Arachnid na orihinal na nagmamay-ari nito.

Itinuon ni Wong Ming ang sarili niya sa pagcucultivate at nagpatuloy sa pagpapawalang-bisa ng mga demonic essence ng Illusion Weaving Arachnid. Kailangan niya itong gawin upang hindi siya magkaproblema sa hinaharap dahil lang sa simpleng bagay na ito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin