Chapter 2.2

262 36 8
                                    


Huhhhhhhhhhhhh!

Isang malakas na sigaw ng lalaking nakahiga sa malaki at malambot na higaan nito habang makikitang hingal na hingal ito sa kaniyang pagkakatulog kanina.

Tila gising na gising ang diwa ng lalaking napakapamilyar na mukha sa loob ng Wong Family na kilalang-kilala ng lahat at ito ay walang iba kundi si Wong Bengwin.

Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa malawak na kisame ng may kalakihang kwartong kinaroroonan niya ngayon. Balisa, pag-aalala at pangamba ang gumuhit sa mukha nito nang bumalik na naman ang masamang bangungot ng nakaraan. Nakaraang tila ba gumuhit at humulma na sa puso't isipan ni Wong Bengwin dahil na rin sa mga di makakalimutang mga pangyayaring nagdulot ng takot sa puso ni Wong Bengwin.

Ang buhay niya sa kasalukuyan at buhay na inaasam niya ay dalawang magkaibang bagay. Hindi niya pinangarap ang mga bagay o pangyayari sa kasalukuyan at nailuklok siya sa napakataas na posisyon ng Wong Family bilang kasalukuyang Head Chief ng nasabing isa sa mga royal families.

Hindi niya nakakalimutan ang naganap noon. Noong wala pa siyang kapangyarihang ilagay sa kamay niya ang desisyon para sa sarili niya na hindi man lang nito nagawa ang mga bagay-bagay na gusto niyang mangyari.

Gustuhin man niyang ibalik ang panahon ngunit hindi na maaari pang mangyari. No one could handle the passage of time, how complicated it works and how could this world ages day after day.

Laman ng panaginip niya ang una at huling pagkakataon na nasilayan niya ang pinakamamahal niyang asawa na mula sa isang kakaibang lahi ng sinaunang tribo, ang White Thunder Tribe na sakop din ng Golden Crane City malapit sa borders ng nasabing lungsod. Isang uri ng tribong napakalakas na nakatira sa malawak na kagubatan ng Ash Fall Forest na kinatatakutan ng lahat na pasukin o galugarin dahil na rin sa banta ng mga iba't-ibang tribong nakatira dito at idagdag pa ang napakaraming mga malalakas na mga magical beasts na gumagala sa nasabing malawak na kagubatang ito.

The said tribe doesn't practice any unwanted cultivation teachings, spells and other demonic rituals lalo na at kilala ang lahi ng mga ito na nakasentro ang kanilang isip o diwa sa divination. Unlike sa iba na liko ang lakad ng ginagawa ng mga ito to provide those future predictions.

Isang uri ng panghuhula sa pamamagitan ng kapalaran na maaaring sapitin ng sinuman sa hinaharap. Through their ardous training and practices, they can see the future and predict future events without it happening in the present.

Isa ang pag-eensayo na gamit ng Divination ang kinatatakutan ng lahat sa White Thunder Tribe  dahil mismong ang elementong pinag-aaralan nila ay ang elemento ng kidlat (thunder element).

Though constant training and practices ay unti-unting magkakaroon ng ideya at magiging immune ang mga practitioners ng nasabing tribo sa pagtama ng mga ordinaryong kidlat.

Masasabi ni Wong Bengwin na ito ang isa sa mga bagay na higit na tinutulan ng ama niya maging ng lahat ng opisyales ng Wong Family. Ang mga tribo at mga Royal Families maging ang mga ordinaryong mga angkan ay may mga kaniya-kaniyang mga paniniwala at mga batas na naayon sa kanilang nakaugalian. There's a boundary and limits to those group of individuals para mapanatili nilang matatag ang kani-kanilang mga lupaing kinabibilangan. A tribe lives in those forest, ordinary clans lives with simple life in a simple lands while Royal Families and Clans are living luxurious and best cultivation places with bright future waiting for them.

Sa madaling salita bawal umibig at magkaroon ng malalim na ugnayan ang dalawang nilalang sa magkaibang lahi o kinabibilangan lalo na at naniniwala ang mga nilalang sa Golden Crane City na hindi ito maaari.

Natawa na lamang ng pagak si Ginoong Wong Bingwen habang sinasariwa ang nangyari sa nakalipas na nakaraan.

Kamusta na kaya siya? Ano'ng na ang naganap sa tribong kinabibilangan nito? Okay lang ba siya? Maraming mga tanong sa kaniyang sariling isipan ang tila lumalaro sa kaniyang imahinasyon. Masasabi niyang matagal na nang muli niya nasilayan ang nag-iisang babaeng minahal niya. Abot kamay niya lamang ito ngunit tila napakalayo.

Bigla na lamang nalungkot ang mukha ni Wong Bingwen nang maisip niya ang nakakatakot o nakakapanghilakbot na pangyayari noong nagharap ang mga opisyales ng Wong Family sa mga matataas na pamunuan ng White Thunder Tribe.

There is something that is really frightening event at iyon ay ang muntikan ng magkagulo ang dalawang panig mabuti na lamang at pumagitna siya.

Ngunit dahil din sa pangyayaring iyon ay nagwakas ang lahat ng namamagitan sa kanila ng babaeng kaniyang iniirog. Kahit pagsambit ng pangalan nito ay hirap siyang sabihin.

Masakit.

Sobrang sakit.

Napakasakit isiping hindi sila maaaring magtagpong muli dahil hindi na ito maaaring makalabas sa kanilang tribo o tumapak pa sa labas ng Ash Fall Forest.

Hirap ang puso't isipan niyang hindi isipin ang mga panahong nasayang sa kanilang dalawa na pilit hinahadlangan ng kanilang pamilya at ng tribong kinabibilangan ng minamahal niyang babaeng nagmula sa White Thunder Tribe.

Paano kaya kung naging sila at hindi sila hinadlangang magsama o mag-isang dibdib ng iniirog niya? Malamang ngayon ay malaki na ang pamilyang meron siya at may mga anak na silang marami.

Naisip niyang magpamilya ngunit kahit ano'ng gawin niya ay hindi pa rin mawawala sa puso't isipan niya ang pangako nila sa isa't-isa. Na sila lang ang dapat magsasama hanggang sa huli.

Pero dahil sa nalalapit niya ng pagtuntong sa edad na apatnapo ay sigurado siyang hindi na magpapapigil ang mga opisyales ng Wong Family na hindi pa siya magkakaanak ng sarili niya mismo dahil mawawalan siya ng karapatang mapanatili ang kaniyang sariling pwesto.

Hindi pa niya nasasabi kay Wong Ming ang patungkol rito na alam niyang ikababahala ng loob ng batang naging anak-anakan niya sa apat na taong ito.

Mas lalong mag-aalburuto ito sa galit kapag nalaman niyang mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya dahil sa kapabayaan nito na hindi pa ito nag-aasawa. Ayaw niyang mangyari iyon dahil mahirap pa naman ito magtampo na siyang hindi niya gugustuhing maganap pa.

Lumalaki na si Wong Ming at binata na ito kung ituring kaya nga mayroon na rin itong karapatang magdesisyon sa sarili nito. Ayaw niyang maglihim pa ito sa kaniya dahil hindi niya gugustuhing mapalayo ang loob nito sa kaniya.

Malalim na napabuntong-hininga na lamang si Wong Bengwin dahil sa mga naiisip niyang mga bagay na maaaring magdulot ng hindi magandang sitwasyon sa hinaharap. He don't want to lose anyone in the future, kailangan niyang patunayan ang kakayahan at titulong meron siya para makuha ang mga bagay na ipinagkait ng panahon sa kaniya. Naniniwala siyang maaayos ang lahat ng bagay para sa kaniya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 8] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now