Chapter 8

565 42 5
                                    

"UH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"UH... WHAT are you wearing?" nagtatakang tanong sa akin ni Hernian ng makita ako nito palabas ng mansyon.

"None of your business," walang ganang sagot ko at nagpatuloy sa paglakad, dinaanan siya.

"Are you... going to the training ground?" tanong niya. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang sa aking paglakad papunta sa training ground. Kung hindi ako nagkakamali, ang training room ay na sa likod ng mansyon, kung kaya't hindi ako sa main door dumaan, kung hindi sa kusina kung saan ang backdoor na mas malapit sa training ground.

Mabuti na lang at hindi sumunod sa akin ang lalaking Hernian na iyon, kung hindi bubugbugin ko talaga ang lalaking iyon.

Walang tao ang kusina sa hindi ko alam kung ano ang dahilan. Pero mabuti na lamang iyon, sapagkat tuloy-tuloy ang aking pag-alis.

Masyadong maraming humahanga na kasambahay kay Helliana sa hindi malamang dahilan at sa tuwing makikita ng mga ito si Helliana na mag-isa ay kanilang lalapitan at kakausapin na may pagkasabik.

'Tch! I'm just thinking about it, but I am so annoyed,'

Pagkalabas ko ng mansyon ay nagtungo agad ako sa training ground na halos pitong minuto lamang ang lakad mula sa likod ng mansyon, at pinalilibutan pa ito ng mga puno.

"HA! ONE MORE TIME! STRONGER! MOVE FASTER! SWING HARDER!"

It's almost afternoon, so I thought no one is currently using the training ground because it's almost lunch time. Boy was I wrong.

The large training ground is packed with soldiers and trainees. Half naked, while holding a sword and swinging it from left to side.

"Tch! Why are they even here? They are not that even good with the sword. Should I just tell them to leave immediately? Maybe I Should," naiinis na bulong ko sa sarili bago dumura at pumasok sa loob ng training ground.

"Get out," mahinahong pagpapaalis ko sa kanila.

Ang lahat naman ay napatigil sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin ng mayroong pagtataka sa mukha.

"Didn't you get what I just said?" tanong ko. Ngunit ni isa walang sumagot sa akin at nagkatinginan pa sa isa't isa.

'Anong problema ng mga ito?'

"Is that you, Lady Helliana?" nag-dadalawang isip na tanong ng isang kawal. Tinaasan ko naman ito ng kilay dahil sa kaniyang katanungan.

Anong klaseng tanong iyan? Huwag mong sabihin ngayon lang nila unang nakita si Hellianang pumasok sa training ground? Ay kung ganoon, gago pala si Helliana, kaya pala madali lang siyang namatay sa libro eh.

Gamit ang kapangyarihang apoy ni Helliana, ay bumuo ako ng isang latigo at hinampas ito sa hangin ng malakas.

"I don't really like repeating myself, you know. I want to train alone, so get out!" galit na lintaya ko sa kanila. Ang lahat naman ay nagkaroon ng gulat at takot na ekspresyon sa kanilang mga mukha at napa-atras pa ng hinampas ko ang latigong apoy sa kanilang harapan.

"You are not supposed to be here, My Lady. This place is for men only, training to be a knight for the Agonia Dukedome." Napatingin ako sa lalaking bigla nalamang nagsalita.

Mayroon itong kulay asul na mga buhok at pilak na mga matang kumikinang-kinang pa dahil sa sikat ng araw. Tsk. Kung makalakad feeling gwapo, anong problema ng isang ito?

"I don't need your comment, get the heck out of here. All of you," galit na lintaya ko sa kanila.

"You're just one of the owner of this house, but you are not our master. You cannot get us out of here knowing that today is one of our training days," madiin na sagot niya sa akin.

Anong meron sa kokute ng lalaking ito? Anong gusto niyang mangyari? Ako ang mag-a-adjust? Galing naman. Tiningnan ko ang mga kawal sa kaniyang likuran at ang lahat ng ito ay sumasang-ayon naman sa kaniyang sinabi.

I rolled my eyes and ready myself. You guys don't want to leave? Even though your masters daughter is ordering you?

"How dare you defy my words... peasants," galit na usal ko bago ko iwinasiwas ang latigong apoy ni Helliana at itinama ito sa katawan ng lalaking nagpasimuno ng katigasan ng ulo.

Hindi nila inaasahan ang aking ginawa kung kaya't hindi nagawang depensahan ng lalaki ang kaniyang sarili at napasinghap naman ang lahat.

Napaluhod sa sakit at lakas ng impakto ng latigong apoy ni Helliana sa kaniyang katawan. Mayroong dugo ang lumabas sa kaniyang balikat mula sa tama ng latigong apoy ni Helliana.

"I love your expression, it makes me wanna break you more," nakangising usal ko't dahan-dahang lumapit sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagtama ng latigong apoy ni Helliana sa kaniyang katawan. Ang unang tatlong hampas ay hindi niya naiwasan at napuno ng dugo ang kaniyang katawan.

Ngunit ng tumigil ako saglit ay bigla nalamang nagliwanag ang kaniyang katawan at mayroong isang kulay asul na enerhiya ang pumalibot sa kaniya.

"Im not even surprised that you peasant, can use magic. If you don't, you're better off in the garbage then," natatawang komento ko matapos nitong tumayo. Mayroon pa ring dugo at sugat ang katawan ng lalaking ito, ngunit pinalilibutan na ang kaniyang katawan ng enerhiya, tila ba ginawa niya itong isang baluting panangga sa aking latigong apoy.

"You're good, My Lady, but you need to leave. You are disturbing our training," He said and scoffed. He took out his sword from nowhere and pointed it at me.

"Make me," lintaya ko bago ko siyang mabilis na sinugod at tinama-tama ang latigong-apoy ni Helliana sa kaniyang katawan. Ngunit wala na itong talab. Ng makalapit na ako sa kaniya ay mabilis kong pinalitan ang latigong apoy ng isang espadang apoy at itutusok na sana sa kaniyang puso ng kaniya itong masalang.

Bumuo ulit ako ng espadang apoy ng hindi napapansin ng lalaking ito sapagkat pinipilit ko paring itusok ang kasalukuyang espadang apoy na na sa kanang kamay na kaniya namang pinipigilan. Gamit ang bagong gawang espadang apoy na na sa aking kaliwang kamay, ay hiniwa ko ito sa kaniyang baluting enerhiya at tumagos naman sa kaniyang katawan na naging dahilan ng kaniyang pag-sigaw dahil sa sakit.

Dahil dito, mabilis kong hiniwa ang kaniyang kanilang gilid bago siya nahiga sa lupa, walang malay.

"Gosh that was so fun! Who wants to go next?" Masaya at nasasabik na lintaya ko habang nakatingin sa nakahiga at duguang lalaking sumuway sa akin kanina bago tumingin sa mga kawal na ngayon ay mayroong gulat at takot sa kanilang mga mukha.

Your True Villainess Has Arrived (ON HIATUS)Where stories live. Discover now