Chapter 6

614 50 3
                                    

"HINDI KA pa ba tapos, Henrian?" walang ganang tanong ko kay Henrian na kasalukuyang sinasagutan ang aking assignment sa politics and tactics

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"HINDI KA pa ba tapos, Henrian?" walang ganang tanong ko kay Henrian na kasalukuyang sinasagutan ang aking assignment sa politics and tactics.

Binigyan niya ako ng isang nakakamatay na tingin bago ibinalik ang atensyon sa papel na sinasagutan, hindi man lang ako sinagot. Inismiran ko na lamang ito at ibinaling ang tingin kay Michael na kasalukuyang gumagawa ng isang imbensyon para sa aking Blacksmithing class.

"What are you taking so long, Michael?" naiinis na tanong ko kay Michael na tutok na tutok sa kaniyang ginagawa. Mabilis naman itong tumingin sa akin at gaya kay Henrian, binigyan ako nito ng isang nakakamatay na tingin.

"DO YOU THINK THIS IS EASY, SISTER!? THEN FOR YOUR INFORMATION, IT'S NOT!" malakas na sigaw niya sa akin bago ibinalik ang atensyon sa kaniyang ginagawa.

Ang sungit naman ng mga ito. Nagtatanong lang ako eh. Halos isang oras na nilang ginagawa iyan, hanggang ngayon hindi pa natatapos. Marami pa akong assignments.

"Oh my Sister! I did it! I finished it!" Lahat kami ay napatingin sa kakarating lang na si Merilia na tumatalon-talon pa sa sobrang saya habang may dala-dalang isang botelya na naglalaman ng isang likido.

"Why. I'll be getting an A+ for my potion class for sure. Thank you, Merilia," masayang pagpapasalamat ko at kinuha ang potion na kaniyang ginawa at itinago ito. Mamaya ko nalang ito titingnan sa loob ng kuwarto ni Helliana.

Bibigyan ko na sana ng bagong sasagutan niya ng assignment ko si Merilia ng biglang dumating si Durad kung kaya't hindi ko magawa. Tinaasan ko siya ng kilay, tinatanong kong ano ang kailangan nito.

"You have a guest, My Lady," usal niya. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Someone is here for Helliana? And who might that be? I didn't recall anything about someone visiting her.

‘Oh, the real plot of the story hasn't started yet, that's why it feels so unfamiliar,’

"Tell them I'm busy," walang ganang sagot ko sa kaniya. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng assignment ko na puwedeng ipasagot kay Merilia.

"It's Lord Caddys, My Lady," lintaya ni Durad na siyang kumuha ng aking atensyon, maging ang atensyon ng mga kapatid ni Helliana. Hinarap ko si Durad at ngumisi ng malaki habang pinagkrus ang mga braso.

"That bastard is here?" nakangising tanong ko ngunit na-iinis na. May gana pa talagang pumunta ang lalaki na iyon sa pamamahay ni Helliana? Wala talagang hiya.

"Where is he?" muling tanong ko kay Durad.

"He's in the drawing room, My Lady," sagot nito. Tumango ako sa kaniyang sinabi. Binigyan ko ng seryosong tingin sina Henrian at Michael bago ako dahan-dahang naglakad papasok sa loob.

"Finish that assignment before I return, okay? Or else you'll die," pagbabanta ko sa kanila at ipinakita pa ang ang aking kamay na umaapoy. Hindi naman ako pinansin ng dalawa at ibinalik ang tingin sa kanilang ginagawa.

"Watch them for me will you, Merilia?" nakangiting pakiki-usap ko kay Merilia na malaki ang ngiting tinanguan niya. Kumaway ako sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob ng mansyon.

Mabilis akong nagtungo sa drawing room kung saan pinaghihintay ang mga bisita. Malakas kong binuksan ang pinto at nakitang nakatayo si Caddys at mayroong gulat na ekspresyon.

"What a pleasant surprise! What are you doing here?" malakas na tanong ko at mayroong malaking ngiti sa labi. Mayroon pa rin itong gulat na ekspresyon habang nakatingin sa nakahigang sirang pinto dahil sa malakas kong pagbukas.

"Are you deaf now?" tanong ko. Tumingin naman ito sa akin, mayroong gustong sabihin ngunit hindi masabi dahil sa pagkagulat.

"Wh-Why did you do that?" tanong niya habang nakaturo sa nakahigang sirang pinto.

"And why do you care?" tanong ko sa kaniya pabalik. Gusto kong tumawa ng malakas sapagkat ang kaniyang ekspresyon ay nakakatawa. Akala ko seryosong tao itong si Caddys? Mali ba ang pagkakabasa ko sa paglalarawan ng Author sa kaniya?

"I'm your bestfriend! of course I care. What if you get hurt?" sagot niya at napalakas pa ang boses. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at mukhang aware naman siya sa kaniyang inasta.

Muli siyang tumikhim bago inayos ang kaniyang kasuotan.

"Anyway, are you okay? You left the academy without saying a word," tanong niya.

"Hindi pa ba malinaw sa'yo ang sinabi ko? Gusto mo bang masaktan ulit ha!?" galit na tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang kailangan ng lalaking ito sa kay Helliana. Hindi niya naman kasi talaga gusto si Helliana eh, dapat nga maging masaya ang gagong ito gayong aki na mismo ang pumutol sa aming koneksyon.

"Why are being like this to me? Are you mad that I didn't help you last time?" naiinis na tanong niya. Siya pa talaga ang may ganang mainis?

"Tsk. Good to hear that you know," naiinis na bulong ko at pinagkrus ang mga braso.

"Aish. I was also scared okay? I was thinking of a plan to help you without hurting anyone. I was about to notify the teachers when you suddenly... hit Justin," pagdadahilan niya.

"AHAHAHAAHAHAAHA!!" malakas na tawa ko. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa kaniyang sinabing dahilan. That's the most dumbest thing I ever heard!

"Gago ka! AHAAAHA! Hindi ko alam na gusto mo pala maging komedyante, Lord Huntrev," natatawang lintaya ko habang nakahawak sa aking tiyan at pinunasan ang mga tumakas na luha.

"What's so funny, Helliana?" nagtatakang tanong nito. Hindi ko agad siya sinagot at tinapos muna ang aking pagtawa bago tumayo ng matuwid at maayos sa kaniyang harapan.

"What's funny, you asked? Then let me tell you, Mr. Huntrev," seryosong lintaya ko habang dahan-dahang naglakad papunta sa kaniya.

"Your words just are funny. Your face is funny. And your whole existence is funny, why don't you stop breathing. Hmm?" seryosong sagot ko. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig at mukhang gulat na gulat talaga.

"I don't like you, Lord Huntrev, and I will never like you. If you're truly a friend of mine, my bestfriend. Then you would've helped me immediately in that situation without hesitation. But you didn't. I don't want a friend like you, a trash," galit na lintaya a ko habang nakaturo sa kaniya.

‘Most of them are a lie. But one thing is the truth, I don't fucking like this bastard, and Helliana is better off alone than being with this bitch,’

"If you don't want to die right here, right now, then leave. Wait for me at the academy, you'll be facing Satan himself," muling usal ko sa galit pa rin na boses bago tumalikod at nagtungo sa labas.

"Make sure to fix the door, Durad. Also, sanitize the whole drawing room. We don't want it to stink," malamig na utos ko kay Durad na na sa labas lang ng pintuan, naghihintay sa akin.

Your True Villainess Has Arrived (ON HIATUS)Where stories live. Discover now