KABANATA DALAWAMPU'T LIMA

548 33 26
                                    

"Ayos lang ba si Keith diyan? Baka naman pinagagalitan mo lagi?" pangangamusta ni Shane mula sa telepono, "Si Aro? Naalagaan ba nang mabuti ng hinire mong nurse, aber?"

Umismid si Kane sa dami ng mga katanungan nito sabay angil, "hindi ko gusto 'yang tono ng pananalita mo, Shane."

Kahit ilang lungsod pa ang pagitan nila sa isa't isa, natitiyak ni Kane na nakangisi lamang ito. Ilang araw na lamang ay babalik nang muli sina Shane at Jake, mula sa isang misyon.

"Ayos lang si Keith," napatigil siya sa pagtugon nang lingunin siya ng nasabing binata na kasalukuyang pinapakain ang mga alagaing bibe nito, "Maayos si Aro. Bubuhayin ko ang anak ko nang normal."

"Mabuti kung ganon. Tandaan mong nakasuporta kami sa'yo, kay Aro." Kampante ang kalooban ni Kane na tutulungan siya ng mag nobyong, Shane, at Jake. Masasabing magkakapatid na ang turingan ng mga ito sapagkat halos sabay sabay din silang nagkamuwang sa mundo.

Muli niyang narinig na nagsalita si Shane. "Ano palang gagawin namin ni Jake sa mokong na 'to? Sigurado ako, bigatin 'tong isa na 'to. Tag isang milyon ba naman ang ibabayad sa'min."

"Itakas niyo," maikling tugon ni Kane, "Mauuna na ako. May kikitain pa ako."

Matapos ibaba ang telepono, ay bahagya siyang napalingon kay Keith. Hinahabol habol nito ang mga munting bibe na patuloy naman sa pagtakbo. Katulad ng laging ginagawa ng pagtitig niya rito, may kung anong nagpapa angat sa dalawang dulo ng kanyang mga labi.

"Magiging ayos din ang lahat, Kane. N-Narito lang ako."

Muli niyang naalala ang mga salitang binitawan nito, tila ba nangangako. 'Hanggang kailan?' Napailing siya sa sariling katanungan, at sandali pang pinanood ang binata. Ito naman ang hinahabol habol ng munting mga bibe. Hindi siguro niya maiintindihan ang purong kainosentehan ni Keith, gayong halos pareho silang namulat sa mundo ng karahasan.

"Keith," kaagad na nagtama ang mga paningin nila, mabilis pa sa inaasahan ni Kane dahil hindi naman niya intensyon ang tawagin ito. Tila aksidente lamang ang pagbanggit niya ng pangalan nito.

Gayon pa man, nakalapit na ito sa kanya, at kasalukuyan na siyang tinitingala. Magkasalubong ang dalawa nitong mga kilay, habang ang mga mata nito ay tila nangungusap.

"Aalis muna ako," aniya, at bago pa ito makapagsalita, muli siyang nagsalita, "hindi ka pwedeng sumama. Bantayan mo si Aro."

Mabilis na nawala ang simangot sa mukha ni Keith nang marinig ang pangalan ng bata. Masaya itong tumango, at hinawi pataas ang humaharang na buhok sa kanyang noo.

"Babalik ako pasapit ng ala-sais. Bibili na lang ako ng gabinan na'tin sa labas. 'Wag ka nang magluto," pagbilin ni Kane sa binata bago niya isuksok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang itim na pantalon.

Simpleng 'okay' lamang ang tugon sa kanya ni Keith na kanyang ipinagtaka. Walang ano man, at nauna pa ito sa kanya sa paglisan na mas lalo niya pang ipinagtaka.

"Hindi niya ba tatanungin kung saan ako pupunta?" tanong niya sa hangin nang may halatang dismaya.

Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito, at naisip na mabuti na rin iyon dahil wala naman siyang balak ipaalam ang lokasyong tutunguhin niya. Lalo pa ang impormasyon ng taong kikitain niya.

--__--

Katulad ng kasunduan ng nila, kasalukuyang naghihintay si Kane sa ilalim ng isang matangkad na puno ng mangga. Taimtim siyang nagmamasid sa kanyang paligid habang nakaupo sa itim niyang motorsiklo.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon