KABANATA PITO

868 88 10
                                    

Third Person's POV


“Mama, paglaki ko po, gusto ko maging Chef!” Masiglang wika ng pitong taong gulang na si Keith. Unan-unan nito ang binti ng kanyang Mama habang nakahiga sa kalambutan ng mga berdeng damo.

Bago pa sumagot ang kanyang Mama, narinig na niyang tumawa ang kanyang Kuya na nasa kabilang binti ng kanyang Mama nakaunan. “Paano ka magiging Chef, eh hindi mo nga abot yung Kalan natin sa bahay. HAHAHAHAH.” Malakas na pang-aasar nito sa kanya. Labing apat na taong gulang pa lamang ito.


Nakaramdam si Keith ng pagkahiya at pagkainis sa kanyang Kuya, kahit na totoo naman ang sinabi nito. Paglaki ko nga, eh! Mama si Kuya, oh!” Paghingi niya ng saklolo sa kanyang mama na siya namang tawa nang tawa sa kanilang dalawa.

“Ikaw talaga Sebastian. Edi bubuhatin nalang natin si Bunso, o kaya bibili tayo ng hagdan.” Dagdag na pang-aasar naman ng kanyang Mama, sabay apir sa Kuya niya.

Hindi niya mapigilang sumimangot at tumayo habang nakakuyom ang kamao. “Papa! Sina Mama, oh!” Pagtawag naman niya sa kanyang Papa na namimingwit ng mga isda, kalahating metro lamang mula sa kanila.

Nang mapansin niyang hindi siya narinig nito, at tuloy naman ang pagtawa sa kanya ng dalawa, napasinghal siya at kaagad na kinuha ang malambot niyang unan.

Kaagad siyang tumakbo papunta sa kanyang Kuya. Buong lakas niyang pinukol ang ulo nito gamit ang mahiwaga niyang unan. Mas lalo lamang siyang nairita nang marinig niya itong patuloy na tumatawa.

“Papa! Si Kuya, oh! Mukhang unggoy naman!” Inis na pang-aasar niya, ngunit mas lalo lamang siya nitong tinawanan.

Hinayaan na lamang sila ng kanilang Mama, at napagpasyahang puntahan ang kanyang asawa. Napailing ito sa pag-aasaran ng dalawa niyang supling bago tinungo ang Papa ng mga ito.

Marahan niyang ipinasada ang dalawa niyang malalambot na kamay, at ipinalibot ang mga braso niya mula sa likod nito. Kaagad naman niyang nalanghap ang mabangong amoy ng asawa. Lumalaki na ang mga anak natin, Mahal. Tignan mo si bunso, asar na asar sa Kuya niyang manang-mana sa'yo.”

Napailing naman ang ito, at mahinang tumawa. “Malay ko bang sa'yo magmamana si Bunso. Para na tuloy tayong may prinsesa sa bahay.” Anito habang may ngiti sa mga labi.

Alagaan mo ang mga anak ko, Joseph, ah.” Nagbabantang ani niya. Inabot ng isang minuto bago tumango ang asawa nito.

ILALIMWhere stories live. Discover now