KABANATA ISA

2.5K 102 17
                                    

Third Person's POV

Ramdam ang makapal na tensyon ng hangin sa loob ng isang malaking hukuman. Naroon nakikinig nang mabuti ang isang matandang lalaking tila tinitingala ng mga tao sa loob dahil sa katayuan nito bilang hukom. Buong diwa't pandinig nito ay nakasentro sa naatasang magsalaysay ng pangyayaring hindi inaasahan. Isinandal nito ang kanyang likod sa kalapadan ng kahoy na upuan, dahilan upang magusot ang kanyang mahabang itim na uniporme. At doon, ay huminga ito nang may kalaliman.

Ang nangunguwestiyong mga mata ng matandang lalaki ay marahang dumapo sa isang binatang tila nawalan ng kakayahang mag salita. Kung tititigan, ay mapapansin ang pagkatulala ng tsokolate nitong mga mata. Hindi maiwaksi ng matanda ang mga bakas ng krimeng ginawa ng binata, limang araw lamang ang nakalipas.

Hindi makapaniwala ang matanda sa nagawa ng binata dahil sa napaka amo nitong mukha, isama mo na ang kaliitan ng katawan ng nito, ngunit ang mga ebidensyang kapapakita lang ng mga naatasang mag imbestiga, ay napaka tibay. Tiyak nga iyon, ay nagawa ng binata.

Nalalapit na ang pagtatapos ng pakikinig sa mga testamento kaya naman ibinalik ng matanda ang atensyon sa kagalang galang na imbestigador nag sasalita upang mahatulan nito nang tama ang kriminal na binata.

At hanggang dumating na nga ang oras na hinihintay ng lahat. Kasabay ng pag tikom ng bibig ng imbestigador, kumuha ang isang abogado ng papel na nasa ibabaw ng lamesang kahoy. Binalingan niya ito ng isang tingin bago siya huminga ng malalim.

Isang minutong katahimikan ang bumalot sa silid, bago kinuha ng matandang lalaki ang malyete, at ipinukpok nito nang mahina, ngunit ang tunog na nilabas nito ay sakto lang upang mapukaw ang atensyon ng mga tao.

Hindi nito napigilang tumayo at balingan ng tingin ang binata, bago ito sumenyas sa akusado. At nang matanggap nito ang senyas, tumayo at tumikhim ito bago naglakad papunta sa harapan ng husgado. Nag abot ito ng isang papel sa matanda, at itinango ang ulo.

Ang akusado ay naglakad muli papunta sa kanan at hinarap ang mga taong nag hihintay. "Tumayo ang nasasakdal." Aniya ng akusado, gamit ang baritonong boses nito.

Nasaksihan ng nakararami kung paano tumayo ang binata, kapansin-pansin ang pangangatog nito, kasabay ng mga luhang nag babantang bumuhos mula sa mga pagod nitong mata. Tanging pagkasuklam lamang ang makikita sa mga mata ng tao, tila ba diring-diri sa binata.

"Ikaw, Keith Sebastian, labing walong taong gulang, ay napatunayang may sala. Walang awang pag paslang sa sariling nakatatandang kapatid, sa pamamagitan ng pag saksak sa leeg." Tila ba napaka sama ng panahon at bumuhos na nga ang mga luha ng binata, kasunod ng paghagulgol nito.

Ang mga napaka sakit pakinggang tunog, ay para bang musika sa tainga ng mga tao. "Ikaw ay kakasuhan ng murder at paglabag sa Republic Act 9165. At ikaw ay hahatulan ng pang-habang buhay na pagkaka-kulong."

Ang pagtigil ng akusado, ay siya namang pagpalo ng tagahatol ng malyete nito. Ang matanda ay nag salita. "Dito natatapos ang paghuhukom. Nawa ay natanggap ng mga nawalan ang hustisya. Maari niyo nang lisanin ang aking silid." Pagtatapos ng matandang lalaki bago ito tumayo at tuluyang lisanin ang silid.

Ang silid na napupuno ng mga nakaka kilabot na iyak ng binata. Kitang kita ang kaliitan nito, lalo na nang bumalik ito sa upuan at yinakap ang mga tuhod. Nanliliit, nagsisisi, at nag susumamo sa mga nakapalid nito. Tila ba hindi na ito maka hinga nang maayos.

Noong nakaraang limang araw ay isa pa lamang siyang malayang mag aaral. Sumasalungat sa itsura nito ngayon. Nakabalot sa kahel na damit at pantalon, Nakaposas sa mga bakal na kailan man ay hindi niya ginawang takasan.

Hindi pa natatapos ang pag hagugol ng binata, ngunit itinayo na ito ng dalawang naglalakihang police, hawak hawak ang mga braso nito at sinosoportahan ang mga binting tila ba nawalan na ng gana bumalanse.

Nag ilabas ito ng dalawang police, tila nabulag ang mga mata ng binata sa sobrang tingkad ng sikat ng araw, parang hinuhukay ang pagkatao nito. Ngunit iyon ay wala lang sa binata. Ang hindi niya inaasahang makita, ay ang mga nag aabang sakanya sa labas.

Nakatanggap ang binata ng masasamang salita, panunumpa at pag dura. Mas lalo siyang nakaramdam ng panliliit, hanggang sa makarating ito sa loob ng police mobile. Doon nalang nakita ng mga police ang dugong tumutulo mula sa ulo ng binata. Mula sa batong hinagis ng bata.

Huli na nang makita ng dalawang police na walang malay ang binata.

AUTHOR'S NOTE:

Patawarin nawa at wala po akong ka alam alam sa korte. Sana hindi kayo masuka sa aking tagalog.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon