KABANATA LABING TATLO

619 63 23
                                    

“Kane?” Nasa sangkapat na bahagi pa lamang ang nalalakad nilang dalawa, at hindi na nakayanan pa ni Keith na manahimik

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kane?Nasa sangkapat na bahagi pa lamang ang nalalakad nilang dalawa, at hindi na nakayanan pa ni Keith na manahimik. Bukod sa natatakot siya sa mga presong nakakulong sa gilid ng dinadaanan ng mga paa nila, nabibingi na din siya sa normal na katahimikan ni Kane.

Nang marinig niyang humuni si Kane bilang responde, napagpasyahan niyang magtanong. M-may kapatid ka din ba? Aniya habang maingat na sinusundan ang mga yapak ni Kane. Kanina pa siya nasa likod nito, animoy nagtatago mula sa kung ano.

Walang pasabing tumigil si Kane sa paglalakad, dahilan para mauntog ang mukha ni Keith sa kanyang matigas na likod. Kaagad namang dumistansya si Keith, at inayos ang sarili. Hinimas-himas niya ang namula niyang ilong mula sa pagkakauntog. Mabilis siyang napayuko nang makitang nilingon siya ni Kane.

Iritado na naman ito, malamang.

Aso ka ba? Buryong tanong ni Kane. Nakakuyom pa ang noo nito habang nakatitig sa kanya.

Umiling na lamang siya bilang sagot. Hindi naman pala, eh. 'Wag kang lumakad riyan sa likod ko na parang tuta. Agad na tumango si Keith, at mabilis na umalis sa likuran nito.

Bahagya siyang lumakad papunta sa gilid ni Kane nang may tamang distansya. Napasimangot siya dahil sa init ng ulo nito. Gusto lang naman niyang magtanong, pero parang nakagawa na siya ng kasalanan dahil dito. Hindi na siya pa tumingala, at nagsimula nang maglakad. Nilaro-laro na lamang niya ang laylayan ng kanyang kahel na baro.

Meron. Bahagya siyang napahinto sa paglalaro sa kanyang baro nang marinig ang malalim na boses ni Kane.

Napalingon siya pataas, at nakitang buyrong-buryo pa din ang ekspresyon ni Kane. Hindi napigilan ni Keith na ngumiti nang matipid dahil sa sagot nito. “Ilan? Lakas loob niyang tanong, nananalangin na hindi ito maiirita sa kanya.

Kaswal na lumingon si Kane sa kanya, bago umiling. Tatlo. Tumango naman si Keith, at muling yumuko. Sa isip-isip niya, sigurado niyang masaya sila dahil sa bilang nilang magkakapatid.

Maya-maya pa ay muling nagsalita si Kane. 'Yong Pulis na kayakap mo noong nakaraang linggo... Lalo pang lumalim ang boses ni Kane nang maalala, nasaktuhan pang tumango si Keith na para bang walang.

Hmm. Adrian daw pangalan niya, Kane. Sagot pa ni Keith, na ikina-igting ng mga panga ni Kane. Tiyak na napakatibay ng mga ngipin ni Kane, at hindi nabasag dahil sa gigil niya.

Wala namang kaalam-alam si Keith na nagmimistulang galit na toro na ito. “'Yung tukmol na 'yon, kapatid ko.” Usal ni Kane na ikinalingon ni Keith dahil sa gulat.

“Woah, ang astig... Si K-kuya din, gusto niya magpulis...” Mahinang ani ni Keith habang tinitingala si Kane. Nanlalaki ang tsokolateng mga mata niya dahil sa paghanga, kahit na kumikirot ang kanyang puso dahil sa alaala ng Kuya Brandon niya.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon