KABANATA DALAWAMPU'T TATLO

400 29 11
                                    

“Keith! Matagal ka pa ba diyan? Jusko kang bata ka, ano bang nangyayari sa'yo? Puputok na tong panubigan ko, oh!” iyon ang pabirong bulyaw ni Shane habang kinakatok ang pintuan ng palikuran.

Narinig niyang tumawa ang binata sa loob, at tumugon ito. Sandali lang, Shane! Kasi n-naiihi pa din ako!”

“Waw, grabi naman 'yang panubigan mo, Keith! Kaya siguro naubos iyong tubig ng mga itik, ininom mo pa ata!” saad ni Shane sabay bulalas ng tawa.

Maya maya pa, ay bumukas na ang pinto, at inuluwa ang namumulang si Keith. Kapansin pansin rin ang mga marka ng basa, gawa ng pagpunas ng mga kamay niya. Halatang nagmadali nga ito sa kung ano mang inatupag niya roon.

“Oh, bakit parang hingal na hingal ka, Keith?” Nagtatakang tanong sa kanya ni Shane.

Lalo pang namula ang mukha ni Keith, at nagsalita. “W-wala. M-mainit kasi sa banyo,” aniya, bago dahan dahang pumanhik papalabas ng kwartong iyon.

Naiwang nakatulala si Shane, nag iisip. “Mainit raw, eh naka aircon naman lahat ng kwarto dito,” pagtataka niya, at tinungo na ang banyo.

——__——

Sa ikalawang palapag, ay matatagpuang naglalakad si Keith. Nakayuko, nakapuyos ang kanang kamay sa laylayin ng baro niya, habang ang kaliwang kamay ay kinakamot ang batok niya. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang tinatahak ang palapag.

Kapansinpansin pa din ang pagkahiya sa kanyang mukha, inaalala ang senaryo kani-kanina lamang. Hindi niya mabitawan ang laylayan ng baro niya dahil sa tingin niya, ay makikita ng kahit sino ang itinatago niya sa loob ng kanyang pajamas. Ngayon lamang siya nahirapan sa pagpapakalma ng sarili niya.

Katatapos lamang nilang mag umagahan, hindi man sila kumpleto kanina, sapat na iyon para matuwa siya. Pag gising niya, ay hindi niya nasilayan si Kane, tulad ng karaniwang mga umaga tuwing nagigising siya. Ang sabi sa kanya ni Shane, ay wala raw si Kane dahil may mahalagang pinuntahan, at ganon rin si Hannah na nagpapahinga naman raw.

Iyon ang kinasisimangot niya tuwing naaalala, ngunit hindi niya mapuna. Malinaw na bago lamang ang mga bagay na bumabagabag sa kanya, kaya naman nitong mga nakalipas na araw, ay pabago bago ang emosyong namumutawi sa kanya. Gusto niyang makita si Kane, ngunit hindi niya ito matyempuhan. Noong nakaraang araw, ay nakita niya itong nagbibihis, ngunit pinalabas rin siya nito kaagad.

Napatigil siya sa paglalakad nang maalala iyon, at sunod na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi naman sa nagrereklamo siya, ngunit karaniwan namang nakikita niya si Kane na nagbibihis, at ni minsan, ay hindi siya nito pinalabas. Bigla na lang sumagi sa isip niya ang kamuntikang mangyari sa kanila, at dumagsa na naman ang samo't saring emosyon sa kanya.

Nag init ang mga tainga at kalamnan niya, tila binabagabag na naman siya ng mga paro-paro. Sumabay ang pagkahiya sa kanyang mukha nang mapagtanto niyang kamuntikan niya nang mahawakan ang naghuhuminding na sawa ni Kane. Kasama na din ang pagka inis sa sarili dahil alam niyang mali ang kung ano mang namamagitan sa kanila, lalo na't alam niyang nakatali na si Kane kay Hannah. Isa pa, magkakaroon na sila ng anak.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya. “Kuya...” Bigla na lamang lumabas sa kanyang bibig, at nagdulot iyon ng pagkirot sa kanyang dibdib. Bahagya siyang umigkas, at hinipo ang parte ng kanyang dibdib parang nilulukot.

Sumisibol pa lamang ang paghikbi niya nang mayroon siyang mabanggang parang ding ding sa kanyang likod. Gayon pa man, ay alam niyang isa iyong tao kaya naman napabalikwas siya ng pag ikot, at agad siyang umatras upang humingi ng tawad sa kanyang nabunggo.

ILALIMWhere stories live. Discover now