KABANATA DALAWAMPU'T APAT

428 28 15
                                    

“Matulog ka na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Matulog ka na. Masyado nang malalim ang gabi.” Kasalukuyang tinutungo nila Kane at Keith ang palapag kung saan naroon ang kanilang kuwarto.

Bahagyang nagsalubong ang makakapal na mga kilay ni Kane nang tila hindi siya narinig nito, at napahinto. Dahil doon ay nauntog ang binatang bumubuntot sa kanyang likod.

“Hindi mo ka ba nakikinig? Magpahinga ka—”

“K-Kane, ayaw ko,” tugon ni Keith, rinig ang pag aalangan sa boses nito.

Kunot noong humarap si Kane, at pinanlisikan ito ng maiitim niyang mga mata. Gayon pa man, agad na nawala ang namuong pagkairita nang makita niya ang pagkatakot sa antok nitong mga mata.

“At bakit naman?” pilit na isinuksok ni Kane ang kamay niya sa kanyang bulsa, pinipigilan ang sariling kagustuhan na hagkan ang binata.

Kaagad niyang napansin ang menerismo nitong pagtingin sa kanyang mga paa, tanda ng pagkahiya nito.

“S-sasabay na lang ako sa'yo, Kane. Hindi pa naman ako inaantok,” tugon nitong ikinataas ng isang kilay ni Kane.

Maaga at matingkad pa ang araw noong nakauwi sila, at buong araw ay wala itong ginawa kundi bumuntot sa kanya. Tila ba binabantayan siya nito, at tiyak niyang hindi ito mawawala sa paningin niya. Alam niyang halos tatlong araw nang hinahanap ng binata ang presensya nila.

Sa lumipas na mga araw na iyon ay ginugol ni Kane ang pag aasikaso sa labi ng Hannah. Sinunod niya ang kagustuhan nitong maging abo kapag dumating ang panahong lisanin na ng buhay ang katawan niya. Tinupad niya iyon, maging ang hitsura ng pasong pinaglalagyan ng mga abo nito—mula sa kulay puti hanggang sa mga detalye nito.

Ginugol niya ang dalawang araw na iyon sa paniniguradong walang maiiwang bakas o talaan na nagpapatunay ng pagkawala ni Hannah. Kaya naman hindi maitanggi ni Kane na nangungulila na ang binata sa biglaang pagkawala ng lahat sa paligid niya.

Siguraduhin mo lang,” aniya na may diin, ngunit hindi niya nakuha ang inaasahang reaksyon mula rito.

Masayang tumango si Keith, at ngumiti. Kaagad na nawala ang namuong pangangamba na baka pag natulog siya ay muli itong umalis. Hindi siya kumportableng naiiwan mag isa, lalo na sa loob ng isang malaking gusali na tila na sila lamang ang mga nakatira.

Habang umiiling, muling tumalikod si Kane, at nagsimulang maglakad. Bago pa sila matapos kumain, ay balak na niyang magpakalasing—lunurin ang sarili sa alkohol dahil tiyak niyang hindi na naman siya patutulugin ng kanyang mga iniisip. Hindi na rin niya minasama ang pagbuntot sa kanya ni Keith dahil kahit papaano, ay napag tutuunan niya ito ng pansin.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon