KABANATA WALO

842 71 9
                                    

“Itaas mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Itaas mo.” Matipid na utos ni Kane, habang hinahanda ang mga maliliit na bulak, kasama ang mga pamahid na gagamitin para sa sugat niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa dulo ng kanyang kama, habang nakaupo naman si Kane sa sahig. 

Dahil naman sa tono ng pananalito nito, hindi na siya umangal pa at maingat niyang inangat ang kahel na baro na suot-suot niya. Hindi naman niya alam kung anong gagawin, kaya naman kinagat na lamang niya ang laylayan ng kanyang baro. Doon niya napansing nakatitig si Kane sa kanya.

Bigla siyang nakaramdam ng lamig sa nakita. Ngayon niya pa lamang siya nakakita ng ganong pamamaraan ng pagtingin. Halos takasan siya ng kaluluwa dahil sa takot. Hindi niya namamalayang humihigpit na ang pagkakakagat niya sa kanyang baro. Pilit niyang ibinaling ang tingin papunta sa kanyang paa.

Makalipas ang ilang segundo, narinig niyang suminghal ito, kaya naman hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Lalo na nang magsimula itong kumuha ng isang piraso ng bilog na bulak mula sa isang maliit na kahon.

Nagugutom ka ba?” Naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi sa biglaan nitong tanong.

Tumango na lamang siya dahil alam niyang rinig na rinig nito ang pagkalam ng kanyang sikmura. “Tsk. Sino ba namang hindi magugutom? Buong araw kang tulog.” Dagdag nito, at agad siyang nakaramdam ng hiya.

Habang nagpapagod sa mga gawain ang mga ito, natutulog lamang siya. Wala naman siyang alam na mangyayari yon, kaya naman hindi na siya sumagot pa. Kung hindi dahil sa barong kagat-kagat niya, kitang-kita ang pagsimangot nito.

Pagkatapos nito, 'wag ka munang matutulog. Baka hindi ka na magising.” Aniya na ikinalaki ng mga mata ni Keith.

“H-huh? K-kane—” Agad na nangilid ang mga luha nito sa kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

Bigla na lamang siyang napaungot sa sakit nang walang pasabing nagsimula ito sa pagdampi sa kanyang tiyan. Saktong-sakto pa ito sa malaking pasa roon. Mahigpit siyang napakagat sa kanyang baro, habang iniinda ang pagkirot ng kanyang sikmura. Hindi niya maiwasang mapakapit sa kaliwang braso nito.

“'Wag kang makulit.” Siyang kay tipid na ani nito. Napapikit na lamang siya sa utos nito.

Buong tatlong minuto niyang tiniis iyon, para lamang hindi siya nito pag-initan, o mairita dahil sa mahinang pag-iyak niya. Hindi naman ganon kadiin ang pagkakapahid ni Kane, ngunit malala ang natamo niyang suntok, at sumentro pa ito sa kanyang sikmura.

Bigla na lamang siyang nakaramdam ng kiliti nang maramdaman niya ang pag-ihip nito. Hindi niya naiwasang maalala ang yumao niyang Papa. Ganon rin ang gagawin nito sa kanyang sugat kung nabubuhay pa ito ngayon. Mabilis namang naputol ang pag-iisip niya nang muling magsalita ito.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon