KABANATA DALAWA

1.7K 82 38
                                    

Third Person's POV
[ 1 Buwan bago ang insidente ]




Ala-singko na ng hapon nang madampian ng kahel na sinag ng araw ang mga makikinis na balat ni Keith, dahilan upang maipikit niya ang kanyang mga tsokolateng mata. Suminghap siya ng sariwang hangin at nag isip-isip kung anong oras siya uuwi.

Naka upo at nagmumuni-muni siya sa ilalim ng puno ng narra, tanging pagsipol lamang ng hangin ang naririnig niya sa paligid, kaya naman napaka payapa ng kanyang mukha. Kinuha niya ang kanyang mga kamay mula sa bulsa, at ipinatong ito sa mga malalambot na damo.

Napaka payapa nga kung titignan. Walang problema at malayo sa bahay nila. Napa isip na lamang si Keith kung gusto niya nga bang umuwi pa o mag papakasasa nalang sa kapayapaan ng lugar na paborito niya. Akmang ngingiti na ang mga mapupula niyang labi nang pinigilan ito ng tunog ng cellphone.

Doon, binuksan niya ulit ang mga mata upang silipin ang cellphone niya. Napakunot-noo siya nang hindi tumigil ang pagtunog ng kanyang mumurahing cellphone, at saka ito kinuha mula sa itim na backpack niya. "Kuya..." Mahinang pagbulong nito.

Kahit man magtagal siya sa pagiisip, alam ni Keith na hindi puwedeng hindi niya ito sagutin, lalo na't wala siyang maayos na paalam bago siya umalis ng bahay. Hindi na siya nag isip, at sinagot niya na ito. Hinintay niya ang makamandag na boses ng kuya niya, ngunit napakunot-noo siya ng marinig ang tila masayang tinig nito.

"Keith! May good news ang kuya! Nasan ka ba? Uwi ka na, oh? Gusto ko ikaw unang makaalam nito!" Bakas sa mukha ni Keith ang pagkagulat. Alam niyang sila na lang dalawa ang magkasama, at siya na lang talaga ang mapag sabihan nito.

"Sige po, Kuya. Uuwi na po ako." Napalunok siya ng laway, tila parang may nagniningas na pagasa sa kanyang loob.

"Oh sige, mag ingat ka sa daan, ah? Mag luluto ako ng paborito mong ulam!" Nagulat si Keith sa sinabi ng nakatatandang kapatid dahil halos isang taon na itong hindi nagluluto.

Akmang tatanggi na sana si Keith nang marinig niyang ibinaba na ang tawag, kaya naman kaagad na siyang tumayo, at pinagpagan ang pang upo. Hindi sinasadyang salubungin niya ang sinag ng araw, dahilan upang mag ningning pa ang mga tsokolateng niyang mata.

Nagmamadaling isinukbit niya ang kanyang backpack sa likuran, atsaka tinungo ang luma niyang bisikleta. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o dapat ba siyang maniwala, dahil simula nang mawala ang kasintahan nito, tuluyan nang nagbago ang pagkatao nito.

Nabaon sa utang, nawalan ng trabaho, at ang pinaka malala ay nag umpisa itong humilig sa pag gamit ng mga masamang gamot. Ito ay nagbunga ng pang aabuso sa kanya. Simula sa panghihingi ng pera, hanggang sa umabot na ito sa pagiging pisikal, ang pinagmulan ng mga pasa niya sa katawan.

Umabot na sa puntong hindi na kaya ng kanyang katawan, ginusto na ni Keith na sumuko na lamang at hintayin ang kamatayan. Ngunit nang maalala niya ang dahilan kung bakit nagka ganon ang kuya niya, pinilit niyang intindihin na lamang ito. Sa kabilang banda, ay napaka mapagmahal ng kuya niya. Sadyang nawalan lang ng gana mabuhay.

Alam ni Keith na sa kabila ng lahat ng mga pang aabuso nito, ay nandoon pa rin ang mapagmahal niyang kuya. Kaya naman nang marinig niya ang sinabi nito, kani-kanina lamang, ay tila para bang may pag asang nagniningas sa kaloob-looban niya. Hindi niya maiwasang ngumiti sa naiisip.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon