KABANATA LABING DALAWA

652 67 6
                                    

“PAGBABAGO NG TADHANA.”

Nagsisimula nang pumagitna ang araw sa kalangitan, ngunit ang tsokolateng mga mata ni Keith, ay nakatulala pa rin. Animoy nahulog sa kawalan. Magtatanghalian na, ngunit umalingawngaw pa rin ang mga salitang binitawan ni Kane sa kanyang tainga.

Isasama ka namin. Literal.”

Hindi niya batid kung nagbibiro ba ito, ngunit sapat na ang katotohanang kahit kailan, ay hindi niya pa ito naririnig magbiro. Lalo pa nang makita niya ang seryosong mukha ni Shane.

Inaamin niyang may namumuong saya sa kanyang loob, ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag isip kung tama ba ang gagawin nila. Nila, kasama siya. Kasama na non ang pag asa na agad nagningas sa puso niya.

Hindi maiwasang pumalakpak ng mga tainga niya nang sandaling sambitin iyon ni Kane. Kay bilis niyang naisip ang kalambutan ng berdeng mga damo, at agad niyang naramdaman ang napaka sariwang simoy ng hangin mula sa labas ng selda.

Gayon pa man, hindi niya maiwasang timbangin ang posibilidad at ang katotohanan. Naisip niyang mararanasan nga niya ang payapang buhay sa labas, ngunit mas mabigat ang timbang ng pagkakasala niya.

Malinaw na naiipit siya sa sitwasyong kinakaharap niya ngayon. Ang kagustuhan ng puso niya, ay halatang sumasalungat sa naiiisip ng kanyang utak. Masyadong malaki ang kasalanang nagawa niya, lalo na kung papayag siya sa pagsama.

“Keith, usap tayo?” Mabilis na naglaho ang iniisip ni Keith nang marinig niyang magsalita si Shane.

Umupo ito sa tabi niya, kaya naman tumango na lamang siya, at hinarap ito. “A-ano, kase... Gusto mo bang sumama sa 'min? Baka kase napipilitan ka lang.” Mahinahong tanong ni Shane, at marahang tinapik ang likod ni Keith.

Kanina pa rin siya ginugulo ng tanong na ito. “S-saan ba tayo p-pupunta, Shane? Bakit niyo ko i-isasama?” Pabalik na tanong ni Keith. Malamang ay hindi niya pa rin ito lubos na naiintindihan.

Hindi rin naman alam ni Shane kung papaano ipapaliwanag ang plano nilang gawin sa inosenteng tulad ni Keith. Huminga muna siya nang malalim bago isinasalita ang nais malaman ni Keith. “Ganito kase 'yan, Keith. S-si Kane—K-kami, hindi kami mga kriminal...” Pagsisimula niya, na kaagad namang ikinakunot ng noo ni Keith. “S-sina Kane at Jake, kaya nila tayong t-tulungan makalabas dito nang walang nakakaalam.” Pagpapaliwanag niya.

Walang nagawa si Keith, kundi ang tumango, at yumuko dahil sa panliliit. “P-pero ako, Shane...K-kriminal a-ako. P-pano ako?” Pilit na tanong ni Keith, habang pinipigilan ang luhang nangingilid na sa kanyang mga mata.

Lubos na naawa si Shane sa narinig. Sinusubukan ko maniwala, Keith—Na kriminal ka. Pero, hindi ko nakikita sa'yo ang pagiging kriminal, eh. Sa tingin mo ba, kakaibiganin kita kung kriminal ang tingin ko sa'yo? Hindi pa namin alam ang totoong nangyari sa'yo, pero nakasisiguro kaming biktima ka lang rin ng bulok na sistema ng hustisya dito...”

Muling napatingin si Keith sa mukha ni Shane. Punong-puno ng sinseridad ang boses nito. Ngunit hindi non mabubura ang katotohanang napatay niya ang Kuya niya. Ngumiti na lamang siya nang mapait, at tumango. “S-shane, n-nakapatay a-ako, eh.” Hindi na napigilan ng mga luha ni Keith na tumulo. Masyadong masakit ang nararamdaman ng dibdib niya para matiis pa iyon, ngunit nanatili siyang nakangiti.

ILALIMOù les histoires vivent. Découvrez maintenant