KABANATA TATLO

1.3K 87 15
                                    

Third Person's POV
[Kasalukuyang panahon]

Pagkamulat pa lamang ng mga mata ni Keith, ay nakaramdam na siya ng pagkasuklam sa sarili. Hindi na niya ininda pa ang tumataas na tindi ng sakit sa kanyang sikmura, pati na ang pagkirot ng sariwa niyang sugat sa likod ng ulo, kung saan naka diin ito sa katigasan ng unan sa kulungan.

Doon na lamang napagtanto ni Keith na nasa kulungan na nga siya, nang maamoy niya ang kaibahan ng simoy ng hangin sa loob ng maliit na silid na ito. Hindi na ito katulad ng sariwang hanging naamoy niya, pitong araw lamang ang nakalipas.

Hindi niya mapigilang lumuha sa halo-halong nararamdaman. Gusto man niyang sabihing tama ang ginawa niya, hindi niya ma-itangging nakapatay pa rin siya. Hanggang sa nagsimula siyang kwestiyunin ang mga nagawa.

Kung hinayaan niya na lamang ang nakatatandang kapatid, siguro ay buhay pa ito hanggang ngayon, at siya nama'y nakakapag aral pa rin. Ngunit sa kabilang banda, siguro ay isa na rin siyang adik na lulong sa ilegal na droga. Isang parausan ng init ng katawan ng sarili niyang kapatid.

Tinangka na rin ni Keith na depensahan ang sarili sa korte, ngunit ang katotohanang nag positibo ito sa paggamit ng droga, ay isa nang napakalaking bagay upang mapagbintangan siya. Masyado siyang nagpabulag sa biglaang kabaitan ng nakatatandang kapatid, na hindi na niya napansin ang araw-araw na drogang hinahain sa kanya.

Doon na nga tumulo ang kanyang mga luha, kasabay ng pagsikip ng kanyang dibdib. Napa-dakma na lamang siya sa manipis na sapin ng kanyang matigas na higaan. Tiyak ni Keith na hanggang ngayon ay laman pa rin siya ng mga tabloid at dyaryo dahil sa kanyang nagawa.

Mamatay tao.

Sa pag-singhap niya ng hangin, ay siya namang pagdabog ng isang bagay sa kanyang taas. Napatigil na lang siya sa pag iyak, sabay upo nang may pag iingat. Sa paglibot ng kanyang mga mata, napansin niyang may isa pang kamang dalawa ang palapag.

Doon niya nalamang may kasama pala siya sa loob ng silid na ito. Nang makita niyang nakatingin sa kanya ang dalawang lalaki, ini-yuko agad niya ang ulo upang iwasan ang mga mata ng mga ito. Nagulat at nalito nalang siya nang makita niya ang mga mukha nito. Ang isa ay mukhang ka-edad niya, at ang isa nama'y mukhang ka-edad ng yumao niyang kuya.

"Oy, bagong salta, anong kaso mo?" Nanlaki ang mga mata ni Keith sa biglaang tanong ng isa.

Hindi mahanap ni Keith ang tamang sagot sa tanong na hindi niya inaasahang marinig, lalo na't sariwa pa ang mga ito. Nakahinga siya ng malalim nang marinig niyang iniba ang tanong nito.

"Sorry... ano na nalang pangalan mo?" Tumingala ulit si Keith, at doon niya napansing napakabata ng itsura nito.

"K-keith... Keith Sebastian." Matipid niyang ani, sabay sulyap sa isang lalaki mula sa itaas na higaan.

"Nice to meet you, Keith. Shane nga pala." Masiglang ani ng lalaki, mga mata nito'y tila mas naging singkit, dala ng malaki nitong ngiti.

Napatawa naman ang lalaki sa taas, sabay pitik sa tainga ng lalaki sa ibaba ng kama. "Jake." Matipid nitong ani, sabay kaway ng kanan nitong kamay.

Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Keith. Tila ba'y nagkamali siya ng akala. Kitang-kita niya kung paano siya nginitian ng dalawa, para bang wala sila pinoproblema. Nagulat na lang si Keith ng marinig niya ang pagtawa ng Shane.

"Anong nangyari sa ulo mo? Mukhang masakit yan, ah." Pagtanong ni Shane, dahilan ng pagkunot noo ni Keith.

Dahan-dahang inangat ni Keith ang kanang kamay papunta sa likod ng kanyang ulo, at doon niya naramdaman ang bendang nakapulupot sa ulo niya. Doon niya naalala na may bumato sa ulo niya. Agad niyang pinunasan ang tumulong luha mula kanyang mga mata.

ILALIMWhere stories live. Discover now