KABANATA LABING APAT

711 66 19
                                    

WARNING: THE FOLLOWING SCENES MAY CONTAIN ILLEGALITIES. REMEMBER THAT THIS IS ONLY A WORK OF FICTION.

Kanina pa nagtataka si Keith sa kinikilos ni Kane. Pansin niyang kanina pa ito tingin ang tingin sa kanya, at kung lilingunin naman niya ito, ay biglang iiwas. Napasimangot na lamang si Keith sa inaakto nito. Kanina lamang, ay tinatakot siya nito. Ngunit ngayon, ay hindi man lang nito magawang tumingin sa kanya nang diretso.

Maging ang magnobyo din, ay ganon ang inaakto. Titingin sa kanya na para bang may gusto silang sabihin, ngunit umiiwas naman ng tingin kapag nililingon niya. Huling-huli pa nga niya ang nag-aalalang tingin ni Shane sa kanya, kaya naman hindi niya maiwasang mapasimangot. Ang pulis naman na si Adrian, ay kanina pa siya nginingitian.

Humagikhik pa nga kapag tumitingin kay Kane. Sinasamaan lamang siya ng tingin ni Kane. Nakakapagtaka. Napasinghay na lamang si Keith, at yumuko na lamang.

Hindi kalaunan, ay narating na nila ang paliguan, ngunit nakakapanibago dahil wala ang ibang mga preso doon. Tahimik, nakakatakot, at tanging mahihinang pagpatak lamang ng tubig ang naririnig nila. Hindi maiwasan ni Keith na bumuntot sa likod ni Kane dahil sa katahimikan ng paliguan.

“Mauna muna kayong maligo, Jake, Shane...” Kaswal na usal ni Adrian sa magnobyo, atsaka inabot ang dalawang pares ng unipormeng pang kolehiyo. Pagtapos niyo, suotin niyo yung dalawang ID, nasa loob niyan. Bilisan niyo, at kakailanganin ko kayong dalawa.” Pag iinstruksyon niya, at tumango naman ang dalawa.

Nakangising pumasok si Jake, habang inaalalayan si Shane patungo sa isang shower stall. Maya-mayang sumusulyap si Keith sa pulis, naghihintay ng sasabihin nito sa kanila, o sa kanya.

“Umalis ka nga diyan sa likod ko.” Buryong utos ni Kane, na ikinagulat ni Keith. “Para kang tuta.” Dagdag pa nito kaya naman umalis siya kaagad sa likod nito, at pumwesto sa gilid nito.

Nakatiklop ang mga braso nito, habang nakapikit nang lingonin niya ito. Kitang-kita niya ang nag-iigtingan nitong panga, at kung pano ito suminghap. Nanahimik na lamang siya, at bahagyang tumingin kay Adrian, na nasa kabilang gilid niya.

“Hayaan mo na muna 'yang si Kane. Excited lang 'yan umuwi.” Paghagikhik ng pulis habang umiiling.

Tumango na lamang si Keith, at nag isip. Sigurado siyang may dahilan si Kane para maging excited sa paguwi. Tiyak niya ding may pamilya itong uuwian. Kabaliktaran niya. Ganon na lamang siguro kaya wala siyang nararamdamang antisipasyong lumabas. Tanging takot lamang ang tumutulak sa kanya upang sumama sa kanila.

Napabuntong hininga na lamang siya, at ngumiti nang matipid. Naisip niyang makakalabas nga siya sa loob ng piitan, wala pa din siyang pamilyang uuwian. Wala nang natira sa kanya, kundi ang mga alaalang tiyak na hindi niya makakalimutan. Mama, Papa, Kuya, sorry po. Bulong niya sa kanyang isip, at bahagyang suminghap. Ito na lamang ang magpapagaan sa bigat ng mga bagaheng nasa dibdib niya.

Maya-maya pa ay lumabas na ang magnobyo, malinis at nakasuot na ng unipormeng pang kolehiyo.

“Parang gusto ko tuloy ulit mag aral.” Nakangiting wika ni Shane, inaayos ang kurbata niya.

Ngumiti naman ng kaylaki si Jake sa narinig. “Bakit hindi, Babe? Senior High pa lang naman ang natatapos mo, eh.” Tugon ni Jake, na kaadad na ikinatuwa ng nobyo niya.

ILALIMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora