KABANATA DALAWAMPU'T ISA

625 42 15
                                    

Tahimik at maingat na kinukuskos ni Jake ang mga kamay niyang may mantsa ng dugo. Hindi mo mawari ang itsura nitong puno ng pag aalala, pagod at nangangamba. Hindi na nga nito nagawang tumingin pa sa salamin dahil sa hiya. Maya-maya niyang sinisisi ang sarili sa bagay na hindi naman niya ginawa. Ni wala nga siyang ideya na mawawala na lamang bigla ang nobyo niya dahil parang normal lang naman ang gabing lumipas bago iyon naganap.

Nang mawala ang bakas ng dugo sa kanya mga kamay, ay sunod naman niyang hinilamusan ang kanyang mukha. Wala na siyang oras maligo, at maya-maya din ay hahanapin niya ang nawawalang si Shane. Inaamin niya na mas mayroong alam ang maliit niyang nobyo sa mga ganitong kaganapan, ngunit hindi niya pa din maiwasang mag alala. Lalo na noong makita niya kung gaano kalaki ang mga lalaking dumukot sa kanya.

Napagdesisyonan na niyang ipagpatuloy ang paghahanap kay Shane sa oras nang umalis na ang mga tao. Nagpapasalamat naman siya na pumayag si Kane, na ngayon ay inaasikaso ang wala sa wisyo na si Keith. Nasisiguro niyang malalagot sila kay Shane sa oras na malaman nito na isinama nila si Keith sa auction. Baka hindi lang batok ang abutin niya kung sakali dahil alam niya kung gaano ito kaingat kapag si Keith na ang pinag uusapan.

Napasinghay na lamang si Jake, at pilit na pinagtibay ang loob niya. Pagkatapos niyang maghilamos ng mukha, ay hinubad na niya ang kanyang suot na tuksedo. Ipinatong niya iyon sa kanang balikat, at mabilis na nilisan ang palikuran. Hindi niya nais na masayang pa ng oras. Tinungo niya ang kwartong kinaroroonan nila Kane, at nakitang pinapatahan si Keith.

Sandali siyang nakaramdam ng pagkahiya nang makitang okupado si Kane sa ginagawa. Hanggang ngayon, ay nanginginig pa din sa takot si Keith, ani moy lahat ng kagimbal gimbal na nasaksihan nito, ay pinabalik ang nakaka traumang kahapon. Gayon pa man, nangangailangan talaga siya ngayon ng tulong ni Kane, kaya naman tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito.

"Kane, pahiram ako ng truck. Hahanapin ko si Shane. Hindi mo na kailangang sumama." Nagsusuhestiyon niyang ani, matapos nitong paupuin si Keith sa kama.

Nakita niyang tumaas ang kilay ni Kane bago ito umiling. "Sasama ako."

Nagulat naman silang dalawa nang magsalita si Keith. "A-akala ko ba nahanap na si Shane? Kane--s-sabi mo nagpapahinga na siya?" Muli naman nitong sinubukan tumayo. "S-sasama din ako, p-please."

Inismiran naman ito ni Kane. "Hindi ka sasama. Tignan mo nga 'yang itsura mo. Parang hindi ka na makakalakad." Asik nito, ngunit nasurpresa sila nang hindi ito nagpatinag, at nagpatuloy sa pagsamo niya.

"K-kaya ko! B-bakit ka nagsinungaling? S-sabi mo nandito na si Shane--Tapos w-wala pa pala..." Kumapit ito sa damit ni Kane, at patuloy na nagmakaawa. "S-sama ako--Hindi ako magpapabigat! P-pangako!"

Nauubusan na sila ng oras, at hindi na nakapag pigil pa si Jake. "Kane, isama na lang na'tin," sabay lingon nito kay Keith. "H'wag kang lalabas ng truck, Keith."

Nabuhayan ng loob si Keith, at mabilis na tumango sa sinabi nito. Nagulat na lamang siya nang muling magsalita si Kane.

"Subukan mo lang maging pabigat--Sinasabi ko sa'yo... maiiwan ka."

Puno man ng takot, pilit na inalis ni Keith ang bakas ng kanyang luha sa mukha, at binigyang tugon ang sinabi nito. "M-makaka asa ka."

--__--

Sa kasalukuyang oras, naroon sa isang dalampasigan nakatayo ang dalawang lalaki. Makikita sa magkaibang pigura ng mga ito ang kakalmahan na pumapares ito sa payapang simoy ng hanging dala-dala ng pampang. Tanging sinag ng bilog na buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa kanilang mga pigura.

Isang singhay ang lumabas sa mga labi ng lalaking may kaliitan, at sunod na nagsalita. "Kung alam kong 'yon pala ang ipinunta mo... hindi na tayo aabot sa ganito, eh."

ILALIMWhere stories live. Discover now