Chapter 1 Winterfell

Start from the beginning
                                    

"Dok, alam niyo po, dapat hindi clinic ang itinayo mo." Komento niya. "Dapat charity."

Natatawang napapailing-iling na lang ako sa sinabi niya. Sila ni Wilbert ang nag-uwi ng mga gulay at prutas na ibinayad kanina ng ilang customers sa clinic.

Nauna siyang bumaba ng dyip dahil mas malapit ang uuwian niya kaysa sa akin. Ako na nga lang ang natira sa loob ng sasakyan pagkatapos.

Habang naglalakad ako patungo sa kalsada pauwi ng bahay ay hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa kasal ni Candice. If ever man na pupunta ako, kailangan kong magdala ng ka-date. Ayoko naman na ma-out of place doon. Tsaka gusto kong malaman nila na naka-move on na ako sa nangyari. They deserved each other anyway. Parehong manloloko!

"Hold up 'to."

"Oh my God!" Gulat na gulat na bulalas ko sabay natatarantang itinaas ang dalawang kamay.

"Akin na ang pera't cellphone mo." Naramdaman ko ang matulis na bagay na idinikit niya sa likod ko.

"S-sorry po." Kinakabahang sagot ko. "Bebenta na lang yata pera sa wallet ko. Pwedeng GCash na lang?"

"Huwag mo akong pinagloloko ha?" Parang galit na sabi nito.

"Totoo po 'yong sinasabi ko." Tugon ko sabay ibinaba ang kamay at inilabas ang wallet mula sa loob ng handbag. "Look o." Sabay ipinakita sa kanya ang laman nito.

Napakamot ito sa ulo. Nakasuot ito ng facemask kaya hindi ko kita ang kanyang mukha. Wala ding streetlight sa tapat namin kaya medyo madilim.

"Kung gusto niyo kunin niyo na po 'yong bente." Sabay inilabas ang bente pesos at iniabot sa kanya.

Napapalatak ito. "Naku huwag na. Sayo na." Tsaka kakamot-kamot na tumalikod. "Kawawa ka naman."

"Teka lang po!" Pero hindi na siya lumingon pa.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Medyo malayo din ang nilakad ko mula sa babaan hanggang sa bahay. Bukas pa ang mga ilaw sa loob ng bahay ng pumasok ako sa pantaong gate.

"O, Winter, nandito ka na pala." Bati ni tita Maura sa akin ng pumasok ako sa loob ng bahay. Abala siyang nanonood ng movie sa HBO. "Kumain ka na ba?"

Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. "Hindi pa po, tita." Tugon ko. "Sina tita Che at tita Joan po tulog na ba?"

"Hay naku, huwag mo na silang hanapin." Sabi niya sabay subo ng popcorn. "Si Che abalang nanonood ng Korean drama sa Netflix. Akala mo naman naiintindihan niya ang mga salita nila. Si Joan abalang nanonood ng pornhub."

Napakamot ako sa ulo at napangiwi sa huling sinabi niya. Nagpaalam ako sa kanya na tutungo sa kusina para kumain pagkatapos ay umakyat na ako sa taas, sa kuwarto ko para makapagpahinga na rin.

Hanggang sa paghiga ay ang tungkol pa rin sa kasal ang iniisip ko. Parang pinagsisisihan ko tuloy na umoo ako kay daddy. Ngayon tuloy hindi ko alam ang gagawin ko.

*****

Kaya naman kinabukasan ay sinabi ko kina tita Mau, tita Jo at tita Che ang tungkol doon.

Simula noong mamatay si mama, bunsong kapatid nila, ay sa kanila na ako tumira. Pero noong high school ako hanggang college ay sa bahay ni daddy at ang kanyang pangalawang asawa na si tita Lorena ako tumira. Tipong Cinderella ang istorya ng buhay ko sa kanila. Akala naman kasi nila makikihati ako sa yaman ni daddy kaya gano'n na lang ang trato nila sa akin. Wala akong pakialam sa pera niya. May iniwan namang pera para sa akin si mama sa bangko.

May-ari ng isang pharmaceutical company ang daddy ko, ang Deogracia Pharma. Ngunit kahit kailan hindi ako humingi sa kanya ng pera. Kung binibigyan man niya ako noon, para iyon sa pag-aaral ko at hindi ko iyon hiningi, kusa niya itong ibinibigay sa akin.

Noong makapagtapos ako ng kolehiyo at ganap na maging Veterinary Surgeon ay umalis ako sa puder niya at bumalik sa aking tatlong tiyahin na puro matatandang dalaga.

"So kailangan mo ng date?" Tanong ni tita Mau, fifty-six years old na ito.

"Sino ba ang dapat nating i-recommend?" Sabi naman ni tita Che, fifty-three years old naman siya.

"Dapat 'yong hindi kilala ni Candice. Para naman pong hindi ninyo siya kilala." Nakangusong sabi ko habang pinaglalaruan ng kutsara ang longganisa sa plato ko.

"Ba't di ka na lang mag-sign sa dating sites?" Suhestiyon ni tita Joan, fifty years old na ito.

Maang na napatingin kaming tatlo sa kanya.

"O di ba? May tama ako?" Aniya sabay subo ng kanin.

"Sa kakanood mo yan ng porn kaya ganyan ka mag-isip." Tuya ni tita Che sa kanya.

"Hindi niyo kasi gets e!" Paliwanag niya. "Oo, kilala natin ang ugali ni Candice. At least kapag nag-hire ng date itong pamangkin natin, kahit sulutin pa ng bruhang 'yon, okay lang di ba? Hindi masasaktan si Winter."

"May point nga siya." Sang-ayon ni tita Che kaya sa kanya naman kami maang na napatitig ni tita Mau.

"Tsaka dapat babae ang iha-hire natin para di ka mabuntis kahit aksidenteng kantotin ka!" Sabing dagdag ni tita Joan.

"Tita!" Pakiramdam ko pulang-pula ang mga pisngi ko.

Alam naman nila ang take ko pagdating sa usaping sex. Na hindi ako nagpapagalaw hangga't hindi pa kasal. Kahit pa nakatatlong boyfriend na ako. Kaya din siguro ako niloloko dahil do'n. At ang magaling kong half-sister ang sumusulot sa kanila. Ewan ko ba, para bang ipinanganak siya para kunin ang lahat ng mayro'n ako.

"Bakit ano bang pangkantot ng babae?" Clueless na tanong ni tita Maura sa kanya.

"Daliri tsaka -" Sumenyas siya gamit ang dila.

Napangiwi ako sa itsura niya. Mapapa-face palm na lang po ako. Hanggang ngayon nga ay nagtataka pa rin ako kung kapatid nga ba sila ni mama o hindi. Ang layo kasi ng ugali ni mama sa kanila.

"Ah..." Sabay pang napatango-tango ang kanyang dalawang kapatid.

"Hindi nga siya mabubuntis no'n." Komento ni tita Maura.

Napapailing-iling na napahawak ako sa ulo ng itinukod ko ang siko sa ibabaw ng mesa.

Kaya yata sila tumandang dalaga e. Sinong magseseryoso sa kanila? Haist. At parang hindi rin yata malayong matutulad ako sa kanilang tatlo! Maging matandang dalaga na virgin!



-Unedited.

Virgin at 30Where stories live. Discover now