Epilogue: Unofficially Yours

1.8K 47 15
                                    


































"Hoy, hintay naman! Ang haba haba ng legs mo eh!" Sigaw ko habang nakatukod ang mga braso ko sa tuhod ko. 

Ang layo na kasi ng inabot ni Aybi kakatakbo. Sinong hindi mapapagod eh ang haba haba ng biyas niya! Hustisya naman sa akin na mas maliit sa kaniya diba?

Kitang kita ko naman ang pag tawa niya mula sa malayo. "Kaya mo 'yan, Adi! Malapit na tayo sa puno oh?" 

"Ayoko na, pagod na ko!" Nagdabog na nga ako at naupo sa lapag. Napailing na lamang siya at lumapit sa akin. Lumuhod siya patalikod sa akin kaya napataas ako ng kilay. "Ano yan?"

"Sumakay ka na, ipapasan kita hanggang doon." Sagot niy, agad naman akong umiling. Baka mahulog niya pa ako ang nipis nipis ng katawan niya!

"Wag na mahulog po ako eh!" Pag tanggi ko.

"Wag ka nang kung ano anong sinasabi at pumasan ka na." Mataray niyang saad. Wala na akong nagawa kundi sumampa sa likod niya at pumasan. Malakas pala siya 'no? Sabagay payat naman ako kaya kayang kaya niya ako pasanin.

Pinasan niya ako hanggang sa makarating kami doon sa puno na tambayan namin. Malapit ito sa bangin kaya naman tanaw na tanaw namin dito ang mga ilaw sa siyudad. Paboritong tambayan namin ni Aybi 'to lalo na kapag hapon dahil malamig ang simoy ng hangin dito. 

Naupo kami at nahiga naman ako sa hita nya habang siya ay nakasandal sa puno. Pinaglalaruan niya ang buhok ko at tinitirintas. Ganito ang gawain namin tuwing walang pasok sa school. Grade 2 si Aybi at Grade 3 naman ako. Magkaibang school kaming dalawa dahil hindi afford nila Mama at Papa ang school kung saan nag-aaral si Aybi. Private school kasi 'yon tapos sa public school naman ako. Sinabay nga lang ako nila Tita Herna at Tito Gilbert nu'ng nagpa brace si Aybi dahil mahal magpa brace. Regalo na daw nila sa akin dahil birthday ko last month.

Si Aybi.. sikat siya sa school nila dahil sikat sila Tita at Tito. Kahit Grade 5 pa lang siya, ang dami nang nagkaka crush sa kaniya sa school nila. Maski sa school ko ang daming nagkaka crush sa kaniya. Inaaway nga ako ng mga kaklase ko kapag sinusundo nila ako nila Tita Herna, bakit daw kami close ni Aybi eh mahirap lang daw ako. Tanggap ko naman na hindi kami kasing yaman nila pero wala akong pake sa kung ano man ang sabihin nila sa akin, si Aybi lang naman ang importante sa akin.

Bata pa lang kami, crush ko na si Aybi. Hindi ko alam kung normal 'to kasi ang alam ko kapag nagkakacrush ang babae ay dapat sa lalaki. Pero bakit sa babae ako nagkakacrush? Siguro normal lang naman dahil bata pa naman ako. Pag tumanda na siguro ako magkaka crush na din ako sa lalaki.

"Ang lalim ng iniisip mo, Adi, ah? Share naman diyan." Natauhan ako nang marinig kong magsalita si Aybi. Natulala pala ako, hindi ko napansin.

Umupo na ako at tumabi sa kaniya. "Iniisip ko lang kung paano ko patitigilin mga kaklase ko na guluhin ako."

"Ginugulo ka nila? Inaaway ka ba nila? Sabihin mo sa akin kung sino 'yan, bibigwasan ko silang lahat." Natawa naman ako sa sinabi niya. Bibigwasan talaga? "Bakit ka ba nila ginugulo?"

"Gusto ka nila ligawan pero pinadadaan nila sa akin." Sagot ko na ikinataas ng kilay niya.

Umiling iling na lang siya. "Hindi ko sila type."

"Hindi agad?" Tumango naman siya. "Hindi mo pa nga sila nakikilala eh."

"Kahit pa, wala na akong kahit sinong magugustuhan 'no." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kaniya.

Bigla namang lumiwanag ang mukha niya. "May crush na ko eh."

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now