Chapter Six - Palawang Getaway D-1

1.6K 40 18
                                    











I V Y

Iniisip ko kung anong susuotin kong pang swimming. Tatlo kasi ang dala ko. Isang black two piece, maroon one piece at black and pink na two piece.

"Yung black and pink, Ivy. Maganda yan." Suggest ni Ate Cait. Naka suot na din kasi siya ng bikini pero pinatungan niya ng maong short and sleeveless.

Black two piece ang suot niya. Yung strap niya ay nagsasalubong sa leeg niya tapos may butas sa may cleavage part. Malaki ang hinaharap namin kaya proud kami. Sinuot ko naman na yung akin. Pink yung color niya tapos yung lines kulay black. Ganun din sa bottom part. Nagsuot ako ng maong na short at loose shirt. Pinusod ko yung buhok ko para hindi malagkit. Ganun din si Ate Cait. Si Ate Pongs kasi nauna na sa baba. 

Ngayon ready na kami kaya makiki swimming na kami sa kanila.









D E A N N A

Nagbabasaan parin kami nila Ate Mads kahit na basang basa na kami. Nasan na kaya sila Cait at Ivy? May balak pa bang magswimming yung dalawang 'yun?

"Sali kami!" Napalingon kaming lahat. Nandito na pala silang dalawa.

Nagsalita naman si Ate Mads. "Sige, tara dito."

Hinihintay namin na lumusong na sila pero hindi. Nataranta kami bigla nang iangat nila yung damit nila.

"Huy! Anong ginagawa niyo?" Tanong namin. Sila lang kasi naghuhubad eh. Halos naka rash guard kaming lahat.

Nagtataka naman silang tinignan kami. "Uhh, maghuhubad? Don't worry naka panloob naman kami."

Napatango nalang kami. Jusko kinabahan kami ah?

Literal na napanganga kaming lahat nang hubarin na nga nila yung pang-itaas nila. Shit! Bakit ang sexy ni Ivy? Agad akong napalunok nang makita ko ang hubog ng katawan ni Ivy. Ngayon ko lang siya nakita nang nakaganyan eh. Bakit ka ganiyan, Ivy?

Sabay silang tumalikod at napanganga ako. May mga tattoo pala si Ivy! Yung isa nasa gilid ng dibdib, isang malaking bulldog at yung isa naman, sa tagiliran ito, heart na may parang banner at may sentence yung tattoo niya. Ano naman kaya yun?

Napatingin naman ako sa tattoo sa tagiliran ni Ivy. Binasa ko ng maigi yung nakasulat.

Deanna Wong.

Pangalan ko lang naman yun pero sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Parang may nagkakarerahan sa loob. Kinalma ko ang sarili ko at nag enjoy na sa pag siswimming kahit hindi parin mawala sa isip ko yung tattoo ni Ivy. Grabe talaga epekto sa akin ng babaeng 'to. 










I V Y

Kaka ahon lang namin dahil nagutom kaming lahat. Nag-iihaw ngayon sila Ate Pongs at Ate Kat ng makakain namin at sila Ate Caitlyn at Ate Bea naman ay naghahanda ng hapag. Nasa maliit na kubo kami pero kasya naman kaming lahat. Dumating sila Ate Madz at Ate Den  na may dala dalang softdrinks. Dalawang 1.5 na Coke.

Kami naman nila Ate Thang at Ate Isa ay hindi nila pinatulong kaya nag papatuyo na lang kami ng buhok.

"Mga ate, tara selfie tayo!" Sabi ko sa kanila. Lumapit naman sila sa'kin at nakipag selfie. Nag individual picture din kami. Pinicturan ko sila at pinicturan nila ako. Nagpalit ako agad ng profile picture dahil eight months ago pa yung picture ko.

Binuhaghag ko yung buhok ko at nakahawak ako sa isang camera at nakangiti. Yan yung bago kong profile pic. Tinanggal ko yung loose shirt ko para naka bikini top lang ako.

Unofficially YoursМесто, где живут истории. Откройте их для себя