Chapter Eleven - Situation

1.5K 42 17
                                    












I V Y

Argh. Ang sakit ng ulo kooooooo.

Napatingin ako sa tabi ko. Natutulog pa si Deanna. Umayos ako ng upo at napahawak sa ulo ko. Tubig. Gusto ko ng tubig.

Naghilamos at toothbrush muna ako bago bumaba sa kusina at uminom ng tubig. Naghanap na din ako ng gamot. Ang huling naaalala ko kagabi ay inaya ko sila Ate Cait at Kamuy na uminom.

"Argh. Pakshet na ulo 'to." Lalo lang talaga siyang sumasakit eh.

Tumingin ako sa orasan. 11 am na at hindi pa gising si Deanna. Lumapit ako sa ref at tinignan kung anong pwedeng lutuin. Ahh, Adobo na lang. Ang tagal na din naming hindi nakakain ng adobo eh. Nagluto na nga ako at hinanda sa lamesa.

Natapos kaming kumain at ako na ang nagligpit. Habang naghuhugas ako ay nagulat ako nang may yumakap sa'kin mula sa likod. "Love~"

"Hmm?" Sagot ko.

Pinatong niya yung baba niya sa balikat ko. "Masakit pa ulo mo?"

"Medyo, pero pawala wala na din."

"Ahhh." Sagot niya. Nakayakap parin siya sa'kin habang naghuhugas ako. "I love you, love."

"Mmm, love you too." Sagot ko.

"Pagkatapos mo diyan, akyat ka ah? May ibibigay ako sa'yo." Sabi niya.

Tumango naman ako. "Okay."

Kumiss lang siya sa cheeks ko bago kumalas at umakyat.

Tinapos ko naman na ang ginagawa ko at nagpunas ng kamay bago umakyat. Nasa terrace si Deanna kaya naman naligo muna ako bago siya pinuntahan. Matapos maligo ay nagbihis na ako saka siya pinuntahan. "Love.."

"Oh, kove. Nandyan ka na pala, halika dito."

Lumapit ako sakaniya at tumabi. Kinuha niya ang kamay ko at nilapit niya sakaniya. Nagtataka man ay nakita ko na lang na sinuotan niya ako ng isang singsing. Makinang ito maganda.

"Promise ring natin yan. Meron din ako." Sabay pinakita niya yung kamay niyang may ganun ding singsing. "May nakaukit na pangalan natin diyan. Hindi natin 'to tatanggalin kahit pa ikakasal na tayo."

Napangiti naman ako saka siya niyakap. "Thank you, Deannaaaa."

"Always welcome, Aybi." Sagot niya habang nakayakap sa'kin.


















D E A N N A

"Ivy.."

"Hmm?"

Umayos ako ng higa. "Mahal mo ba talaga ako?"

Nandito na kami sa garden at nakahiga. Hindi pa kami natutulog kaya nagkekwentuhan nuna kami.

"Ano ba namang tanong yan, Deanna Wong? Syempre mahal kita." Sagot niya. "Ikaw ba? Mahal mo ba talaga ako o naaawa ka lang sa'kin?"

"Mahal kita, Aybi. Ewan ko kung bakit pero may nararamdaman ako na noon palang mahal na kita." Sagot ko. "Siguro tayo na talaga nung past life natin."

Natawa naman siya. "Diba nga magkababata tayo? Baka 'yun nararamdaman mo."

Katahimikan ang namayani sa'min ng ilang minuto habang nakatitig kami sa langit. Kahit ganito lang kami lagi basta kasama ko siya, masaya na 'ko. Mahal na mahal ko talaga siya eh.

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now