Chapter Twenty Five - Memories

1.4K 40 12
                                    

















T H I R D P E R S O N

"Ano nangyare, Aybi?"

Tinago na ni Ivy yung phone nya. "Yung pinakafavorite na lolo at lola namin ni Kamille, nandun sa loob. Tara balik na tayo dun. Ipapakilala kita."

"As a friend?" Nakangiting tanong ni Deanna.

Natawa naman si Ivy at pinisil ang ilong ni Deanna. "As my fiancée. Kaya tara na pumasok na tayo."

Pumasok na silang dalawa at pumunta na sa table nila kanina. Nandun parin sila pero wala ang lolo at lola nila Ivy. "Kamuy, nasan na sila lola?"

"Andya–"

"MGA MABABAIT KONG APOOOOOOO!!"

"LOLA KATEEEE!!" Agad lumapit sila Kamille at Ivy sa Lola Kate nila. "Namiss ka namin, Lola!"

"Pano naman ang gwapo niyong lolo? Hindi niyo namiss?" Tanong ni Lolo Isaac.

Natawa naman ang dalawa at yumakap din sa lolo nila. "Syempre naman lolo! Namiss ka namin no."

"Maupo muna po tayo." Inalalayan nila Ivy at Kamille ang lolo at lola nila.

"Hello po." Sabay sabay na bati ng Titans.

"Ay hello din sa inyo mga magagandang dilag." Sagot ni Lola Kate.

'Teka? Parang kilala ko sila?' Tanong ni Deanna sa isip.

"Lola Kate? Lolo Isaac?" Gulat na tanong ni Deanna.

Nilingon naman siya ng dalawa at nagulat sila. "Deanna? Hija, kayo na ba yan?"

"Opo, lola!" Nakangiti siya yumakap kay Lola Kate at Lolo Isaac.

"Ang gwapong maganda naman ng bata na ito. Parang kailan lang eh ang liit liit mo pa ah." Pagpuri ni Lolo Isaac.

"Teka, kilala mo sila Lolo at Lola?" Takang tanong ni Kamille.

Ngumiti naman si Deanna. "Oo naman 'no! Sila kaya yung nag-alaga samin nila Adi–"

"Adi?" Gulat na tanong nila Ivy at Kamille. "Pano mo nalaman yun?"

"Ah yun kasi yung tawagan namin ng kababata ko na apo nila Lolo Isaac at Lola Kate." Nakangiting sagot ni Deanna at maya maya'y nanlaki ang mata sa napagtanto. “Teka! Sino sa inyo ang apo nila? Sino sa inyo si Adi?”

"No way." Sagot ni Ivy. "Ikaw si Adi?"

"Ilang buwan na kayong engaged, pero ngayon niyo palang nalaman na kayong dalawa ang mag Adi noon?" Takang tanong ni Lolo Isaac. "Oo, Deanna. Si Ivy ang kababata mong tinatawag mong Adi."

"Ohmygod." Bulong ng Titans.

Napapikit si Ivy nang biglang sumakit yung ulo niya.

"Adi, umuwi ka na ba dito para balikan ako? Grabe namiss kita!"

"Layuan mo nga ako!"

"A–Adi?"

"Hindi ako umuwi dito para balikan ka pwede ba? Nandito ako para sunduin yung girlfriend ko."

"Bella? Tara na? Aalis na yung sasakyan natin."

"Marga?"

"Uh, Keith? Anong ginagawa mo diyan sa lapag? Tumayo ka dyan. Madumi diyan."

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now