Chapter Three - Bully

800 22 1
                                    













I V E L L A

"Serves you right, stupid." Nakapikit lang ako at umiiyak dahil nandito nanaman ako sa loob ng cubicle. Binuhusan nila ako ng tubig na galing sa basurahan kaya amoy na amoy ko ang baho nito.

Narinig kong naglabasan na sila kaya naman agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Kuya. Hindi ko na kayang kimkimin lahat. "Kuya.. please answer.."

"Hello, bunso?"

"Kuya.." Umiiyak kong sagot.

"Wait, are you crying? What happened?" Nag-aalalang tanong niya.

"Pahiram ako ng damit.. I-I'm here sa girl's bathroom dito sa JHS building.. Please come.." Nanginginig kong tawag sa kaniya.

"Okay, bunso. Papunta na ako- just wait for me there." Binaba ko na ang tawag at tuloy lang sa pagluha.

Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa 'to sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanilang lahat, palagi nila akong inaaway. Kung ano anong pinagsasabi nila sa akin.

Ampon.

Weird.

Anak ng makasalanan.

Kadiri.

At kung ano ano pa.

I never told anyone about this. Maski isa sa family ko. I've been dealing with this for 8 months already. Ayokong dumagdag sa stress ni Mami kay Dada.

"Ivella? Ivella, where are you? Kuya is here na." Kinatok ko ang pinto para ipaalam kung nasaan ako. Binuksan ko din ito kaya naman nakita ko si Kuya at nanlalaki ang mata niyang tumingin sa akin. "What happened to you?!"

"I.." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Natatakot akong magalit si Kuya. "..please promise me first that you won't get mad at me."

"I'll never get mad at you, bunso. Please.. tell Kuya what happened." Nag-aalalang tanong nito habang tinutulungan akong tanggalin 'yung mga basurang tinapon sa akin.

Humikbi naman ako. "I.. I am bullied, Kuya. My classmates d-did this to me."

"Bunso, bakit hindi mo sinabi kay Kuya?" Nag-aalalang tanong niya.

Umiling ako. "I don't want to be a burden to all of you. Kaya ko namang kimkimin but it's too much na, Kuya. I don't want this to happen again. I'm tired of everything."

"I'll call MD, hmm? Para matulungan ka niyang maligo." Tumango lang ako at hinayaan na siyang tawagan si Ate.

Kahit natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Kung si Kuya Azi mahinahon, si Ate MD ay very opposite.

Kinakabahan na ako para sa mga kaklase ko.

"Nandito kami sa loob ng girl's bathroom.. Yes, ni lock ko muna kasi baka magulat sila nandito ako sa loob.. Come quickly.." Rinig kong sabi ni Kuya Azi sa phone. "Papunta na si MD, bunso. I am sorry this happened to you."

"Azi? Ivella? Ate's here." Binuksan ni Kuya Azi ang pinto at agad pumasok si Ate MD. Lumapit siya sa akin. "Bunso, I'm sorry. I didn't know, I should've looked out for you."

"It's okay, Ate. Please help me take a bath. I don't want this, this is so gross." Naiiyak kong sabi.

Sinamahan niya ako sa shower area ng gym. Hinihintay lang kami ni Kuya Azi sa labas, si Ate MD pinaliliguan ako. Kinukuskos niya ang balat ko nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at nilapit sa kaniya.

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon