Chapter Twenty Nine - Healed

1.7K 59 7
                                    














D E A N N A

“I hope I won't see you again here, Deanna.” at nagtawanan naman kaming tatlo.

Today is my last day of therapy. The nightmares from our accident is permanently gone. Maaalala ko na lang kapag nagbabalik tanaw ako.

Ivy's with me since the first day of my therapy. Hindi niya ako sinukuan, sila ng therapist ko. Pinagtuunan nila ng pansin ang kondisyon ko at tinulungan akong makawala sa nakaraan. Nahirapan ako at first but it was all worth it now.

“Bye, doc!” Bati naming dalawa at umalis na. Nakaangkla ang kamay ni Ivy sa braso ko. “Where do you wanna go, Adi?”

Nag-isip naman siya. “Can we go on a date? Namimiss na kitang ka date eh.”

“Aw, Ang Adi koooo~” Paglalambing ko dito at hinalikan siya sa labi. “It is a date then!”

Dinala ko naman siya sa lugar kung saan ako palaging bumibili ng Pares nu’ng naglalaro pa ako sa CMFT. “Hello, tay! Long time no see po.”

“Uy, hija! Ang tagal mong hindi dumalaw dito ha? Kumusta ka na? Magaling na ba ang binti mo?” Tanong niya agad sa akin.

Kumalat kasi ang balita noon na naaksidente nga ako kasabay pa ng retirement ko sa volleyball kaya malamang nakarating din sa kanila ito.

Tumango naman ako. “Magaling na po, tay. Magaling po kasi itong nurse ko eh.”

“Aba'y napakaganda naman ng nurse mo parang manika!” Pagpuri ni Tatay sa asawa ko at kita ko namang nahiya ito. “Ito na ba ang asawa mo? Naalala ko noo'y nabalita na ikinasal ka na eh.”

“Opo, Tay. Si Ivy po, ang misis ko.” Pag papakilala ko. Nakipag kamay naman sa kaniya si Ivy.

“Napaka gandang bata, Deanna. Ang husay mong pumili ng mapapangasawa.” Puri ni Tatay. “O siya gagawin ko na ang order ninyo at nang makakain na kayong dalawa.”

“Sige po, Tay.” Sagot namin ni Ivy.

“Dito ako madalas nagpupunta, Adi. Kasama ko si Regine madalas kapag pupunta ako dito kasi kaming dalawa ang magkasundo sa Pares.” Kwento ko sa kaniya. “Kung minsan kapag gusto kong mapag-isa, nandito lang ako nakikipag kwentuhan kay tatay habang kumakain.”

“Oo, hija. Kapag mag-isa nagpupunta ‘yang si Deanna dito ay alam ko nang malungkot ‘yan o kaya nama'y gustong mapag-isa.” Kwento din ni Tatay.

Tumango tango naman si Ivy. “Nu’ng time na naghiwalay tayo tapos umalis ka, nandito lang ako araw-araw no’n. Diba, Tay?”

“Oo, ikaw pala ang babaeng ikinikwento ng batang ito noon pa.” Sagot ni Tatay. “Aba’y kahit ako kung ganyan kagandang nobya ang iiwan ako, malulungkot talaga ako nang husto. Magwawala ako tapos itutumba ko itong side car.”

Natawa naman kaming tatlo. Kwela talaga ni Tatay kahit kailan. Kaya gustong gusto ko dito kasi makulit si Tatay eh.

Kumain na kami nang matapos itong gawin ni Tatay. The best talaga ang pares dito, walang katulad!!

“Ito na po bayad, Tay. Sa inyo na po ang sukli.” Nakangiting saad ni Ivy kay Tatay.

“Nako, anak. Maraming salamat malaking tulong na ito para makakain ako ngayong araw.” Nakangiting pasasalamat ni Tatay.

Nagpaalam na kaming dalawa at saka umalis. Nagdadrive lang ako nang magsalita si Ivy.

“Adi..” Tawag nito sa akin. “Pwede ba tayong magpunta sa grocery store? May gusto lang akong bilhin.”

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now