Chapter Twenty Four - Reunion

1.5K 32 7
                                    


















D E A N N A

“Deanna Wong, mag-usap tayo.” Agad akong natigil sa pagtawa nang marinig ko ang boses ni Ivy. Malamig ang tingin nito sa akin.

“Si–S–Si–Sige..” Utal kong sagot. Kitang kita ko naman ang mahinang tawa no Kamille sa gilid kaya kinurot ko siya nang palihim.

“Tara sa taas.” Huling sabi ni Ivy bago tumalikod at naglakad. Sumunod naman ako hanggang sa makapasok siya sa kwarto at lumabas sa balcony. Sumunod ako sa kaniya hanggang doon.

“A–An–Anong pag-uusapan n–natin?” Utal ko nanamang tanong. Napasampal ako sa bibig ko. Leche! Kanina pa ako nauutal.

“I'm sorry.”

Kunut noo naman akong napalingon sa kaniya. “Ha?”

“Sorry sa ginawa ko kay Carly.” Hindi siya tumitingin sa akin at malayo lang ang tingin niya. “Nairita lang ako sa kaniya.”

Palihim naman akong napangiti. “Bakit ka naman nairita? Wala namang nakakairita sa kaniya. She's a very sweet woman.”

“That's why I'm apologizing.” Sagot niya sa akin. “I didn't mean what I did.”

“Ito ba talaga ang rason kung bakit mo ako gusto kausapin?” Tanong ko.

Hindi ko kasi gets bakit kailangan niyang mag sorry. Hindi naman ako ang minalditahan niya.

“Fine.” Humarap siya sa akin at pinagkrus ang mga braso niya. “Reunion na bukas and you're my partner. Wala ka bang balak bumili ng gagamitin mo?”

“I have pero how can I do it, hindi mo naman ako pinapansin.” Sagot ko.

“Hawak ko ba ang mall para hindi ka makapamili dahil lang hindi kita pinapansin?” Taas kilay niyang tanong.

Napaisip naman ako. Oo nga naman. “I want you to come with me kasi, wala naman akong alam dito sa Pampanga.”

“Just say you want to spend time with me and go.” Irap na sagot niya. Natigilan naman ako kaya natawa siya. “Oh diba? Tama ako.”

“Sasamahan mo ba ako?” Tanong ko. Nagkibit balikat naman siya. “See? Ayaw mo din naman akong samahan eh.”

“Oo na sasamahan kita. But I'm not yet done with you.” Matalim ang tingin nito sa akin.

Agad akong napatili nang sugurin niya ako at itulak sa railing. “IVY!”

“Ganito ‘yung ginawa mo sa akin few months ago diba?” Matalim ang tingin nito sa akin at mahigpit na nakahawak sa balikat ko. “Nararamdaman mo na na ‘yung takot ko ha?!”

“An–Ano bang ginagawa mo?! Sorry na! Nadala lang ako ng galit ko no’n! H–Hindi ko sinasadyang masaktan kita!” Utal utal kong tanong.

Ibang Ivy ang nakikita ko ngayon. Galit na galit, sa tangkad niya mas lalo akong natakot sa kaniya.

“W–Wag mo ‘kong ihulog please! Luluhod ako sa harap mo mapatawad mo lang ako!” Naiiyak kong saad. Napapikit na ako. “Just please don't push me!”

“Anong pinagsasabi mo?” Napadilat ako nang may marinig akong snap. Nagulantang ako dahil naka upo na si Ivy sa upuan at nakakunot ang noong nagtatanong sa akin.

Napatingin ako sa sarili ko. What the heck? Nakaupo din ako! Pano nangyari ‘yon?

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ivy. “You're daydreaming, Deanna Wong.”

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now