Chapter Twenty Three - Enchanted

1.5K 51 33
                                    
















D E A N N A

Nakaupo lang ako dito sa bench sa Enchanted. Bad choice talaga na sumama ako eh. Kanya kanya naman kasi sila.

Si Ivy? Edi malamang kasama nanaman ‘yung hilaw na ‘yon. Hindi naman sa ineexpect kong papansinin niya ako kaya sumama ako pero wala eh, galit pa rin naman kasi siya sa akin.

Nahagip ng mata ko ang dalawa. Nasa isang booth sila kung saan magshushoot ka ng bola at kapag naka shoot ka ng dalawa, mananalo ka ng teddy bear. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Ivy nang manalo si Hilaw.

“Ahhhh! I love you, Kirooooo!” Sigaw niya at niyakap pa nga si Hilaw.

Nakakainis na ah? Makalayas na nga dito.

Padabog akong tumayo at umalis sa pwesto ko. Naglakad lakad na lang ako at nagmuni muni. Sana all nag eenjoy. Inenjoy ko na lang ang sarili ko sa pagkain dito sa mga stall. Buti pa ‘tong corndog, dinadamayan ako.

“Hi? Deanna Wong, right?”

Napalingon naman ako sa nagsalita. Sino ‘to?

Napansin niya siguro ang pagkunot ng noo ko kaya natawa siya. “I’m Carly, best friend ni Gel Cayuna.”

“Oh, right!” Gulat kong sabi. “Hi, I'm sorry hindi kita nakikila. I was too preoccupied kasi.”

“Okay lang. Why are you alone here?” Tanong niya.

“Kasama ko teammates ko, kaso kanya kanya sila eh kaya eto, solo trip ako.” Natatawa kong sagot.

“I can join you!” Masayang bati niya.

Napangiti naman ako. There's no harm in making friends, isa pa nakalimutan na din ata ako ng teammates ko.

Nginitian ko naman si Carly. “Sure! Order ka na ng food mo, it's on me.”

















I V Y

“Nagugutom na ako, Loki. Kain tayo.” Aya ko dito. Kanina pa kami naglalaro kaya medyo pagod na din ako. “Nagcecrave ako sa siomai rice at gulaman, hanap tayo.”

Naghanap kami ni Loki ng mga food stalls and luckily, nakahanap din naman kami. Nasaan kaya sila? Di ko na sila mahagilap eh. Nag enjoy na ata sa mga rides.

“Ako na oorder, hintayin mo na lang ako dito.” Sambit ni Loki at inalalayan akong umupo. Inupo ko din ‘yung teddy bear sa kabilang upuan. Ang cute cute talaga, panda kasi siya.

“Yeah, yeah, I remember. I think that was 2021? Nu’ng na link ka sa akin during the pandemic days.” Familiar ‘yung boses na ‘yun ah?

Luminga linga ako para hanapin ang may-ari ng boses and boom! Nakita ko siya.

Agad na kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang kasama niya. Si Carly Hernandez ba ‘yon? Siya ‘yung nalilink kay Deanna dati eh. Bakit magkasama sila?

Pinagmamasdan ko lang sila, nagtatawanan sila at may pa hampas hampas pa sa braso ni Deanna si Carly. Ang harot ha? Dito talaga maglalandian sa public?

“Huy! Kawawa naman si Panpan, bakit mo sinasakal?” Natauhan ako nang marinig ang nagsalita. Napatingin naman ako sa teddy bear na hawak ko at oo nga, sakal sakal ko na ito. “Ito na ‘yung food natin oh– ano bang tinitignan mo kasi?”

“Wala–”

“Ayonnnn.” Pang-aasar niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Selos ka, beh?”

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now