Chapter Nineteen - Thoughts

1.4K 46 17
                                    











T H I R D  P E R S O N

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Agad na napalunok si Deanna sa sinabi ni Kamille. Seryoso kasi ito.

"Wag kang mag-alala. Di naman kita kakainin 'no." Nakangiting sabi ni Kamille. Napalunok ulit sya at tumango na. "Kamusta ka na?"

"Okay naman."

"Okay ba talaga?" Tanong ni Kamille. "Alam mo, Deanna, pwede mong sabihin sakin yung totoo mong nararamdaman."

Bumuntong hininga naman si Deanna. "Hindi ako okay. Masakit parin sakin lahat ng nangyayare sa buhay ko.”

“Nawala ang dalawang babaeng minahal at minamahal ko. Deserve ko rin naman eh, pinagsabay ko silang dalawa. Kaya naiintindihan ko din kung bakit dinadanas ko ‘to ngayon.” Dagdag ni Deanna. Nakikinig lang sa kaniya si Kamille.

Tinapik niya yung balikat ni Deanna. "Kaya wag kang mag-alala. Mapapatawad ka din ni Ibyang. Hindi man ngayon, atleast handa ka namang maghintay para sakanya diba?"

"Hindi ka ba galit sakin?" Tanong ni Deanna sa kanya. "I mean, diba. Nasaktan ko yung bestfriend mo eh."

"Hindi no. Saka naiintindihan naman kita diba. Alam kong nadala ka lang sa galit mo 'no." Nakangiting sabi ni Kamille. “Pero alam mo namang hindi ko tinotolerate ‘yung ginawa mong panloloko diba? Hindi talaga maganda ‘yon pero ayoko namamg makialam pa lalo. Ang gusto ko lang, maging masaya ang bestfriend ko.”

"Salamat, Kamuy, at sorry dahil nasaktan ko si Ivy." Sagot ni Deanna na ikinangiti ni Kamille.

"Teka, nakita mo ba si Aby?"

"Lumabas eh. Pupunta daw sa convenience store." Sagot ni Deanna.

"BEBI KO NANDITO NA KO!" Parehong nagulat sila Deanna at Kamilla sa sigaw ni Aby sa may pintuan.

"Ang ingay mo, bebi. Nandito lang ako oh." Tawa ni Kamille. Lumapit naman sakanya si Aby at humalik sa noo. "San ka galing?"

"Binilan kita ng ice cream, pambawi sa kagabi." Sagot ni Aby. Natouch naman si Kamille kaya niyakap niya ang dalaga.

"Awwwww ang sweet naman ng bebi koooooo~" Sabi ni Kamille. "Tara kainin na natin 'to. Ikaw, Pogi? Gusto mo?"

"Nako kulang pa yan sayo eh. Alam ko namang para ka ding si Ivy, matakaw sa ice cream." Sagot ni Deanna. Tumawa naman si Aby at nakipag apir pa kay Deanna.

"Sira ulo kayong dalawa ha." Ngiting sabi ni Kamille. "Inaaway mo ko Deanna ha. Bahala ka hindi ko sasabihin sayo kung nasan si Ibyang ngayon."

"Hala, Kamille! Jok lang! Jok lang!" Biglang sabi ni Deanna at yumakap pa sa braso ni Kamille. "Nasan yung love ko huhuhuhu ilabas mo siya!"

"Ayoko inaaway mo ko." Sagot ni Kamille habang kumakain ng ice cream. Sinusubuan naman niya si Aby na nasa harap niya.

Umayos naman si Deanna ng upo at tumikhim. "Sige na kasi, Kamille. Sabihin mo na nagmamakaawa ako."

Natawa si Kamille kay Deanna dahil nagmamakaawa talaga ito.

"Sabihin mo na kung nasan si Ivy, puhleaseeeeee?" Nagpuppy eyes pa si Deanna kaya bumigay na si Kamille.

"Oo na. Oo na. Sasabihin ko na." Sagot ni Kamille.

"Nasan si Ivy?" Tanong ni Deanna at Aby.

Ngumiti naman si Kamille. "Nasa Pampanga lang siya."

















"Anak, may gown ka na ba para sa reunion natin?" Tanong ni Herna kay Ivy.

Umiling naman si Ivy. "Wala pa, Ma. Di ako nakapunta ng mall eh."

"Mabuti kung ganun kase bumili na ko eh." Sagot ni Herna sa anak.

"Can I see it?" Tanong ni Ivy at pupunta sana sa kwarto ng mommy nya ng harangan sya nito sa leeg. "Aray ko naman, Ma!"

"Sa Reunion mo na makikita yun, okay? Sa ngayon, mapirmi ka muna sa bahay dahil may bisita tayo bukas." Sagot ni Herna. "Sige na anak ha? Aakyat na ko."

"Okay, Ma! Goodnight!" Nagflying kiss naman sakanya si Herna bago pumasok sa loob ng kwarto. Kinuha nya ang remote sa may coffee table at binuksan ang tv.

“Choco Mucho Flying Titans, nagwagi sa kakatapos lamang na 2024 PVL Open Conference.”

"Saktong sakto ah? Nananadya tayo, TV?" Sarkastikong tanong ni Ivy sa TV.

"Sino nga ba ang babaeng tinutukoy ng MVP na si Deanna Wong? Narito ang sagot sa naturang video.."

“Una sa lahat, I want to greet my family who flew from Cebu to support me and my friends na nandyan sa audience para i cheer ako. Rinig na rinig ko mga boses niyo!” Natatawang bati ni Deanna.

Bakit ganon? Bakit mas mukha syang fresh ngayon? So ako lang yung broken hearted? Napaka daya naman talaga, Lord.’ sambit ni Ivy sa isip.

“Also to my teammates and coaches, kung wala sila I wouldn't be here right now.” Dagdag niya. “Pwedeng may batiin pa ako?”

“Sure, go on.” Sagot ng reporter.

Ngumiti naman si Deanna at tumingin sa camera. “To the woman whom I hurt the most, if ever you're watching this, I want to say sorry for everything, for what happened months ago.”

“I know sorry won't take the pain I've caused you, love. But I want you to know that I am sincerely apologizing for everything, and please know that after this conference..” Nag pause sya at huminga. Naiiyak ito ngunit nakangiti.

“Hahanapin kita kahit san ka man ngayon.I will do everything for you to forgive me. I love you, love. This is for you.” Inangat niya ang medal at nakangiting pinakita sa camera.

"Manatiling nakatutok sa ABC News para sa karagdagang impormasyon."

"No shit." Bulong ni Ivy matapos mapanood and balita. "Matapos mo kong saktan gaganyan ka? Aba, ang galing mo naman!"

"Anak, baka murahin ka ng TV sige ka." Napalingon naman si Ivy.

"Pa jusko ginulat mo ko." Gulat na sabi ni Ivy habang nakahawak sa dibdib. "Akala ko po tulog na kayo ni Mama?"

"Nako ang mama mo, ayaw tigilan yung gown mo. Sabi ko nga matulog na dahil maaga pa kaming gigising bukas eh." Sabi ni Gilbert. "Eh nagugutom pala kaya eto, aakyatan ko ng lasagna sa taas. Ikaw anak? Baka nagugutom ka kaya kinakausap mo yang TV ha?"

"Hindi, Pa." Sagot ni Ivy. "Nabwisit lang ako sa balita."

"Yan ba yung tungkol sa viral video ni Deanna sa awarding?" Tanong ni Gilbert. Tumango naman si Ivy. "Bakit ba ayaw mo pang patawarin anak? Ginagawa naman nya lahat para sayo oh. Nag take risk pa sya para lang ipagsigawan sa buong mundo na nagsisisi siya sa ginawa niya sayo."

"Pero, pa.." Malungkot na sabi ni Ivy. "Masakit parin kasi yung ginawa niya eh. Hindi ko siya kayang patawarin ng ganun ganun na lang matapos niyang gawin sakin yon. Hindi ko talaga inakalang masasaktan niya ako nang pisikal."

"Alam kong masakit ‘yung nagawa ni Deanna at naiintindihan ko kung bakit hanggang ngayon nagagalit ka parin. Anak, lahat ng tao deserve ang pagpapatawad ha? Matuto kang magpatawad anak." Sabi ni Gilbert at ngumiti. "Para hindi ka nasasaktan."

Hinalikan niya ang anak niya sa noo bago siya umakyat sa kwarto nila at naiwang tulala si Ivy.





















Napaisip naman si Ivy. 'Tama ba na patawarin ko na si Deanna?'
_________________________________________________________________________

Ano sa tingin niyo, mga darling? Dapat na ba patawarin ni Ivy si Deanna? 🤔

–Seven 🌻

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now