Chapter Eight - Palawan Getaway D-3

1.6K 51 20
                                    












I V Y

Nagmulat ako ng mga mata ko at nakita si Ate Cait sa tabi ko. Sobrang laking pasasalamat ko dahil sobrang bait ni Ate Caitlyn para damayan ako kagabi. Hindi ko inexpect na dadamayan niya ako.

Tumayo ako at naghilamos. Gagawan ko ng breakfast in bed ang mga Ate ko, lahat sila. Pwede ko namang pakiusapan ang mga staff dito eh.

Kami kaya owner ng hotel na ‘to hehe.

Bumaba na ako at pumunta sa dining. “Good morning, Miss Ivy.”

“Good morning hehe. Pwede mag request?” Tanong ko. “Pwede niyo ba ako tulungan mag luto? Tapos iaakyat ko sa room ng mga Ate ko.”

“Sure, Ma'am!” Sagot nila kaya sinimulan ko na ang gagawin ko.














“Ang sarap, Miss Ivy! Pwede ka na talaga maging Chef namin dito.” Puri ni Olivia, Chef dito. Natawa naman ako.

Tinulungan nila akong iakyat ang lahat ng mga food. Nakalagay sa mga cart ang food at naka plastic wrap ito. Una kong pinuntahan ang room namin. Kumatok ako at binuksan. “Breakfast in bed, mga Ate kooo!”

“Wowww.” Inilapag ko ang mga food nila kasama ang mga bed trays. “Mukhang masarap, bebe.”

“Ako po nagluto hehe.” Sagot ko. Pinapasok naman ni Aidel, yung isang staff, yung iba pang food namin.

“Hala weh? Pinayagan ka ng Chef?” Tanong ni Ate Pongs. Sasagot na sana ako nang sumabat si Aidel.

“Sila po kasi owner ng hotel, mga Ma’am kaya pwede po siyang magluto hehe.” Kita ko naman ang panlalaki ng mata nila kaya tinakpan ko bibig ni Aidel.

“Hehehe tara na nga maghahatid pa tayo ng food sa kabilang room. Mga ate, hatid lang namin ito sa iba ha?” Hindi ko na hinintay ang sagot nila at lumabas na kami. “Baliw ka talaga, hindi naman nila alam na kami owner nito.”

Natawa naman siya. “Si Miss Ivy naman, napaka humble mo talaga.”

Hinatid na din namin sa ibang room ang mga pagkain. Pare pareho sila ng reaksyon kaya natawa kami ni Aidel. Huling pinuntahan namin ay ang room nila Deanna. Kumatok ako si Deanna ang nagbukas. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. “U–Uhm, breakfast in bed para sa inyo.”

“S–Sige, pasok kayo.”

Pumasok na kami ni Aidel sa loob at dinistribute ang mga food nila. Nakaupo na din si Deanna sa higaan niya at mukhang naghihintay din. Inabot ko naman sa kaniya ang food niya. “Belly part ‘yang bangus kasi diba favorite mo ‘yan.”

“Salamat.” Sagot niya. Hindi ko na siya tinignan at tumalikod na. Lumabas na kami ni Aidel.

“Del, salamat ha? Kainin niyo na ‘yung food niyo, nagtabi ako para sa inyong lahat. Sabihan mo na lang sila.” Tumango naman siya at dinala na paalis ang cart. Bumalik na ako sa kwarto namin at kumain na ako. Natapos akong kumain kaya nahiga na lang ako at nag phone.

Tahimik lang kaming tatlo nang may kumatok sa room. Tumayo si Ate Pongs at binuksan. “Oh, Bei? Bakit?”

“Si Ivy ba nandyan?” Lumingon naman ako sa pinto kaya nakita niya ako. “Can we talk.. privately?”

Nagpaalam ako kina Ate at sumama kay Ate Bea sa labas. Dinala niya ako sa tabing dagat at naupo kami doon. “I know you saw and heard what happened yesterday night, Ivy.”

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now