Chapter Thirty Two - Kate Dann Ivella

1.4K 34 0
                                    














6  Y E A R S  L A T E R . . .

I V Y

"Stop it, MD!" Rinig kong sigaw ni Azi mula sa living room. Nasa kusina kasi ako at nagluluto ng lunch namin. "You're such a bully talaga!"

"Patola ka kasi, Azi. Masyado kang malambot, bakla ka 'no?" Tawa pa ni MD. 

Maya maya lang ay narinig ko na ang iyak ni Azi kaya naman pinatay ko na ang kalan at pumunta sa living room. Tumakbo papunta sa akin si Azi at yumakap. "Mami, pagalitan mo nga 'yan si MD binubully nanaman ako. Bakla daw ako!"

"MD, stop bullying your twin ha?" Saad ko kay MD. "There's nothing wrong kung malambot si Azi kahit lalaki siya. It's normal, everyone has soft sides. You'll understand when you grow up, hmm?"

"Okay, Mamiii." Sagot ni MD. Sakto namang bumaba si Deanna na kakatapos lang maligo. Humalik ito sa labi ko kaya naman lumayo sa amin 'yung dalawa. Huminto na sa pag-iyak si Azi at mukha na siyang diring diri sa amin.

"Ew, Mami and Dada. Get a room please." Sabay nilang sabi at tumakbo papuntang kusina Natawa na lang kami sa kanilang dalawa. 

"Manang mana sa'yo si MD, Adi." Saad ko kay Deanna. "Kamukha mo na nga, pareho pa kayong bully sa amin ni Azi."

Natawa naman siya. "Sorry naman, ang cute niyo kasing asarin."

"Hay nako, tara na't kumain na tayo. I cooked our favorite." 

Sabay na kaming nagpunta sa dining area. Nakaupo na ang kambal kaya naghain na kami ni Deanna ng pagkain. Nagdasal muna kami bago kumain. Ganyan talaga ang tinuro namin sa magkapatid, dapat laging nagpepray. Bago kumain, bago matulog at kapag malungkot or masaya. They are both obedient kaya masaya kami ni Deanna dahil napalaki namin sila nang maayos. 

Palagi nga lang silang nagbabangayan, para kaming nagsilang ng little version naming dalawa.

Sa loob ng anim na taon, kasama ko si Deanna na nagpalaki sa kambal. Hindi siya katulad ng iba na ilang buwan after manganak ng misis nila eh deretso trabaho na at ang misis na bahala sa lahat. Ayaw niya kasing iasa sa akin ang lahat dahil kami pareho ang magulang ng kambal. Bumalik lang ulit siya sa office nung medyo nagkakamuwang na ang kambal. 

One thing we're amazed about the twins ay 'yung pagiging open minded nila at such a young age. Hindi sila 'yung tipo ng mga bata na kapag dinala mo sa labas ay takbo dito at takbo doon. Sobrang behave nilang dalawa. Tinuruan din namin sila na hindi maging demanding na pabili dito at pabili doon. Although, deserve nilang bigyan ng madaming regalo, ayaw lang namin na lumaki silang mahilig humingi at kapag hindi napag bigyan ay magtatampo or magtatantrums. Pareho silang good listener kaya hindi naging mahirap ang pag aalaga namin ni Deanna sa kanila.

Isa pa, pareho silang hindi mahilig sa laruan. Si MD, mahilig sa libro 'yung batang 'yon. Gusto niya magbasa nang magbasa, minsan nga hindi ko na maintindihan 'yung pinagsasabi niyang galing sa libro. Gusto daw niyang magsulat ng libro kapag matanda na siya. 

Si Azi naman, mahilig sa music. Ka vibe niya ang Dada niya sa pagdadrums. Silang dalawa ang magkasundo sa pagtugtog. Maganda din ang boses niya kapag kumakanta, hindi ko alam kanino siya nagmana. Gusto daw niyang maging singer o magka banda pag tanda niya.

Madaldal silang magkapatid kaya naman giliw na giliw ang mga lolo't lola nila sa kanila. Hindi sila mahiyaing bata kaya pati ang buong CMFT, tuwang tuwa sa kanilang dalawa. Napaka bibo nila.

"Mami..” Napalingon naman ako kay Azi. “When are we gonna have a little brother or sister?”

“Pfft–!!” Naibuga ni Deanna ang kinakain niya at inubo. Inabutan ko naman siya agad ng tubig at hinagod ang likod niya.

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now