Chapter Nine - Home

1.6K 49 32
                                    













I V Y

Hinalikan niya ako.

HINAHALIKAN NIYA AKO.

Wala akong nagawa dahil hawak niya ang mukha ko. Hindi ko siya mapigilan dahil sa hindi ko alam na dahilan.

Nang hindi na kami makahinga ay humiwalay na siya sa'kin. Anong ginagawa mo sakin, Deanna? Bakit hindi kita nagawang pigilan?

"B–Bakit mo ako hinalikan?" Gulat kong tanong.

Tinitigan niya ako sa mata. Jusko, Deanna Wong. Wag mo 'kong titigan ng ganyan dahil natutunaw ako.

"Hindi ko na kaya, Ivy. Pakiramdam ko sasabog na 'yung dibdib ko 'pag hindi ko pa 'to nasabi sa'yo." Ang alin? "Ivy, mahal kita. Mahal na mahal din kita."

Alam ko naman na 'to pero iba parin talaga yung feeling sa'kin mismo niya sinabi.

"Matagal na kitang mahal." Panimula niya. "Nu'ng time na nag viral 'yung picture na pinost mo, nakarating sa akin 'yon. Inutusan ko 'yung admin ng fans club ko na hingin 'yung original copy sa'yo at natuwa ako dahil binigay mo ito sa kanya."

"Pinaprint ko 'yon ng malaki at pina frame saka ko nilagay sa living room ko. That was our championship game, right? Season 81 sa UAAP." Dagdag niya. Tumango naman ako.

Hinila niya ako sa malapit na upuan at naupo kami. "Pinagmasdan ko 'yung picture na 'yon hanggang sa nakita ko 'yung pangalan sa watermark mo. Hinanap ko agad sa social media kung sino ka. Hanggang sa nakita ko 'yung twitter mo na puro mukha ko ang laman. Kaya ayun, nakita ko din ang IG at FB mo kaya inistalk na kita. Nalaman ko na palagi ka palang pumupunta sa mga games namin simula nu'ng pumasok ako ng Ateneo. Simula no'n, lagi na kitang inaabangan every games."

"Si Ate Bei." Napatingin naman ako sa kaniya. "Si Ate Bei ang nakapansin sa akin no'n. Siya na din ang nag sasabi sa akin na nando'n ka na o kaya kapag wala ka. Hindi mo ba napansin kapag wala ka sa court, natatalo team namin?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Napansin ko din 'yon. Kada team bahay ako sa games nila, natatalo talaga sila. Well akala ko naman nagkakataon lang.

"Nawawala ako sa mood kapag nalalaman kong wala ka sa audience." Natatawa niyang dagdag. "Doon ko na narealize na hindi na normal 'yung nararamdaman ko. Pero kami lang ni Ate Bei ang nakakaalam no'n. Siguro nga kakapahanap ko sa kaniya sa'yo sa audience, pati siya nahulog din sa'yo."

"Hanggang sa nu'ng nag meet ang family natin, sobrang nagulat ako at natuwa nu'ng nakita kita sa resto no'n. Hindi ko inexpect na 'yung babaeng sinusulyapan ko lang sa audience.." Nakangiting saad niya. "..eh nasa harapan ko at lalo pa akong natuwa nu'ng malaman kong pakakasalan na kita."

"Mahal kita, noon pa, Ivy Keith Lapuz Lacsina."

Natulala na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam sasabihin ko. Ano, Ibyang? Nga nga na lang tayo.

Ngumiti naman ako ng malungkot. "Alam mo, Deanna? Lasing ka na. Hindi mo na alam pinagsasabi mo."

"Alam kong nakainom ako pero alam ko pa ang sinasabi ko, Ivy."

Umiling ako. "Halika na ihahatid na kita sa kwarto mo. Lasing ka na eh."

"Hindi ako lasing, Aybi."

Napatitig ako dahil sa pagtawag niya sa'kin. Hinaplos niya ang mga pisnge ko at ngumiti. "Aybi, gusto kong malaman."

"A–Ang alin?"

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon