Chapter Eleven - Ain't Subtle Enough [M]

1.2K 37 18
                                    















D E A N N A

"Adi, graduation na nila MD at Azi next week." Nakaupo kami ni Ivy dito sa balcony sa kwarto at nagkakape. 

Dito kami nagsespend time ni Adi today. Nasa school kasi ang mga bata kaya nandito kami ngayon. Namiss kong tumambay dito kasama ang misis ko.

Humigop naman ako sa kape ko. "Oo nga eh. Ang bilis ng panahon, Adi. Magka college na ang kambal tapos dalawang taon na lang, senior high na din si Ivella."

"Ang tanda na natin, Adi." Natatawang bulalas niya, natawa din ako. Ang bilis talaga ng panahon, hindi namin namamalayan ni Ivy na tumatanda na din kami pareho. 

Medyo nagkakaroon na din kami ng mga puting buhok. Kinukulayan na lang namin para hindi naman kami mag mukhang matanda lalo.

Yung kambal lumalaking sobrang kamukha ko. Parang triplets nga kami eh, lalo na pag magkakasama kaming tatlo. Si Ivella din nagiging kamukha ko na, ewan ko ba ba't hindi nila masyadong hawig si Ivy. Height lang minana nila sa Mami nila.

Ivella became open to us now. Kapag may nararamdaman siya, she's now telling us what is it or how we can help her with it. It's a good thing since hindi siya open sa amin talaga. Nagiging vocal na siya lately and she's slowly becoming happy, we can sense it kasi eh.

Si Azi, nagiging lapitin ng chicks. Ewan ko bakit wala pang pinapakilalang girlfriend ang anak namin eh. Siguro masyado talaga siyang focused sa acads at band nya or sadyang marunong lang magtago, joke!

Si MD.. lately napapansin kong palagi siyang nasa bahay ng isang kaklase niya. I remember her eh, I think her name is Kierra. She's the only person na kilala naming ka close ni MD. Kapag tinatawagan ko si MD, siya palagi ang kasama. Nalelate din ng uwi si MD dahil gumagala daw silang dalawa. Our MD is kinda like an introvert kasi kaya malamang talaga siya lang ang kaibigan no’n.

Our family are slowly getting better. Maayos na ulit ang grades ng mga anak namin at bumalik na silang tatlo sa top. Top 1 si MD at Top 2 si Azi sa year nila while Ivella is also Top 1 sa class nila. I am very proud of my babies. The twins are graduating as valedictorian and salutatorian this year. Sobrang saya ng puso namin ni Ivy nang malaman namin ‘yon, lalo na't kami ang magsusuot sa kanila ng medals nila sa stage.

I can say that our family is slowly healing from the past. Maayos na din ang relationship namin with each other and we built a stronger bond than before.

“Mag celebrate tayo after their graduation. Mag set tayo ng party tapos invite natin ang mga tito at tita nila and let them invite who they want to invite.” Saad ko kay Ivy. Tumango tango naman siya habang humihigop sa kape niya.

Ivy is still the same woman I fell in love years ago. Her eyes are still as beautiful as they are, nangungusap ang mga ito. Her lips are still as shiny and soft as before, ang sarap sarap halikan.

Tama silang lahat, sobrang swerte ko kay Ivy dahil sino ba namang babae ang pipiliin pa rin magstay after ng lahat ng kagaguhan ko sa buhay. Ilang beses ko na siyang nabigo pero ilang beses din niya akong pinapatawad. Gano’n niya ako kamahal at gano’n kabuti ang puso niya.

Pinagmamasdan lang namin ang kalangitan. Payapa ito. Katulad ng agos ng buhay namin ngayon, payapa.

“Namiss kita, Deanna.” Napapikit ako habang dinadama ang yakap ni Ivy sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam talaga ng yakap niya, nakakawala ng pagod. Hinaplos ko ang braso niyang nakayakap sa akin at ngumiti. “Namiss din kita, Misis ko.”

Unofficially YoursWhere stories live. Discover now