Chapter Seven - Palawan Getaway D-2

1.6K 39 17
                                    











C A I T L Y N

Nandito ako ngayon sa kwarto namin nila Ivy at Ponggay. Nagulat nga kami ni Pongs kagabi kasi pagbalik namin sa room, tulog na si Ivy at Deanna. Magkatabi at magkayakap.

Hindi namin alam kung ano ba talaga silang dalawa. Pinakilala lang siya sa amin ni Deanna na kaibigan niya pero hindi talaga namin siya totally kilala.

Pero mabait naman si Ivy sa amin, nalaman namin na sobrang fan pala namin siya. Palagi siyang nasa games namin at nanonood sa amin. Pinakita din niya sa amin ang mga kuha niya kaya nakilala na din namin siya.

“Okay ka na? Hindi na masakit ulo mo?”

Sabay kaming napatingin ni Ponggay kay Deanna. Gising na pala siya at chinecheck niya si Ivy.

“Bakit, Deans? Okay ka lang ba, Ivy?” Sabat ni Ponggay.

Inalalayan naman ni Deanna si Ivy na makaupo. Binigyan namin ng tubig si Ivy. “Sumakit kasi ulo niya kagabi as in sobra hindi ko siya maiwan kaya dito na din ako nakatulog.”

“Kain na tayo sa baba o kaya dalhan ka na lang namin para makainom ka ng gamot.” Sagot ko.

“Baba na lang po tayo, mga ate. Kaya ko naman na po. Hindi na po masakit ang ulo ko.” Sagot niya. Inalalayan siya ni Deanna patayo nang biglang mag ring ang phone niya. Kinuha niya ito at tinignan kaya kami na ang umalalay kay Ivy.

“Tumatawag si Jessica, sagutin ko lang. Baba na kayo.” Saad niya bago lumabas ng kwarto.

Pansin naman namin ang pananahimik ni Ivy, baka masama pa pakiramdam niya talaga. “Sure ka, Ivy? Kaya mo na?”

“Opo, Ate. Kaya ko na po. Nabigla lang siguro po ako sa pagligo kahapon.” Sagot naman niya.

Inalalayan namin siya ni Ponggay hanggang cafeteria. Kumain na din kami at pinainom na namin siya ng gamot. Mukha namang okay siya. Kanya kanya kami ngayon kasi pahinga kami sa pag swimming. Gumala si Ivy kasi okay naman na daw siya tapos si Pongs naman natulog lang sa taas.











4 PM.

Naglalakad ako ngayon sa tabing dagat at naghahanap ng shells. Balak ko kasing gumawa ng bracelet tapos ibibigay ko kela Bea. Marunong naman akong gumawa kaya ayos lang.

Medyo mabigat na din yung dala ko dahil medyo madami na akong nakuha kaya naman tumigil na ako sa pagkuha.

"Ate Bei, naman! Nirerespeto kita dahil mas matanda ka sa'kin at kapitana ka namin pero wag mo naman akong agawan!"

Teka? Si Deanna yun ah?

Napatakbo ako sa direksyon nila. Nandito silang lahat maliban sa dalawa. Umiiyak si Deanna at Bea. Hawak hawak nila Maddie at Regine si Deanna dahil sinusugod niya si Bea. Nasa’n si Ivy?

"Anong nangyayare dito?!" Tanong ko sakanila. Walang pumansin sa'kin nang magsalita si Bea.

Umiiyak na din siya. "BAKIT? Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan tuwing umiiyak siya nang dahil sa'yo? Ang swerte mo nga eh. Mahal ka ni Ivy. Mahal ka ng babaeng mahal ko. Pero jusko naman, Deans! May girlfriend ka pinapaalala ko lang sa'yo. Wag kang selfish dahil hindi ko inaagaw si Ivy sa'yo!"

"Bakit kasi ikaw pa, Ate Bei? Pwede namang ako ang magcomfort sakaniya eh! alam mo namang may gusto ako sakaniya diba?" Sigaw ni Deanna. Pinag aawayan nila si Ivy?

"Pano mo nga siya ikocomfort kung ikaw ang dahilan kung bakit siya umiiyak at nasasaktan?!" Natahimik naman si Deanna. "Pano mo siya ikocomfort kung palagi kang busy sa girlfriend mo? Sana noon palang na nalaman mong sinet ka sa isang engagement, pinigilan mo na dahil alam mong may girlfriend ka. Pero anong nangyayare ngayon? Nasasaktan mo yung tao dahil sa kagaguhan mo! Alam mo bang nahihirapan siya kung pano niya kakausapin ang magulang niya para lang tuparin yung pinangako niya sayo na pipigilan niya yung engagement? Alam mo bang mahal na mahal ka ni Ivy at gagawin niya ang lahat mapasaya ka lang? At alam mo bang nahihirapan siyang pakisamahan ka araw araw na parang wala siyang nararamdaman sayo? Tapos ngayon, sasabihin mo na gusto mo rin siya? Nagpapatawa ka ba ha?” Bulyaw ni Bea, inaawat na siya nila Des.

Unofficially YoursDonde viven las historias. Descúbrelo ahora