They smiled. Alam kong alam na nila ang ibig-sabihin noon. Pero nung narinig namin yung pag-ring ng bell, agad na rin nawala ang ngiti namin.

"Oh my god! Male-late na tayo, mamilyn!" Natatarantang saad ni Berry while getting her things sa table. Ganun din sina Mami, Thomas at si Ate Mig. Ayan kasi.. pwede naman mamayang lunch break Kamil mag-usap. Natutuwa tuloy ako sa loob-loob ko. Parang walang nangyari. Back to normal baga.

Palakad na rin sana ako palabas pero may taong sumusunod sa likod ko at hindi ako tanga para hindi malaman kung sino ito. Sa amoy palang ng pabango nito na gustong-gusto kong inaamoy noon hanggang ngayon. Ipinilig ko ang ulo sa naisip. Parang may sarili talagang utak ang utak ko. Redundant, di ba?

"................." May naririnig akong binubulong niya pero hindi ko na pinansin. Isa pa hindi ko rin naman naiintindihan.

Pagkapasok ko sa room ay umupo na agad ako sa seat ko at hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Dumating na rin ang class adviser namin at nag-roll call.

****

RODNEY

I know what I did to this lady para hindi niya ako pansinin ng ganito. Para akong hangin na dinadaanan niya lang at kahit sulyap wala akong nakuha sa kanya. What I did to her last week was a jerk thing to do pero kung hindi ko gagawin yon, hindi ko madi-distinguish ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Kaya nga gusto kong magpaliwanag sa kanya pero absent naman siya kahapon. Ngayon naman para akong nawawalan ng pag-asa sa pag-iwas niya sa akin.

Lunch break na namin ngayon at nasa mystery club room kami pero sa aming lahat na nandito, minus Ate mig, kami lang dalawa ang parang hindi nage-exist sa room na 'to.

I felt someone tapped my back and when I turn around, si Thomas lang pala.

"Ang gago mo. Ba't hindi mo pa kausapin? Nasa harapan mo na nga." I sighed. Sa wakas may kumausap sa 'kin.

"Paano ko gagawin yon? Eh nakikita mo naman na hindi niya ako pinapansin. Tapos nandito rin sina Mami na alam kong nagagalit din sa akin." Umupo siya sa tabihan ko.

"Ang bakla mo, pare. Be a man! Huwag mong pairalin ang katangahan at katorpehan mo ngayon dahil hindi yan makakatulong sa inyong dalawa. At tsaka sila Mami? Sus, edi paaalisin ko! I know they will understand." I faced him with an 'ikaw ba yan pare?' expression. Ngumisi lang ang gago.

Kung wala lang akong problema dito, tinawanan ko na siya kanina pa. Torpe daw? Sino kaya sa amin ang torpe? Sasabihin ko sana pero hindi nalang ako kumibo. I think this man has a point. I know that they will understand me. Nagtatampo lang sila kaya hindi nila ako pinapansin.

Especially this lady na ang layo na naman ng tingin at parang bumabalik siya sa dating siya. Yung anti-social, cold, at yung 'walking dead' niyang persona. Ayokong bumalik siya sa ganon dahil lang sa kagaguhan ko.

Tumayo ako, dahilan para matigil sila sa pag-uusap at mapatingin sa akin. Except her.

"Can I talk to her.. alone?"

****

MAMI

Thanks goodness! Buti naman at naglakas na siya ng loob magsalita. Buwisit siya! Dahil sa kanya magagalit pa pati sa amin si Kayla. Yes, pinaliwanag na ni Kayla ang reason niya ng paglayo sa amin at alam kong may kasalanan din ako sa hindi pagsabi sa kanya ng past ni Rodney.

Pero naniniwala rin ako na hindi naman magagawa ni Rodney yung pag-iwas sa kanya last week for no reason. Pero ang katangahan niyang ginawa ay pinangunahan niya si Kayla. Hindi niya man lang kinausap kaya tuloy kung hindi siya kinikibo o tinitignan man lang ni Kayla, pwes manigas siya! Hindi na ako tutulong jan, bahala siya! Thaw her heart, again.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now